Chapter 14

28.3K 388 33
                                    

SCARLETT

Malamig na hangin ang dumadampi sa balat ko perohindi pa din ako natitinag. Nakaupo pa din ako sa harap ng building na 'to. Hihintayin ko siya. Babalikan niya ako eh, alam kong babalikan niya ako. Pero... Sinong niloko ko? I laughed bitterly. Ito na ba? Mawawala na ba talaga siya sa akin ng tuluyan? No. Hindi ako papayag.

Hindi ako sigurado kung anong oras na pero, lumubog na ang araw. Matagal na akong nakaupo pero hindi pa din ako umaalis. Hindi pa bumababa si Alexander. Baka kasi hanapin niya ako. Kaya dito lang ako, hinihintay ko ding bumaba yung babaeng 'yon. Sisiguraduhin kong mamarkahan ng kuko ko ang mukha niya. Walang hiya siya. Mang aagaw.

Nag didilim ang paningin ko at sobrang labo ng mundo para sa akin ngayon. Hindi ako papayag na sa isang secretary lang ako ipapag palit ni Alexander. She's no better than me.

"Ma'am umalis na ho kayo pakiusap." Kanina pa ako kinukulit ng punyetang guard na ito. Gusto atang mawalan ng trabaho?

"Ma'am..." Hindi ko na lang siya pinansin. I heard him sighed. Wala naman siyang magagawa dahil pag ayaw ko. Ayaw ko!

Wala na ring mga luhang tumutulo sa mata ko. Sa wakas naubos din sila. Pumulot ako ng isang maliit na bato at Kiniskis iyon sa lupa. Gusto kong mag drawing ng heart. Kaso tangina, ayaw sumulat ng bato. Binato ko na lang yon. Hindi ko alam pero napalingon ako sa likod ko.

Tumigil ang mundo ko nang matanaw ko si Alexander na palabas sa building, masayang nakikipag tawanan sa secretary niya. Naginit ang dugo ko . Tangina! Ang lakas ng loob ng babaeng 'yon! Malandi talaga siya. Sorry na lang siya dahil kung kinakailangang makulong ako sa salang pagpatay mawala lang siya sa landas ko. Gagawin ko.

Kahit nanghihina ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo. Dali dali akong lumapit sa kanila. Unti unti nanamang nagsimula ang pag patak ng mga luha sa mata ko. Umiiyak ako pero manhid na manhid na ang buong katawan ko.

"A-alexander..." Pumiyok ako nang tawagin ko siya. Siguro yung mga taong hindi ako kilala iisipin na talaga na baliw ako at nanlilimos ng barya.

Hindi niya ako pinansin, umiwas lang siya sa akin at tinangay yung secretary niya na ang galling umarte. Akala mo naaawa naaawa siya sakin eh. Kitang kita namang gusto niya din. I don't need her pity, I need her to leave my and my man alone!

"Ha-halika na babe. Bitiwan mo na siya." Sabi ko.

Pero imbis na sumagot tiningnan niya lang ako na parang nanunuya at saka hinila ulit paalis yung secretary nya. I broke down again, napaupo nanaman ako sa lapag. I ams so exhausted. How can he be so cruel? Ginawa ko naman ang lahat ah?

So ano? Ganoon nalang iyon? Wala na ako sa kanya? Wala akong halaga sa kanya? Lahat ng binigay ko, lahat ng effort at sakripisyo ko, walang halaga ang lahat ng iyon? This is the end? Bago sila sumakay sa sasakyan, nakita ko pang naghalikan sila. Hah! I'm so pathetic!

I saw him smile. I saw hime laugh. I never ever saw him that way when he's with me. That girl makes him happy. Happiness. Iyon ang isang bagay na kahit kailan ay hindi ko mabibigay sa kanya.

Sa kaso ko, hindi ako pwedeng maghintay na lang sa sarili kong prince charming, hindi ako si Rapunzel, o si Cinderella, o si Snow white. Dahil ako, ako si Scarlett. At ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyong 'to. Kumbaga, ako yung evil witch, o evil step sister, o evil step mother.

Umikot ang mundo ko. Sinubukan kong lumunok at doon ko naramdamang tuyong tuyo na ang lalamunan ko.

"Scarlett!" That was the last thing I heard before everything went black

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon