Chapter 25

26.3K 371 22
                                    

Hi! Maiksi lang ito. Follow niyo ako sa twitter @ceresvenuswp chikahan tayo don. 😂 comments please tumatanggap ako ng panlalait. Haha and btw Guideon's Story is up!

SCARLETT

Mabilis na lumipas ang mga araw, next week na ang due date ko, isang linggo nalang at makakasama ko na ang baby ko. Kabuwanan ko na kaya wala na talaga akong masyadong ginagawa, kakain nalang at matutulog, hindi na masyadong mahigpit si Alexander sa akin pero syempre, nagiingat pa din.

We decided to name him Jaxon Ryder, I don't know, wala naman itong connect sa mga pangalan namin o kung ano pa man, basta 'yon ang gusto kong ipangalan sa first born namin at punayag naman siya.

"Hindi mo ba talaga ako masasamahan ngayon?" Ngumuso pa ako para naman malaman niya na gusto ko talagang samahan niya ako ngayon.

"Honey, I told you. Kaylangan ako ni papa ngayon susunod ako after your check up okay?" Ikinulomg niya pa ang mukha ko sa palad niya at tiningnan ako sa mata.

Bumuntong hininga ako at sumangayon. "Fine." Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo.

"I gotta go. See you later."

Nagmamadali niyang kinuha ang bag niya at lumabas na ng unit.
Iniligpit ko ang mga gamit na dadalhin ko sa Ospital. Nagtatampo talaga ako sa kanya. Kabuwanan ko na tapos iniiwan niya pa ako. At pinag da drive niya pa ako mag isa? Bwisit.

Nag drive ako papunta sa ospital, nakikinig ako ng mga music na makakapag pa relax kay Ryder at sakin. Nang marating ko ang ospital ay agad akong nag park at nagpunta sa waiting area. Maraming pasyente ang ob ko kaya panigutadong matagl tagal akong maghihintay.

"Looking good Scar, everything is ready. Isang linggo nalang. Mukhang wala na namang magiging problema pa." The doctor smiled at me and offered her hand, kinamayan ko naman siya at saka inayos ang mga gamit ko para maghanda nang umalis.

Binabasa ko ang resulta ng mga tests na isinagawa niya sakin, mukhang maayos naman ang lahat kaya wala akong dapat ipagaalala pinayuhan niya lang ako na ipagpatuloy ang pag take ng mga vitamins para maging healthy pa kami ni baby bago siya lumabas. Nang makababa ako sa lobby ay nakita kong may pasyenteng isinusugod sa emergency room, nakahiga ito sa stretcher at duguan ang mga binti nito, babae ang pasyente at mukhang dinudugo ito, malaki ang tiyan nito kaya't nakumpirma kong buntis nga ito, hindi ko makita ang mukha ng babae dahil sa dami ng mga nurse na nakapaligid dito. But I saw a familiar figure following the lady and the people around her. It's Alexander.

He looks so worried at halos mangiyak ngiyak na ang itchura nito. Kinabahan ako at bumilis ang pintig ng puso ko. Unti unti kong naramdaman ang kirot sa tiyan ko na gumuhit pababa sa puson ko.

"X-xander!" My scream got his attention, he looked at me at kitang kita ko an gulat sa mga mata niya.

Tumakbo siya papalapit sa akin at napapaluhod na ako habang sapo ang tiyan ko dahil sa sobrang sakit nito.

"Are you okay? Tatawag ako ng doctor." There's something on his voice that I don't know, is he worried about tha patient? I want to know what happened pero wala na akong panahon pang makiusisa dahil sumasakit din ang aking tiyan.

Pinaupo niya ako at tumawag ng doctor, agad namang umaksyon ang mga nurse at sinabi sa aming maghintay ng ilang saglit. Sobrang sakit na talaga at hindi ko alam kung hanggang kelan ko makakaya 'to.

"Sir, kayo po ba yung daddy ng baby ng pasyente ni Dr. Ramirez?" Lumabas ang nurse galing sa ER at kinausap si Xander. Daddy? Maybe there is a misunderstanding here.

Tumingin muna sa akin si Xander at pagtapos ay tumangk at sumagot. "Y-yes I am." Kinabahan na ako nang sumagot siya, bakit siya sumang ayon?

"Tawag po kayo ni Doc sa ER." Umalis na ang nurse at bumalik ng emergency room.

Sa gulat ko ay iniwan ako ni Xander at pumasok sa loob ng er. What the hell is happening? He left me? For someone? Napa hawak ako ng mahigpit sa tiyan ko ng makaramdam ako ng iilang contractions. Bakit ako iniwan ni Xander?

Kahit napaka sakit ng tiyan ko ay sapo sapo ang tiyan akong naglakad papunta sa emergency room. There a saw a woman, a familiar woman. It was Carmela. The last thing I remember before everything went black.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon