Chapter 6

30.3K 482 21
                                    

SCARLETT

LUTANG pa din ako at hindi ko namalayan na ibinalibag niya na pala ako papasok sa magarang Matte Black Lamborghini Huracan niya. Parang sasakyan ni batman ang hitsura noon. Mabilis siyang umikot sa kabilang side ng sasakyan at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Lumikha ng nakakatakot na tunog ang sasakyan nang apakan niya ang gas. Sh!t galit siya diba?

Hindi talaga malinaw sakin kung bakit siya nagagalit. I thought he didn’t care? Siguro kayak o ginawa yung kanina dahil gusto ko din malaman kung maaapektuhan ba siya o hindi, actually maraming beses ko nang ginawa iyon, at mukha naming wala talaga siyang pakialam. Pero bakit kanina bigla siyang nagka pakialam? Bakit sukdulan na kung magalit siya?

Mahal niya na ba ako? O kung hindi man, may nararamdaman na ba siya para sakin? Kasi kung totoo iyon, magpapasalamat ako sa lahat ng santong kilala ko. Baka ipasara ko pa ang buong Manila para mag pa party at lahat ng tao invited. Aasa nanaman ba ako? Tss.

I shouldn’t be acting like this. I’m becoming a weak person already, hindi ako ‘to. Ngayon ko lang naisip that I’m beginning to be the woman that he want me to be. I’m beginning to be like her..

Nagising lang ako mula sa malalim na pag iisip nang marinig ko ang malaka na pag sara ng pintuan ng sasakyan sa side niya. Iniwan niya yung susi na nakasaksak pa din mabilis siyang naglakad papasok sa building. Nasa parking lot na kami ng condo. Ganun katagal ang pag de day dream ko? Natatanaw ko ang malapad na likod niya mula sa kinauupuan ko. I’m still wearing Harris’ t-shirt. Kinuha ko sa back seat ang bag ko at sinuot ang baon kong pamalit na short shorts. Wala na kong pakialam kung bakat ang black bikini top ko sa manipis na t-shirt na ‘to. Ang mahalaga masundan ko siya.

Inayos ko muna ang dapat ayusin bago bumaba ng kotse. Ini-lock ko na din iyon.  Baka manakaw. Ang mahal kaya nyan. Nung napadaan naman ako sa security guard ay tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa at pagtapos ay huminto ang mga mata niya sa dibdib ko. Bastos. Palibhasa ang pangit!

“Ikaw! Anong tinitingin tingin mo? Bastos ko ah! Gusto mong mawalan ng trabaho?”

“S-sorry po ma’am.” Nakayuko na lang siya habang nagsasalita. Mabuti. I just rolled my eyes on him. Baka hindi ko mapigilan at tusukin ko ng kuko ko yung mga mata niya! Gosh! Ano bang nangyayari sa Pilipinas? Naturingang security guard eh bastos! I’ll make sure na wala nang trabaho yung lalaking ‘yon bukas.

Dumiretso na ako sa elevator at pinindot ang 26th floor. Pad lang naming dalawa ni Alexander ang nandon sa floor na iyon. Siyempre, kakilala naming ‘yung may ari at isa pa, mahal din ang ibinayad ko para makuha lang yung unit na katabi niya.

Naabutan ko siyang umiinom ng tubig sa kitchen niya. Bakit ang hot hot niya kahit simpleng pag inom lang naman ng tubig ang ginagawa niya? When his eyes met mine, he stopped drinking and smirked at me.

“Ang lakas ng loob mong ipagkalat na girlfriend kita habang nakikipag landian ka sa kung sino sino.” Hindi siya nakatingin sakin habang sinasabi niya iyon. Nagsasalin siya ng tubig sa baso niya.

“Alexander, hindi ganun ‘yon.”

“Ako na ang nakakita. Magsisinungaling ka pa?” He smirked again.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon