Chapter 5

19.3K 447 19
                                    

Altheah Ramirez

"I love you..."

Malambing na saad ni Tatum habang magkayakap kami sa loob ng kwarto namin. Hindi ko siya sinagot bagkus ay mahigpit nalamang syang niyakap at nang maramdaman ang pagbigat ng hininga nya ay malungkot akong napangiti saka hinagkan sya sa pisngi.

"I love you too,I will always will."

Ngiting saad ko saka mas hinigpitan pa ang yakap rito kasabay ng pagmalabis ng isang butil ng luha saaking mga mata.

I sighed upon remembering that moment last night. 

I just shook my head as I entered my walk in closet. 

After I scanned my wardrobe I decided to just wear a navy blue, crew neck, contrast trim, bowknot knitted dress. 

Na hapit ang bawat kurba ng katawan ko at umabot sa kalahati ng hita ko ang haba. My kind of style, sexy yet classy. I don't usually wear daring dresses.

But the thing that makes someone sexy is not how you dress but how you think and your confidence.

Natawang napailing nalang ako saka nagsuklay na. I wore a light make up since I am more comfortable with it. I don't know why some people hates the idea of wearing it.

Masisira daw ang muka and such, eh hindi naman nila muka iyon. Parang tanga lang diba.

Hindi porke naka make up ang isang babae ay panget na, hindi porke maiksi ang suot namin ay malandi na. At hindi porke ganun ang pananamit ng karamihan sa mga babae ngayon ay wala na silang karapatang respetuhin. It's all on people on how would they interpret it. Hindi gumigising ang isang babae thinking na gusto niyang mabastos.

Ganun siya manamit, she's more comfortable with that style. Why would others meddle with her business? Hindi naman sila ang may suot para makielam sila. A father should not just teach his daughter on how to dress properly instead he should teach his son on how to respect a woman.

Think what would you do if someone disrespects your mother or your sister. Would you do the same thing? would that make your family proud?

But of course, us girls should also know our boundaries. There are appropriate clothes for every occasions. Ano yon, ninang ka sa binyag tapos naka bralette ka? Charot!

 I just smiled at my reflection before going out.

Nakita ko pa si tatum na ngumiti saakin at masuyong niyakap ako.

Natawa nalamang akong niyakap siya pabalik at magkahawak ng kamay na dumiretso sa kusina.

At dahil wala pa si yaya Eutpa at mukang nakikipagligawan pa ata dun sa guard house. 

Yung isa sa mga guard nitong building na nililigawan ni yaya. Si manong Cad, napangiwi nalamang ako nang muling maalala ang pangalan ng loveteam kuno nila.

Nginitian ko si Tatum saka naghanda ng simpleng makakain. Matapos kong maghanda ay magiliw na sabay kaming nag agahan. Habang masayang nagkukulitan at nagkwekwentuhan.

"Hello po ma'am! May pogi nanaman po dun sa tapat ma'am papapasukin ko po ba?"

Tanong ni Eutpa na kararating lang. Iritang napasampal nalamang ako saaking noo.

"Hindi na kailangan. Bahala siya dyan. Or just call the security or whatever."

Inis na saad ko. Pinahuli ko na siya noong nakaraan nang makitang may sleeping bag na siya sa labas ng unit ko at dala narin ang kaniyang maleta.

T*ngina kulang nalang tumahol siya ah,. Bantay yarn?

Matapos kong kumain kasama si Tatum ay nagpaalam na akong umalis at may pupuntahan lamang saglit. 

Bachelor Series #3:Hidden Desires(Completed)Where stories live. Discover now