Chapter 11

29K 489 8
                                    

SCARLETT

 

ISANG ORAS ang lumipas na wala kaming imikan sa sasakyan, nahihiya ako. Nahihiya ako sa sarili ko, ilang beses na akong nagmamakaawa pero hindi ba parang sobra na? Tangina lang. Para lang akong nakahawak sa basag na baso na kahit anong sakit yung nararamdaman ko, hindi ko mabitaw-bitawan.

Sa wakas, narating na naming ang destinasyon namin. Enchanted Kingdom, nasa labas pa lang kami, naririnig ko na ang hiyawan ng mga tao na nakasakay sa space shuttle. Maraming mga taong papasok. Sa labas pa lang, nakangiti na ang mga tao na halatang excited pumasok. Nauna akong maglakad kaysa sa kanya. Hindi ko na alam kung paano ko siya pakikitunguhan pagtapos ng nangyari kanina.

“Hey! Wait for me!” Dinig kong sigaw niya. Napahinto ako sandal pero  naglakad ako ulet. Baka hindi ako yung tinatawag niya eh. Nag a-assume nanaman ako. Aasa tapos sa huli masasaktan? Gaga ko.

“hey!” May naramdaman akong umakbay sa akin. Kasabay ng mga salitang iyon. Habol niya pa ang hininga niya dahil medyo malayo na ako sa kanya. Naiilang ako. Bipolar ba siya? Kanina lang ayaw niya akong pagsalitain, kanina lang parang diring diri siya sakin. Tapos ngayon aakbayan niya ako? Ang hirap intindihin ng isang ito.

“Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko hintayin mo ko eh.” Sabi niya habang sinasabayan na akong maglakad papunta sa bilihan ng tickets. Pero hindi naman galit ang tono ng pananalita niya.

“I thought you are not talking to me.” Simpleng sabi ko na niilang pa din. Hindi ako sanay na may ganitong connection sa kanya in public. Ayaw niya kasi ng PDA.

“Siyempre ikaw yung kausap ko. Ikaw yung kasama ko diba? Let’s go.” Sabi niya ulit. Napatangay na lang ako sa kanya hanggang sa nakapasok na kami sa loob. Grabe. Alas diyes ng umaga pero madami nanamang tao. Peak season kasi eh.

Nakakapanibago talaga, hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa sa pabago bagong ugali niya eh. Hindi kaya, may split personality ‘to? O baka naman bipolar talaga siya? Kaloka. Kung hinahayaan niya kasi akong mahalin siya? Edi mas maganda kung mababaliw siya sa pagmamahal ko diba? Tangina ang corny ko!

Nakaakbay pa din siya sa akin habag pinapanood naming yung carousel na paikot ikot. Mukhang tanga lang. I used to like riding those, pero ngayon ayoko na. I guess ganun naman talaga ‘yon. Nagbabago ang needs and wants ng mga tao. Pero hindi pa din nagbabago yung isang want ko. Si Alexander..

“Anong gusto mong sakyan?” Tanong niya bigla sa akin.

“Uhm… Ano- bahala ka na lang.”

“Okay let’s go.” Sabi niya at hinila ako sa Rio Grande? May tubig. Naka doll shoes ako! Hindi ko man lang naisip na pwede kaming mag rides sa tubig. Nakikita ko yung mga kagagaling lang sa ride na basang basa! Sh!t mababasa in ba ako? Okay na nga yan! Baka sabihin ni Alexander ang arte ko!

Ilang minuto pa kaming pumila hanggang sa dumating na yung turn namin. Since dalawa lang kami, kaming dalawa lang ang nandun sa pabilog na parang salbabida pero malaki. Na eexcite ako. Umaalon alon kasi siya tapos since nandun kami sa salbabida, aalog din kami, at pinasukan nga ng tubig yung boat tapos may falls pa kaya nabasa kami. Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Si Alexander din ang lakas ng tawa. Yung totoong tawa. Kaya parang nag slow motion ang lahat at natulala ako sa kanya. Pero tanginang ride yan! Tapos na! Hindi ko tuloy na enjoy ang pag titig sa mukha niya.

“Nag enjoy ka ba?” Tanong niya habang pinapagpag yung nabasang damit niya.

“Oo naman.”

“C’mon. Marami pang rides.”

Ngayon ko lang na gets kung bakit siya naging mabait bigla. Hindi siya bipolar o kung ano man. He’s doing this because it’s my birthday. Pinagbibigyan niya lang ako. Dahil nakiusap ako sa kanya kanina. Oh, sabi ko na nga ba hindi ako dapat mag assume eh.

ALAS OTSO na ng gabi. Giugol namin ang buong araw kaka sakay sa iba’t ibang rides. At oo, kuntento na ako.  Masaya na ako na kahit wala pang beinte katro oras eh, nagpanggap siya na mahal niya din ako.  Para talagang perpektong magkasintahan kami, naroon nang sinusubuan niya ako ng pagkain, bumabanat ng pick up lines. Hay. I don’t want this to end yet. Sobrang saya.

Nakaupo lang kami sa isa sa mga bench dito.  Kumakain kami ng ice cream, bubble gum flavor sakin at chocolate naman kay Alexander. May kausap siya sa cellphone kaya tahimik lang ako habang nagkukuyakoy ng paa.

“After 5 minutes. Okay?” Sabi niya at ibinaba ang telepono. Mukhang oras na para magpasalamat ako sa kanya.

“Uhm, Alexander?” Tanong ko.

“Hmm?” Sabi niya habang pinapapak pa din yung ice cream.

“Thank you. Thank you for today. I didn’t expect na papatulan mo yung kalokohan ko. Sorry kung kinailangan mong I cancel lahat ng appointments mo today. Sorry kung ginugulo kita palagi. I just can’t stop loving you. Sorry.” Suminghot singhot pa ako dahil naluluha na ako.

Imbis na mag poker face siya katulad ng lagi niyang ginagawa, humarap siya sa akin at pinunasan ang luha ko gamit ang mga hinlalaki niya. This is the first time that he did this to me. I wish to stay like this forever. Sana totoo nalang ito.

“Shh. Happy Birthday girlfriend.” At kasabay nun ay ang nagsiputukang mga fireworks. Nagliwanag ang buong paligid. At nang nasa gitna na ay may nakasulat na “Happy Birthday Scarlett” Shit pakana niya ba ‘to? Baka ibang Scarlett yung tinutukoy niya?

“P-para sakin ‘to?” I asked. Teary eyed.

“Of course silly. It’s your birthday today.” Sabi niya lang at niyakap ako.

Kung ito na ang birthday gift sakin ni Lord, sobra sobra na ‘to! Gosh! Pwede na akong hindi manghingi sa kanya hanggang 60th birthday ko! Hindi ako makapaniwala. Si Alexander? Mag e effort ng ganito para sa akin?Paano niya nagawa iyon sa loob ng ilang oras lang?

AKALA KO doon na matatapos ang lahat, pero pagdating naming sa unit niya, merong cake na nakahanda at may kandila pa. We spent the rest of the night, cuddling, kissing and making love like a true sweet couple.


The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon