Chapter 8

27.7K 425 16
                                    

SCARLETT

"Hi! I missed you." Bati ko kay Alexander pagpa pasok ko sa Office niya. Binati ko siya ng malambing pero sinimangutan niya pa din ako. Minsan na iimagine ko na kapag binabati ko siya, lilingon siya sakin ng nakangiti tapos tatawagin niya ako para lumapit sa kanya. Kaso hindi eh! Haaay. I really don't wanna give up.

"I have so much things to do. So pwede ba." Emotionless na sabi niya nanaman sakin.

Bigla ko nanamang naalala yung secretary niya. I feel threatened. Kamukhang kamukha niya kasi si Lucia. Kung hindi ko lang siguro matalik na kaibigan si Lucia, baka mapagkalamalan ko siya. Anyway, hindi naman iyon ang ipinunta ko. Kaylangan kong makausap si Alexander. Birthday ko na kasi sa makalawa and gusto ko siyang makasama.

"Hindi naman ako manggugulo eh. I'm just here to say something at aalis na din ako." Sabi ko and then sweetly smiled.

"At ano 'yon? Siguraduhin mong may katuturan dahil madami pa akong gagawin. Aniya na hindi man lang tumingin sakin.

"Kasi, diba.. Birthday ko na the day after tomorrow. So I was just wondering kung pwedeng—"

"No. May meeting ako sa isang investor sa araw na yon." Ibig niya bang sabihin, hindi man lang niya minarkahan sa calendar niya na birthday ko 'yon? Sabagay, kelan nga ba naman niya naalala ang birthday ko?

Birthday ko... Ano pa nga bang pwedeng maalala sa birthday ko? Iyon ang araw ng kamatayan ni Lucia. Kaya sigurado ako na hindi naman talaga totoo na busy siya. Ayaw niya lang akong kasama. Ayaw niyang mag saya sa araw ng kamatayan ng babaeng mahal niya..

Kung hindi siguro ako nagging duwag noon at ni approach ko siya. Magugustuhan niya ba ako? I think not. Magkaibang magkaiba kami ni Lucia. Sana simula pa lang binago ko na yung sarili ko. Tss.

"Sige na naman oh..."

"Will you just shut up?! I told you na hindi ako pwede nang araw na 'yon." He shouted at me again. Kelan ba ako masasanay sa ganito? Kelan ba darating yung araw na magiging manhid ako? Tss. Too much drama.

"O-ok.." I just said then turned my back.

" Where are you going?" Tanong niya.

"Uhm.. Babalik na ko sa o-office." Nag puputol putol yung pananalita ko dahil naiiyak na ako. Gosh, I don't wanna cry! Masisira ang make up ko. I spent so much time putting these on! Bakit kasi hindi yung waterproof ang nilagay ko. Sh!t.

"Samahan mo ko mag lunch." Sa sinabi niyang 'yon ay napalingon ako sa kanya. I automatically smiled as I heard those words. First time! First time sa loob ng apat na taon niya akon niyayang mag lunch! Hindi siya sakin nakatingin pero para akong sira na na nakangisi.

"I love you. Alexander! I love you!" Patili kong sabi bago ko siya dinamba at niyakap. Yeah. I'm super happy right now!

"Stop it! I'm working." Mukhang nairita naman siya kaya binitawan ko kaagad siya. Baka magbago pa yung isip niya eh.

Isinara niya yung laptop niya at kinuha yung coat niya na nakasabit sa upuan.

"Let's go." Aniya.

Nakangiti akong parang tanga na sumusunod sa kanya. Magla lunch talaga kami ni Alexander. Kyaaaaah. This is exciting.

"Sir."  Sabi nung secretary niya paglabas namin. Ano bayan. Panira ng mood.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon