Chapter 28

26.9K 373 7
                                    

Please read Guideon's Story, The Second Woman. Love you guys! Thanks for all the love and support mwah!

SCARLETTE

Tunog ng air conditioner ang maririnig sa kwarto, tahimik at malamig. I opened my eyes and looked around me, I am still in the hospital room. I saw Harris on the couch, silently sleeping while Tiffany is beside typing something on her phone.

"Hey." Tila nagulat naman siya sa biglaan kong pagsasalita at agad na napatayo.

"Scarlette, are you okay? May masakit ba sayo?" Nakakunot ang kanyang noo at halatang nag aalala.

"I'm fine. I want to see my baby, Tiff. Please help me." Buong pagmamakaawa kong pakiusap sa kanya. All I want right now is to see my son.

"Scar, hindi pa pwede. Mahina ka pa oh."

"Pero gusto ko siyang makita. Kaya ko na ang sarili ko. Tiffany please." She looked at me with hesitation on her face. Kahit gaano pa ko kahina, walang wala sa akin kung makikita ko naman ang anak ko. She sighed and nod at me.

"Okay."

Nabuhayan ako ng loob nang sa wakas ay may isang punayag sa kanila.

"Pero kumain ka muna." Dugtong niya.

Pagtapos niyang sabihin ang salitang 'pagkain' ay agad akong nakaramdam ng gutom at uhaw.

"Pahingi ng tubig." Nagsalin si Tiffany ng tubig sa baso at agad kong ininom 'yon. Ibinalik ko sa kanya ang baso at nanghingi pa. Ang sarap ng tubig. Ilang araw ba akong tulog at tila uhaw na uhaw at gutom na gutom ako?

"Hintayin mo lang saglit yung food mo, tinext ko na yung driver ko."

Tumango ako sa kanya at nagtanong. "Ilang araw na ba ako dito?" Inikutan niya ako ng mata at saka sumagot.

"Four days."

"What?"

"Yes. Kaya kumain ka, kaylangan mo ng nutrients 'no."

Apat na araw na akong nandito? Apat na araw na din akong tulog at apat na araw na ding nawalay sakin ang anak ko.

Hindi nagtagal ay dumating ang driver ni Tiffany na may napakaraming pagkaing dala. Wala na akong pakialam sa diet ko sa ngayon dahil talagang gutom ako. Lumapit si Tiffany kay Harris at ginising ito.

"Hoy! Tulo laway mo! Kalalaking tao eh, gising na! May pagkain dito." Sinasabunutan ni Tiffany si Harris at ang kawawang lalaki naman ay nagising, lukot ang mukha at nakangusong lumapit sa lamesang may mga pagkain.

Tumawa ako ng malakas kaya napansin ni Harris na gising ako. Hindi rin ako lnakatawa ng matagal dahil may gumuhit nanamang sakit sa tiyan ko. I heard a sarcastic laugh from Harry, parang nang aasar ang isang 'to.

"Tawa pa! Sakit ng tahi mo no?" Nag make face pa ito at talaga namang inaasar ako.

"Leche ka!"

Pagtapos ay tatlo kaming nagtawanan at nagsimula nang kumain. Hindi ko alam kung talagang masarap ang pagkain o gutom na gutom lang talaga ako. Matapos kumain ay umuwi muna si Tiffany para magpalit daw ng damit, naiwan si Harris na nagbabantay sa akin.

"Now Scar, would you mind telling me what really happened?" Seryoso ang mukha at seryoso ang tano ni Harris. Tiningnan ko siya ng deretso sa mata at saka nagsimulang mag kwento.

"I was confined on a hospital room. Hinang hina ako dahil sa sunod sunod na contractions na naramdaman ko. Nagising ako, tinatawagan ko si Xander pero hindi siya sumasagot."

"What? Nasaan ba siya?" May inis sa tono ng boses ni Harris.

"I saw him with his ex. Sa parehong ospital, I saw hin with Carmela, buntis siya. Ang ipinagtataka ko ay sinabi ni Xander sa nurse na siya ang ama ng bata." Naikuyom ko ang mga kamay ko, nanginginig at naluluha sa galit. Sa tuwing naaalala ko 'yon ay talaga namang abot abot ang sakit na nararamdaman ko.

"Eh gago pala talaga siya eh! Kaya naman pala saglitan lang bumisita sa'yo ang tarantado! Ilang beses namin tinanong pero hindi makasagot." Tumingin si Harris sa gilid niya at nagpakawala ng isang mahina ngunit malutong na mura.

"Ang mas masakit, ilang beses ko siyang tinawag. Pero walang dumating."

"So what happened, Scar?"

"A woman entered my room. Akala ko doktor siya dahil naka damit pang doktor siya. Pero mukhang may galit sa akin ang babae. May itinurok siyang gamot sa akin at hindi ako maka piglas dahil unti unti agad akong nanghina." Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tumulo na.

"So that explains the poison that was found in your blood." Sa mga oras na ito ay seryoso na talaga siya. Malayong malayo sa happy go lucky na kilala ko.

Poison? Whoever that woman is, I'm sure she wants me dead. But what about my baby? Naalala ko nanaman ang anak ko.

"Harris, where is my son?" He looked at me with a very sad expression on his face.

"Dadalhin kita sa kanya."


NICU ang nakalagay sa ibabaw ng kwartong 'yon. Pagkabasa ko palang ay alam ko na. Alam ko na ang lagay ng anak ko kaya hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko sa labas pa lamang ng kwarto.

Pumsok kami at may ilang mga baby akong nakita doon, maraming naka kabit na tubo at aparato sa katawan. Sa pinaka dulo ay may isang sanggol na tahimik na natutulog. 'Baby Paerson' This child is my baby. He looks exactly like his father. What breaks my heart is seeing him with all these machines on his body, may naka kabit ding oxygen sa kanya. Sa gilid at mino monitor ang heart rate niya. Bakit kailangang mangyari ito sa anak ko?

"Bakit siya nandito Harris?"

"The poison that was injected to you affected the baby." Bakit pati kaylangan ang anak ko ay idamay?

"He was barely breathing when the doctors got him. Naapektuhan talaga siya ng lason. You both almost died."

"This is my fault Harris. Wala sana siya dito ngayon eh." Ni hindi ako makapag salita ng maayos dahil naninikil ang dibdib ko. Seeing my son like this, para akong dinudurog. Sana ako nalang ang nasa kalagayan niya.

I touched his brows and he moved a bit, he got his eyes from his father and he got his lips from me. He held my pinky finger and I lost it. My son is a fighter, I'm sure he will make it. Simula palang ng nasa sinapupunan ko siya ay palaban na siya. He really wants to live. He really wants to be with his mommy.

I kissed his forehead and left the room, I need to know who did this to us, to him. And there is only one way to find out.

Carmela.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon