Special Chapter

22.3K 358 21
                                    

NOTE: Hello Melodies! This is actually the edited version of the story! kaya may mga nabago. I'm actually glad that I finally edited this since nakakabwesit yung mga characters. 

Immature pa po kasi ako noong isinulat ko ito. Ayaw ko namang baguhin yung plot since ganto na yung pagkakakilanlan sakaniya, but I still tried my best editing this.

Anyways thank you so much for the overwhelming love and support! love lots!

Leila Carson

"LEILA! YOU BRAT!"

Galit na galit na sabi ni Dad habang ako naman ay walang pakielam na napahikab pa habang kumakain.

"What did I do again?!"

I asked, wondering. Ano ba sa lahat ng kabulastugan ko ngayong araw ang kinagagalit niya.

"This is the third time this week Leila!"

Mariing saad nito.

"Chill dad baka mastroke ka diyan tas matsuge ka pa, di ka na bumabata, huwag papastress okay?"

Ngiti ko dahilan upang samaan ako nito ng tingin.

"You brat! Talagang mamamatay ako sa sakit ng ulong dala mo!"

Galit niyang saad at nakuha ko pang humalakhak roon. Sanay na kasi ako sa panenermon nito. He sometimes thinks of me as his karma or something, I dunno, I don't really care, I'm doing what I want.

"Your teachers are telling me that you're not attending your classes again!"

Sigaw niya pa. Ako naman ay sumubo sa fries at tumatawa pang pinanonood ang nasa tv nang makitang namatay yung bida. Inis na pinatay niya iyon sa remote, ngunit binuhay ko uli dahil may extra akong remote.

"Leila."

He said on a warning tone, I just smiled at him.

"Mataas naman ang nakukuha ko sa exams."

Kibit balikat kong saad.

"But that is ot enough! saan ka ba nagmanang bata ka!"

Giit nito.

"Sayo."

Sagot ko habang nanonood padin.

"Abat---- sabagay."

Tango tango pa niyang saad na nagpangisi lang saakin.

"Saka pasado naman ako."

Hagikhik ko roong nagpatiim bagang kay dad.

"Yes, but I know that you can do better, hindi yung inuubos mo ang oras sa drag race na iyan! kung alam ko lang ay hindi na sana kita tinuruang magmaneho!"

Inis nitong sabi.

"I am self taught excuse me, nagtanong lang naman ako sayo ng basics, saka mas magaling mag explain sayo si mom at si kuya."

I shrugged. Mariin itong napapikit doon.

"Aren't you friends with Meivys? bakit hindi ka tumulad sakaniya? Hindi ako nagcocompare pero---"

"Parang ganun na din."

I rolled my eyes on him.

"Hindi ako si Meivys, dad."

I hissed.

"Y-Yeah, I'm sorry."

He sighed then stopped.

"Wait, why am I the one apologizing!"

Giit niyang nagpahalakhak saakin saka tumayo na.

"Gotta go dad! bye!"

Bachelor Series #3:Hidden Desires(Completed)Where stories live. Discover now