Epilogue

41.1K 597 50
                                    

I finally had the chance to finish this story! Ang tagal din ng inabot pero eto na! Tapos na siya! Simple lang ang gusto kong ending for then dahil masyado nang maraming pinagdaanan ang dalawang ito. Salamat sa inyong mga patuloy na sumusuporta! I'll start editing this story too para sa mga magbabasa pa. Thank you all so much! Suportahan niyo din ang The Second Woman na istory naman ng kaibigan ni Xander na si Guideon. Xoxo

-

Everything was still a blur to me. Hindi pa rin nag si sink in na ngayon ay kasal na kami ni Xander. It was a beautiful Sunday Morning. Today is Valentine's day. Xander and I got married a few months ago and it was the most magical wedding that I could ever wish for!

It was a garden wedding, kaunti lamang ang mga inimbitahan naming bisita because we want it to be intimate. Kumpleto ako mga kaibigan ni Xander at nandito rin ang mga kaibigan ko. Hinihintay nalang ang cue at lalabas na ako sa puting vintage na bridal car ko.

Pumapalakpak ang kinuha kong wedding coordinator hudyat para lumabas ako ng sasakyan, tapos nang mag martsa ang lahat. Tumugtog ang piano at rinig na rinig 'yon sa buong venue. Isang beige off shoulder na wedding gown ang suot ko. Pinalibutan 'yon ng mga lace at beads. Maging ang aking belo ay binurdahan ng magarbong design. My gown was made by the famous Miss V. Narito din siya sa kasal ko kahit na mayroon akong naririnig na issue tungkol sa kanila ng kaibigan ni Xander na si Guideon.

Dumapo ang malamig na simoy ng hangin sa balat ko. This is it. I'm getting married to the man of my life. Ang paligid ay puno ng damo. Mayroon lamang red carpet na magsisilbing lakaran ko. Sa bawat gilid noon ay napapaligiran ng mga bulaklak. Tulips. My Favorite.

Sa dulo ay naaninag ko si Xander na karga karga si Ryder. Isang taon na rin si Ryder at madaldal na. Inangkla ko ang aking braso kay Daddy, na siya namang naluluha sa sobrang saya. Kung mayroon mang mas masaya para sakin iyon ay ang parents ko. I'm so thankful for them dahil hindi man ganon kaganda ang ugali ko, suportado pa rin nila ako.

"Take care of my daughter, Xander." My dad told him and gave him a manly hug.

Hindi ko na naiwasan pang maluha nang makita ko sila ng anak namin nang malapitan. Pangarap ko lang ito noon. Pero heto at mayroon pa kaming mini Xander ngayon.

"You are gorgeous." Hindi maalis ang tingin niya sa mukha ko. Natawa ako ng bahagya at hinawaka ang kamay niyang bakante.

Tumikhim ang pari at naputol ang pag tititigan namin. Nagtaas lamang ng kilay ang pari na para bang hinihintay kami. Namula ako ng kaunti! Nakakahiya ka Scarlette!!

Ibinaba muna ni Xander si Ryder at siya namang takbo nito sa kanyang mga lola. Ang kulit na bata!

"We're here to witness the union of Scarlette and Xander...."

"Are you okay babe?" Naputol ang pag alala ko sa mga sandali ng kasal namin nang maramdaman ko ang kamay ni Xander sa balikat ko. Nilingon ko siya at ngumiti.

"I'm okay! I was just thinking about our wedding." Tinabihan niya ako at hinilig ko namang ang katawan ko sa kanya.

"Bakit? Bitin ka ba sa honeymoon?" Halatang nang aasar ang tono niya.

Kinunutan ko siya ng noo at saka pinalo sa tiyan. Nalukot ang mukha niya at nagpanggap na nasaktan kahit alam kong hindi naman.

"Sira ka talaga! Puro kalokohan nasa isip mo Alexander ha!" Nagpakawala ako ng munting halakhak.

"Oh bakit? Para masundan na si Ryder. Naghahanap na nga sakin ng bunso eh." Seryosong utas niya.

Napangiti ako ng bahagya at naisip ang sorpresa ko sa kanya. Kinuha ko ang maliit na pouch na naglalaman ng positive pregnancy test at binigay ko 'yun sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"What's this?"

"Open it." Tumayo ako at hinabol si Ryder na pawis na pawis na. Malamang ay tulog nanaman 'to mamaya.

XANDER

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang linya sa pregnancy test na 'yon. Holy sht! Magiging tatay na ulit ako?  Gusto kong magtatalon at magmura! Para akong baliw na nagpapa palit palit ng tingin sa pregnancy test at sa mag ina ko. Masaya silang naghahabulan. Ang gandang tanawin.

"You're pregnant?!" Gulay na bulalas ko at tinawanan lamang niya ako.

"Babe! When did you learn about this?"
Pinipilit ko pa ring i digest lahat!

"Hmm. Secret!" Humalakhak siya at pagtapos ay nakipag habulan nanamab aky Ryder.

We need to go to the hospital! At teka! Safe bang nakikipag habulan siya?

Tinanaw ko ang tomb ni Lucia sa hindi kalayuan. It was valentines day today and we decided to celebrate it here. Cliché
it may sound but Lucia has a really big spot in mine and Scarlette's heart. I can't deny the fact that she was my first love. Pero si Scarlette? Siya ang great love ko.

I hated her. I thought she ruined everything for me. I always thought that she stole my remaining time with Lucia. That she did all of that because she is selfish. When Lucia died, I was a mess. I wasn't the same man as I am before. But Scarlette was there. Willing siyang ibalik lahat ng mga nasira sa akin. Willing siyang pulutin at buuin ako kahit na ako mismo ang sumisira sa kanya.

I never treated her the way she deserved. But she still stayed. Magmula nang marealize ko lahat ng kagaguhan ko sa kanya, pinangako ko sa sarili kong iaalay ko sa kanya ang buong puso ko. Kulang pa ang buong buhay ko para pagsilbihan siya. This is what love is. Scarlette. At masayang masaya ako dahil nahanap ko ang taong para sakin. I am so happy to find the true meaning of love. Oo, hindi ako perpekto, hindi rin siya perpekto. But we will always, end up with each other no matter what because she is the one.

"Ryder! Daddy's coming!" Sigaw ko at nakisali sa habulan ng aking mag ina. Ang mga halakhal nila ay kiliti sa aking tenga.

Wala na akong mahihiling pa.

I would never make her feel unwanted ever again. Mahal na mahal ko ang babaeng ito. I never wanted anyone like this except her. She was the exception.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon