Chapter 3

30.7K 474 7
                                    

SCARLETT'S POV

TODAY is Carla's birthday, and as expected, hindi ako sinamahan ni Alexander. Hindi ko alam kung paano ko nakakaya na palaging ganito. I'm an educated woman, pero naghahabol ako sa isang lalaking alam ko namang wala akong pag asa. I guess that's what love does to people, it makes us stupid.

Sana, may nagawa ako dati, baka sakaling hindi nagagalit ng ganito sakin si Alexander. It's my fault right? Kung hindi lang sana ako naging duwag noon, baka mas malaki yung chance na, mapatawad niya ako ngayon?

Lucia...

"BEST, alam mo ba. Mabait naman pala si Xander eh, hinatid niya ako kahapon sa bahay kasi hindi ako sinundo ni Mang Berto." Kinikilig si Lucia habang sinasabi niya ang nangyari sa kanya kahapon nung nag absent ako. Lagi kasi kaming sabay umuwi pero kahapon, hindi kami sabay dahil may sakit ako.

"Oh tapos? Ano nangyari?"

"Edi yun, tinanong niya kung may boyfriend na daw ba ako." Tumawa pa siya ng malandi. Aba, kilig na kilig ang loka!

"And? Anong sinabi mo?"

"Wala! Wala naman talaga akong bf noh. Saka sabi niya kung pwede siya makipag kaibigan. Pero teka nga, Ano na nangyari dun sa sinasabi mong bagong target mo?"

Anong nangyari? Nakikipag kaibigan siya sa bestfriend ko. OO. Si Alexander ang lalaking gusto ko simula pa noon, pero nagulat ako dahil nag absent lang ako ng isang araw, tapos ganun na ang nangyari? Hinatid niya si Lucia sa bahay nila? I don't really get the point. Hindi ko naman sinasabing panget yung bestfriend ko. Actually, She's pretty, pero simple lang siya. Hindi naglalagay ng kolorete sa mukha, at laging nakaipit yung buhok, pati yung pananamit niya, laging naka jeans at t shirt at lagi ring naka sneakers. Ako? Sexy naman ako. Maganda. In fact maraming nagkakagusto sa akin. Lagi akong naka make up at rebonded ang buhok ko. Minsan nga, kinukulot ko , o kung ano mang style ang magustuhan ko. Matagal na akong nagpapa pansin kay Alexander pero si Lucia pa ang napansin niya. I mean, diba ganon naman ang typical na gusto ng boys? O yung simple lang ba talaga ang gusto nila?

4th year college na kami ni Lucia sa kursong Marketing. Oo pareho kami ng course, ganun namin kamahal ang isa't isa. Simula pa lang kasi nursery magkaibigan na kami. Ipinagtanggol ko kasi siya dun sa batang nag bu bully sa kanya.

"Beeest? Ano na?"

"W-wala. Parang wala naman yata akong pag asa dun," Sabi ko na lang. Chance na ni Lucia 'to para maka experience ng ganung bagay. Kaya hindi na ako manggugulo.

"Ano ka ba naman! Ikaw pa? Walang pag asa? Parang di ako naniniwala. Ganda mo kaya."

"Alam ko! Pero kasi iba yung gusto nun."

"Ikaw talaga best. Lika na. May klase pa." At pagkatapos ay ngumiti siya. Isang matamis na ngiti. Parang nabura lahat ng problema ko, but don't get me wrong, hindi ako tomboy , para sakin si Lucia ay dapat iniingatan, she's very fragile. Ni hindi niya nga maipagtanggol yung sarili niya sa iba eh.

"MAAM. Nasa pool part po ng mansion ang party ni miss Carla." Sabi sa akin ng maid nila. Kaya pala sa bandang pool ko naririnig yung maingay na music.

"Thank you."

Carla's party was suppose to be a swimming party, and of course I have to wear my best bikini, I need this. Minsan kaylangan ko ding mag relax. Kung wala akong pahinga, baka mabaliw na ako sa stress sa work, stress kay Alexander, at stress sa iba pang bagay.

"Hi Carla!" Bati ko kaagad pagkakita ko sa kanya at bumeso ako.

"Oh my gosh! Scarlett. I'm glad you came! Magpalit ka na ng swimsuit!" Sinabayan niya pa ng tawa ang mga katagang iyon. Luka luka kasi si Carla, party girl. Yung kuya niya ay isa sa mga clients ko kaya nakakasundo ko din siya.

I am the President of Giant Castle Malls. Gian Castle is the number one shopping mall in Asia. Yes, in Asia. May branch kami sa iba't ibang bansa sa Asia that's why. So now you know how stressful my work is. My dad must be so proud of me. Haha.

6 pm pa lang ay papalubog oalang ang araw kaya't medyo maliwanag pa. Nag palit na ako ng damit at lumabas, nagulat ako dahil pag labas ko ay madami nang mga bisita, well hindi naman ako nahihiya. Confident ako sa katawan ko. I go to the gym everyday kaya naman alam kong maganda ang shape ng katawan ko .

I am wearing a black two piece swim suit at inilugay ko lang ang buhok ko. I didn't even bother to wear make up dahil alam ko namang maganda na ako at mag siswimming naman kaya mabubura din yun diba?

"You're so sexy. Scarlett!" Tili ni Carla. Kaya naman pinicture-an nila ako ng pi-nicture-an. Minsan nag sa sideline din ako as model ng Giant Castle eh haha.

Napalingon ako sa kanan at may nakita akong pamilyar na pigura. Shit!

"Hermaine?!" Gulat at nanlalaki ang mata ko sa nakita ko.

"Scarlett! I missed you." Lumapit ito sakin na para bang kahapon lang siya umalis!

What is she doing here?


Sino si Hermaine? Bukas ulet! HAHAHAHA, votes and comments please.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon