Chapter 8

15.5K 467 16
                                    


Zayne Carson

"Para kang tanga."

kunot noong sabi ni Nickos, isa sa mga adik na kaibigan ko. Habang pabalik balik ako ng lakad. Inis na napasalampak nalamang ako sa couch.

"Kainis! Yung akala ko kasama siya sa umuwi galing dun sa kasal, yung yaya lang pala niya! Tapos noong bumalik ako para tignan siya, t*ngina brad nagkasalisihan pala kami at nakaalis na. Then bumalik uli ako pero nakakabwisit naubusan pa ako ng gas kaya nagtulak ako! Tapos pagbalik ko dito, tinignan ko siya sa unit niya, ang sabi nung yaya nya tulog na daw brad!"

Paghihimutok ko. Aba't malay ko bang magpapaiwan sya! 

Napahilot nalamang tuloy ako saaking sintido. 

Paano kung may nakilala syang lalaki dun?paano na ako---ikakalat ni Vin yung video!

"Buti nga sayo"

Kibit balikat na saad ni Nickos.

"Wow ang supportive mong kaibigan"

Iritang saad ko habang masama ang titig sakanya pero nginisian lang ako ng gagoo

"Paalala lang, yang nililigawan ni Vin pinababantay lang. Kung makareact ka naman akala mo sayo. Bantay lang wag sasalakay."

Iling iling na sabi nito na nagpasimangot saakin.

"Alam ko yon!"

Iritang bulyaw ko na nagpatawa rito.

"Eh bat ka affected?"

Tanong niyang nagpakunot ng noo ko.

"I am not. Saka hindi pa naman sila ni Vin."

Pagdepensa ko. Wala naman talaga akong pakielam at ginagawa ko lang to kasi nga nablack mail ako.

"You know our rule Zayne right? kahit hindi pa sila, hindi pwedeng tumalo ng nililigawan ng kaibigan."

Kibit balikat na sabi niya habang pinaiikot ang alak na laman ng basong hawak.

He is a duke in italy. Hindi ko lang alam kung bakit naririto nanaman ang kumag na ito sa pilipinas.

Buti nga ay hindi ito nalalaman ng media dahil narin sa impluwensya niya.

"I know that. Wala naman talaga akong balak."

I hissed, more like convincing myself.

"Why do I not believe you?"

Kunot noo niyang tanong.

"Stop giving meaning to things, Nickos."

I frowned making him grin.

"Ayokong sa huli ay mag away kayo ni Vin, ayokong masira ang pagkakaibigan ninyo dahil lang sa isang babae. Even I, if ever I like someone who's my friend's woman, or someone who likes my friend.. I am most probably gonna distance myself instead of pushing further that might ruin our friendship."

Litanya nito na nagpabusangot lang uli saakin. Nang bigla naman akong may maalala.

"Oo nga pala at may ibabalita ako saiyo!"

Malapad ang ngiting sabi ko. Nickos gave me a deadpan look.

"Tsismis nanaman?Chikadoro ka talaga"

Poker face na saad niya na nagpanguso lang saakin. Hindi ko alam kung bakit ako tinatawag na chikadoro ng mga ito.

I am just sharing information to them, pointless or not.

"I'm just being aware of my surroundings"

Nakanguso paring sabi ko na nagpairap lang dito.

"Sige na sabihin mo na"

Bachelor Series #3:Hidden Desires(Completed)Where stories live. Discover now