Chapter 16

16.7K 376 9
                                    


Third Person

"Seriously Lucas?"

Iritang saad ni Altheah sa pangungulit ni Lucas. Isa sa mga kaibigan niya na kaibigan din ata ng lahat.

Kararating lang kasi nito mula sa isang linggong pagkawala mula kung saan at ngayon ay siya ang naiisip na pirwisyuhin. 

Lucas Ranaldi is friends with her since college.

 Madalas kasi itong nanggugulo kay Zayne at madalas na nakikikain sakanila noon.

Nagwagwapuhan sya rito dahil gwapo naman talaga ito. 

But other than that she never saw him more than an older brother at kapatid lang din ang turing sakanya nito.

Mahirap na lalo pa't pafall ang gago.

Napakafriendly at maraming kaibigang babae. Minsan nga gusto nyang batukan ito dahil sa sobrang kabaitan at pagiging palakaibigan sa mga babae hindi ata nito alam na maraming babaeng umiiyak dahil nahuhulog sakaniya pero hindi nya kayang saluhin. 

Lucas is just like a modern prince charming who's always willing to save a damsel in distress. ito ang tipo ng lalaking mabait nga pero minsan dapat hinahampas ng malakas sa ulo gamit ang baseball bat nang matauhang minsan ay iwasan pagiging feeling prince charming kung wala naman palang balak saluhin ka at sadyang mabait lang saiyo.

Good thing she never fell for this man. Pero minsan hinihiling nyang sana nga kay lucas nalang sya nahulog at hindi sa isang katulad ni Zayne.

"Woah you look stunning!"

Malawak ang ngiting saad nito na nagpailing nalamang sakaniya. 

Siya ang niyayang maging date nito sa Welcome party ni Nickolas Frescobaldi. 

A drop dead gorgeous wealthy duke of italy. Madami itong negosyo sa pilipinas kaya pabalik balik rito. At isa pa ay naririto din ang mga kaibigan niya.

He also studied in the country for quite some time also to keep him safe since his life is in danger back then.

"Ang dami dami mong kaibigan bat ako pa kailangang maging date mo?!"

Saad nito sabay irap na nagpangisi kay Lucas.

"Kasi nga may pagtitripan lang kami saglit ni Nickos bago man lang namin balaking mamirwisyo naman dun sa private Island ng isa pang kaibigan namin."

Kunot noong binalingan lamang ito ng matalim tingin ni Altheah at parang iba ang pakiramdam sa ngiting namumutawi sa mga labi nito.

"Saka pumayag ka na kaya. Nakaayos ka na so wag ka ng magreklamo dyan."

Natatawang saad nito na nagpailing lang muli kay Altheah. 

Kung wala lang talagang libreng pagkain ay hindi siya sasama rito. 

She is now wearing a teal A-Line satin gown with plunge V-neckline that Lucas gave her for this night. 

Gawa iyon ng isang sikat na fil-am fashion designer na si Thaliah Magdalene Ross.

 The bodice features a plunging V-neck and flirty sheer sides, with two horizontal strips of fabric encircling her small waist for a chic detail. The skirt is fitted through the hips and flares out around her mid thigh.

Isang sikat ding professional make up artist and stylist ang nag ayos sakaniya para sa naturang event. 

It's Mariya Amore Ledesma who is famous for her skills worldwide and her cosmetics brand, Amore.

Mabilis niya itong nakapalagayan ng loob nang ayusan siya nito kanina. Her skills really are exceptional. Talagang nagustuhan ito ni Altheah.

Napasimangot nalamang ito nang bigla nalang syang akbayan ni Lucas sabay pitik ng noo niya kaya pinukulan siya nito ng masamang tingin pero tinawanan lang si Altheah ng loko!

Bachelor Series #3:Hidden Desires(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon