Chapter 24

25.1K 310 5
                                    

SPG

SCARLETT

Maingay na hiyawan ang naabutan ko sa canteen. Ang daming tao. Babae at lalake na nagsisigawan na para bang may chini cheer sila.

"Pacey! Banatan mo na yan!"

"No mercy! Wooooh!"

"Sabunutan! Sabunutan!" Mga sigaw na sinusundan ng halakhakan.

Hinawi ko ang mga tao at dumiretcho sa gitna, nag init kaagad ang ulo ko ng makita ko kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Ang walanghiyang si Pacey! Hawak hawak nya sa buhok si Lucia, umiiyak lamang siya at walang nagagawa.

"Bitawan mo si Lucia." Maiksi at madiing sambit ko.

"Oh look! Your bestie is here." Nanguuyam na sabi ni Pacey.

"Ang sabi ko, bitiwan mo siya." Sa pagkakataong ito ay tinapunan ko na siya ng matalim na tingin. Hindi niya pinansin iyon at tumawa lang siya. Talaga bang inuubos niya ang pasensya ko?

Binitawan niya ng pabigla si Lucia kaya napasubsob ito. Tumingin siya sa akin at tumango naman ako. Mamaya na kami mag uusap. Pinaalis ko siya para safe. "What's your problem?" Tanong ko.

"You." Deretsahang sagot niya.

"Bakit? Hindi mo pa din tanggap na ako ang nakuhang representative ng school natin for the UBelt beauty pageant?"

Yes. Pacey has always been mad at me because I always win. Simula sa pagiging cheerleader ng university namin hanggang sa pagiging representative sa kung ano anong beauty pageants. Yes it is a competition between us. Pero sorry na lang siya dahil ako palagi ang panalo. But this Pacey girls has gone too far. Bakit niya idadamay ang bestfriend ko eh ako ang kaaway niya?

"I was just talking to your bestfriend lang naman. I heard salitan kayo sa iisang lalaki eh. Sabagay, pareho naman kayong pakarat!" Sinundan niya ng halakhak iyon. Tingnan mo nga naman ang babaeng 'to. Napaka ugaling walang pinag aralan, sayang naman ang pinapaaral sa kanya ng mga magulang niya.

"How about you? I heard jamming kayo mag weeds ng boyfriend mo ah." Nagbago ang timpla ng mukha niya at napatingin sa paligid. Nakarinig ako ng bulung bulungan mula sa mga nanonood doon.

"What are you talking about?"  I raised my brows and lookes at everyone, mukhang pati sila au naghihintay ng sagot.

"I saw you. I even took a picture." Tumawa ako ng nanguuyam at pinanood ang mukha niyang unti unting namumutla.

What I said was true, noong isang linggo napadaan ako sa pinaka tagong lugar ng campus, there I saw Pacey and her boyfriend having a session. They are using drugs. Well not really, pero illegal pa din ang weeds.

"A-ano ba kayo? Wag kayong maniwala sa kanya! Hoy Scarlette wag ka ngang gumawa ng kwento!" Kaunti nalang at mag hi hysterical na siya, buong lakas kong pinigilan ang tawa ko. Gagawa gawa ng kalokohan pagtapoa hindi kayang panindigan.

"Isang maling galaw Pacey, kakalat sa social media ang picture mo. I swear." Wala naman talagang picture. Tinatakot ko lang siya para tumigil na siya.

Tumalikod na ako at umalis. Kaylangan ko pang puntahan si Lucia. Siguradong umiiyak nanaman 'yon. Dapat talaga matuto na siyang ipagtanggol ang sarili niya.

ILANG LINGGO pag tapos ng insidenteng 'yon, kumalat sa school ang mga hubad na larawan ni Pacey, nalaman kong miyembro pala ng isang gang ang boyfriend niya at nagalit ito sa kanya dahil kapag kumalat daw ang larawan at masisira ang image ng pamilya niya. Nalaman din naming binugbog siya ng boyfriend niya at hindi lang 'yon. Nabuntis pala siya at nalaglag ang bata nang bugbugin siya ng boyfriend niya. Nang dahil don ay ipinadala siya ng kanyang pamilya sa ibang bansa. Sinisisi niya ako noon, she even threatened me na hindi niya ako tatantanan hanggang sa pag bayaran ko ang mga kasalanan ko. Come to think of it, wala akong kasalanan. Kasalanan niya 'yon dahil gumawa siya ng mga maling bagay. Alam na niyang adik ang boyfriend niya, pinatos niya pa din.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon