Chapter 9

15.5K 429 5
                                    

Altheah Ramirez

Napahilot nalamang ako saaking sintido nang magising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nangunot ang noong napalinga ako sa buong paligid. 

I checked myself and I felt relieved when I saw that I'm still wearing the same clothes last night and do not feel anything strange other than an annoying head ache..

Kagabi ay nag aya si Celestine at dahil gusto ko ring marelease ng stress ay pumayag ako.

Mariin nalamang akong napapikit nang maalala si Tatum.

Damn! Hindi ako nakauwi kagabi!

I sighed heavily, baka nag aalala na iyon. 

Did Celestine take me here last night? Dapat ay sa unit ko nalang nyia ako dinala?

Pero baka naman masyado lang siyang lasing kaya dito nalang nya ako dinala? Weird, she doesn't get drunk easily. 

Kahit isang drum pa ng alak iyan ay magmimistulang tubig lang sakaniya.

But I know Celestine, hindi niya ako hahayaang mapasakamay ng hindi ko kilala, kaya naman ay panatag ako ngayon.

Pero teka nga nasan ba ako? lumipat ba ng bahay babaitang iyon? 

Napabuga nalamang ako ng marahas na hangin saka kahit may hang over parin ay tumayo na. Makikigamit muna siguro ako ng banyo since hindi talaga ako komportableng hindi naglilinis ng katawan bago matulog.

Idagdag pang marami akong nainom kagabi. Feeling ko tuloy ang baho baho ko na hays.

Napangiti nalang ako nang malakahanap ng extra toothbrush na di pa nagagamit sa banyo. 

Matapos kong mag tooth brush ay napagdesisyunan kong maligo. Bahagyang nangunot pa ang noo ko nang makitang puro gamit pang lalaki ang nasa loob pero nagkibit balikat nalang din. 

Dati pa nga naming pinaghihilaang tomboy yang si Celestine ehh. Hindi kaya natuluyan ng bumuwag yun?

Sayang ang ganda pa naman! pero dati naman ng nagpapakita yun ng signs ehh,mula sa pananamit pati sa pananalita at kung kumilos ay barumbado pa kesa sa lalaki.

Anyways who am I to judge?Kahit sino at ano pa man sya tatanggapin parin naman namin sya ng maluwag sa puso.

Napailing nalamang ako at naligo nalamang. But the towel smells really familiar, it's strange cause it smells like Zayne.

Nailing nalamang ako doon.

Matapos kong maligo ay pinasok ko ang walk in closet nito at lalong lumalim ang gitla ng noong tumitig sa laman nun.

"Natomboy na talaga si Celestine? Wow may boxers at briefs pa sya ha?Pati cologne saka may suits,may ties,may shoes na pang lalaki then----the fvck?!"

Ilang beses pa akong napamura nang marealize na imposibleng magkakaroon ng ganto si Celestine! At imposibleng tomboy siya dahil malandi yon! At lalong ang mga damit na nandidito ay paniguradong hindi kaniya!

"The fvck?! Ano bang nangyari kagabi?Pero nakadamit pa naman ako paggising ko ah?"

Mariin nalamang akong napapikit saka napahigpit ang hawak sa twalya. 

Pinilit kong alalahanin pero ang tanging naaalala ko lang ay masaya pa kaming nag uusap ni Celestine saka ako nawalan ng malay.

Imposible namang pabayaan ako ni Celestine dun? 

Marahas nalamang akong napabuga ng hangin saka kumuha nalang ng isa sa mga puting long sleeves at boxer dun at isinuot iyon.

Bahagya pa akong napanguso nang makitang masyadong mapuwag ang long sleeves at nalalaglag pa sa balikat ko at hanggang kalahati lamang ng hita ko umabot.

Bachelor Series #3:Hidden Desires(Completed)Where stories live. Discover now