Chapter 23 *unrecognized feelings*

650K 11.8K 1.2K
                                    

Chapter 23

*unrecognized feelings*

[Dionne’s POV]

“Japoy gising na, kailangan mo ng maligo at malapit narin mag breakfast kaya bumangon ka na!”

Nagtalukbong naman ng kumot si Japoy. At hindi ako pinansin.

Hay buhay, every morning na lang ganito kaming dalawa. Mag se-set siya ng time sa alarm clock niya, babagon siya para patayin pag nag alarm tapos balik ulit siya sa kama at matutulog. Pag ginising ko magagalit siya, pag di ko ginising magagalit parin siya.

At ngayon naman nandito kami sa Subic ganyan parin siya. May certain time lang yung breakfast buffet sa baba kaya naman pag di namin naabutan yun, di na kami makakapag breakfast dalawa! Nagugutom pa naman ako. T___T

“uy japoooooy! Bumanggon ka na! male-late ka na sa shooting mo oh. Dali na!!”

“tss wag ka magulo!!! Anak ng---kita mong natutulog yung tao oh!!” sigaw niya saakin.

See? Galit na naman siya! Ang cute cute talaga ni Japoy, kala mo kinder! ^__^

Hay no choice ako kundi gamitin ang huling alas ko para gumising ang isang to.

Huminga ako ng malalim at itinapat ko ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng bibig ko atsaka sumigaw ng pagkalakas lakas.

“Magnanakaw!!! Magnanakaw!! May nakapasok na magnanakaw!! Uwaaaaaaa ninanakaw na ang mga alcohol ni Japoy!! Uwaaaaaaaaaaa!!”

Nakita ko namang halos napatalon sa kama si Japoy at mukhang gulat na gulat sa pagkakasigaw ko.

“ha?! Magnanakaw?! Nasaan!! Nasaan yung magnanakaw!!” kinuha niya yung lampshade na nakapatong sa gilid ng kama niya “nasaan?!” tanong niya saakin habang lumilingon lingon siya at nakaamba yung lampshade na any minute eh ipangpupukpok niya sa magnanakaw pag nag appear ito.

“joke lang! hehehe. Ligo ka na para makakain na tayo sa baba” sabi ko sa kanya habang ngiting ngiti ako.

Nung matauhan si Japoy sa sinabi ko, ibinaba niya yung lampshade doon sa side table at tinignan ako. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya na dala ng galit na akala mo eh isa siyang bulkan na malapit ng sumabog. But for me he look so cute! XD

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon