Chapter 12

16.2K 445 10
                                    


Altheah Ramirez

"Mahal kita"

"Mas mahal kita"

"Mahal na mahal kita"

"Mas mahal na mahal kita"

"Mas mahal na mahal na ma----"

"Oo na mahal nyo na isa't isa!Magsitigil nga kayo't baka ibalibag ko kayo palabas!"

Iritang saad ko sa mga malalanding hitad na naririto sa unit ko. Si manong cad at manang Eutpa na halos panindigan na ang pangalan ng loveteam nila kung maglandian.

"At ikaw naman manong Cad! Bakit ba andito ka?Doon ka sa guard house!Pakisama narin itong si manang, nakakainit kayo ng ulo."

Reklamo ko sa mga ito,humagikhik nalang ang dalawang nagmartsa palabas ng unit. 

Napahilot nalamang tuloy ako saaking sintido.

 It's been 3 days already pero hindi parin nagpapakita si Zayne.

Diba dapat babantayan nya ako?

So?

Pake ko kung di na sya nagpapakita?

Diko siya miss!

Napakagat nalamang ako sa aking pang ibabang labi saka tumitig dun sa niluto kong ulam na inilagay ko sa isang tupper ware. 

I sighed as I put it inside a paper bag.

  Baliw na ba ako? 

Napahugot muna ako ng malalim na hininga saka napagdesisyunang lumabas sandali ng unit papuntang unit niya. 

Sandali akong nag ipon ng lakas ng loob bago napagdesisyunang pindutin ang door bell. 

Nakailang pindot pa ako at nang aalis na sana ay bigla namang nagbukas ang pintuan.

Bumungad sakin si Zayne na magulo ang buhok. Naka pajama at itim na sando ito at mukang alagang alaga ang eye bags.

He looks like a hot mess... Napalunok akong pasimpleng pinasadahan ng tingin ang kaniyang kabuuan.

"A-Altheah!"

Bakas ang gulat sa mga mata nito at kinusot kusot pa ang mga mata.

"May epekto pa ba yung alak kagabi?Nag iilusyon ata ako."

Iling iling at natatawang sabi nya saka ilang ulit pang tinampal ang noo nya.

 Ilang sandali pa kaming nagkatitigan dahilan para mapalalim ang gitla ng noo nya.

Zayne blinked multiple times as his eyes widened looking at me then cursed loudly.

I just gave him a deadpan look and lifted my right eyebrow at him.

"A-Altheah?"

Parang tangang sabi niya pa habang nakanganga na nagpahirap saakin saka itinapat ang paper bag sa harap nya.

"Nagluto ako ng ulam. Nasobrahan, wala naman akong ibang mapagbigyan saka tinatamad akong gumala pa at puntahan iba kong kaibigan. Kesa naman mapanis."

Pagpapaliwanag ko at halos mapamura nalang nang titigan lang ako ni Zayne.

Did I sound too obvious? Hindi naman siguro halata? O baka naman I sound a bit defensive?

T*ngina bat kasi ayaw magsalita ng isang to! Asaan na yung maingay na Zayne!

"F-For me?"

Tila ba hindi makapaniwalang saad nya na muling nagpairap sakin.

Bachelor Series #3:Hidden Desires(Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن