Chapter 13

28.6K 403 121
                                    

CARMELA

 

HINDI KO alam pero naiilang na akong pumasok. Kung hindi ko lang talaga kaylangan ng pera pampagamot sa tatay ko baka nag resign na ako. Malaki kasi ang sahod sa kumpanya ni Sir at napakarami pang benefits. Hindi ka talaga malulugi. Kaso hindi ko alam kung kasama ba talaga dun yung pagiging mabait at maaalahanin ni sir.

Ilang linggo na ang lumipas matapos ang kumprontasyon ni Ma’am Scarlett sa akin. Kaya sa abot ng makakaya ko ay iniwasan ko si Sir. Pero mapilit talaga siya, lagi niya akong sinasama mag lunch o mag dinner o di kaya hinahatid pauwi sa bahay! Kaya yung mga kapitbahay naming grabe makapag chismisan eh! Habang tumatagal din, mas nakikilala namin ang isa’t isa. Kaya konting push na lang talaga ma fa fall na ako eh.

“Sir, darating na po si Mr. Torres in ten minutes.” Hindi ko siya matingnan ng maayos sa mukha dahil nahihiya ako at ayokong salubungin yung mga titig niya na akala mo bumabaon sa bawat tissues ng muscles ko.

“Okay.” Sabi niya with a smile. See? Nakakailang. Mas gugustuhin ko pa yatang maging terror at nakakatakot na lang si sir kesa ganito eh. Kasi baka mamaya niyan, mahulog ako. Mahulog ako sa kanya, eh malay ko ba naman kung sasaluhin niya ako o willing man lang ba siyang saluhin ako diba?

Lumabas na ako sa office niya at bumalis sa desk ko. Maganda talaga yung pwesto ko. Di ko alam kung paano I e-explain yung itsura ng table ko pero alam niyo ba yung nurse station sa ospital? Parang ganun. Para siyang counter. Tapos yung office naman ni sir, ay puro glass. Yung ding ding niya from ceiling to floor ay glass. Kaya naman kitang kita ang ginagawa niya sa loob. Kapag naman may important investor or client, meron siyang button na pinipindot para merong bumabang isang glass pa pero tinted ‘yon kaya hindi makikita ang nasa loob.

“Good morning Mr. Torres. Pasok po kayo.” Kararating lang ng bagong client namin at siya na lang ang pinapasok ko sa loob. Ayoko talagang makita si sir.

“MS. CARMELA hindi ka pa ba mag la lunch?” Nagulat ako nang may marinig akong matigas pero malambing na boses. Hindi ko iyon tiningala. Si sir ‘to. Nag kunwari akong may hinahanap na papers sa mga drawers bago ko siya sinagot.

“Ah, sir mamaya na lang ho siguro. May tinatapos pa po ako eh.” Pero hindi naman talaga ako busy, wala nga akong ginagawa eh. Nakalimutan ko lang tlaga mag lunch. Aish Carmela! San ka ba nagmana ng katangaghan? Pakshet.

“Huh? Anong tinatapos mo? Hindi naman kita tinatambakan ng paper works diba? Come, samahan mo ko mag lunch.” Patay ka na Carmela. Magi sip ka ng paraan! Kaylangan mong umiwas. Watermelon, oo sana umulan ng watermelon para magtaka si sir at iwan ako! Putcha, pag na tetense ako nagiging corny ako.

“P-pero…” Wala akong maisip na sabihin!

“No buts, halika na my treat.”

Hinawakan niya ako sa kamay at parang may kuryente naman akong naramdaman. Sht. Ito na ba yung tinatawag nilang kilig to the bones? Ang lambot ng kamay ni Sir! Mas malambot pa ata sa pisngi ko! Sumakay kami sa elevator NIYA at pagbaba naming sa ground floor, hala. Yung mga mata ng mga malisyosang empleyado akala mo nakakita ng live porn! With matching bulungan pa sila ah!

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon