Chapter XIX : Back

17 3 0
                                    


AN: Shocks! Yung kantang BACK talaga ng INFINITE ang naiisip ko ng sinulat ko ang title ng Chapter na 'to. Kyaahhh!!

____________________________________

"God! I can't believe you. Hanggang ngayon ayaw parin mag sink in sakin lahat. Im ikaw ba talaga to? Nasapian ka ba?"

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa mga pinag sasabi ni Tam.

Nandito kami ngayon sa isang Pizza Parlor sa loob ng mall. Naka upo habang hinihintay yung order namin.

"Hays! Ang tagal 10 minutes na tayo naka upo dito ahh." reklamo niya.

" Oops. Ikaw may gusto nito. Sabi ng sa fast food na lang tayo ayaw mo. Edi mag tiis ka." sagot ko sa kanya.

Pangiti-ngiti lang ako habang pinag mamasdan ang paper bag na naka sealed pa na nasa harapan ko.

"Bes buksan mo na dali. Tingnan na lang muna natin habang wala pa yung order."

Ito yung napanalunan ko kanina sa guessing game.

Sobrang dali lang naman kase.
Huhulaan mo lang kung sino yung may ari ng mata at lalagyan mo ng pangalan pagkatapos yung lips naman.

Hays! Kabisadong-kabisado ko parin hanggang ngayon yung bawat parts ng mukha nila no. Mukhang nakatatak na ata talaga yun sa utak ko.

"Grabe.. Hindi ko akalaing mananalo ka. Biruin mo fan ka rin pala ng KPop."

Hays' yan na naman siya. Hindi maka get over sa pagiging KPOP fan ko ehh.

Binuksan ko ito at naging heart shape naman ang mata ko dahil sa nakita ko.

Isang T-shirt na may logo nung Be Back Album nila, ballers, photo cards, pins, Sling, at string bag na Logo nila Simula nung First album hanggang sa latest album nila ang naka design habang may naka sulat ng hangul ng Infinite at Inspirit sa gitna. Wow!

This is the real treasure.

Inggit na inggit siya habang pinag mamasdan ang mga merch na napanalunan ko.

"Dapat sumali rin ako ehh." pag mamaktol niya.

Tch. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

"Excuse me.." nagulat na lang kami ng biglang may lumapit na mga studyante sa table namin. Lima sila.

"Ate pwede pa picture? Diba ikaw yung Inspirit na nanalo kanina? Inspirit din po kami." nahihiyang tanong nung isa.

Shocks. Nahiya pa talaga sila sa lagay na to.

Tinangoan ko lang sila at nag smile ako sa kanila.

"Ako na mag pi-picture." presenta naman ni Tam.

Tumayo silang lima sa likod ko tamang-tama rin dahil nakakalat pa sa table ang mga merch na napanalunan ko.

"Hana.. Dul.. Set!" Bilang ni Tam.

Aba! Aba! Mukhang kinareer niya talaga ang pagiging KPoper namin ngayong araw.

Naka tatlong pose din kami.

Isang naka Finger heart, naka Kimchi at isang wacky.

Aww' ang cute.

Binigay ko naman sa kanila ang FB account ko para ma tag nila ako.

Sayang din yung picture no.

"Excuse me Ma'am. Here's your order." singit nung crew kaya dali-dali ko ng binalik sa paper bag yung mga gamit ko.

"Eonnie Gomawo.." sabi naman nung mga fangirl na nag pa picture sakin at nag wave na sila.

"Chunmaneyo.." sagot ko at nag wave na din.

Gulat namang akong tiningnan nung crew.

Shocks! Baka mamaya niyan akalain niyang Impersonator o Korean ako. Waahh! Grabe. Krimstick pa Im.
Imagination mo ang limit. Haha

Umalis at nag thank you na ang crew matapos malapag ang order namin.

"Psstt.. Tingnan mo." sabi ni Tam sabay nguso sa likod ko.

Napalingon naman ako at nakita kung naka tingin yung taga ibang table samin.

Waahhh!! Nagtaka siguro sila ba't nag pa picture sakin yung lima kanina.

Haha baka mamaya isipin nilang artista ako. Shemay! Never naman pumasok sa isip ko yan.

"Bes Mukhang naging Instant celebrity tayo ngayon araw ah. Haha " natatawang saad ni Tam.

"Tch. Kumain ka na nga."

Pagkatapos naming kumain dumaan muna kami sa Time Zone at nag laro saglit. Gosh feeling ko tuloy bumabalik kami sa pagiging bata.

Pagkatapos ay nag window shopping muna kami dahil masyadong maaga pa raw sabi ni Tam. Hays! Ginugulo niya lang yung mga display dun ehh.
Wala na mang binili. Tsk.

Pagkatapos hindi parin nakontento si Tam at nag aya pa siyang pumasok sa movie house.

Ugh! Sige na nga lang. Pagbigyan.
Total sobrang stress na rin kami this past few weeks. Kaya okay narin to.

Nang matapos ang galaan, nagpasya kaming umuwi na dahil mag a-alas otso narin ng gabi.

Naglalakad na kami palabas ng mall ng napadaan kami sa isang fast food chain.

Napatingin lang ako sa glass wall ng biglang huminto ang mata ko sa lalaking nakatalikod.

Hindi ako pwedeng magkamali siya yun. Tiningnan ko naman ang kasama niya. Teka. Babae? At silang dalawa lang sa table?
Nag da-date ba sila?

Akala ko ba cool off lang kami?

Ba't nakikipag date na siya sa iba?

Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla akong napahagulgol ng iyak.

Halata namang nagtaka si Tam kung bakit biglaan na lang akong umiyak.

"Hoy napano ka? Tahan na. Baka mamaya isipin nilang inaway kita. Hoyy!" hindi mapakaling sabi ni Tam.

Dali-dali naman akong naglakad palabas ng mall at naramdaman ko namang nakasunod lang siya.

Naka tayo lang ako sa gilid habang  umiiyak, samantalang siya Tam naman para lang ng para ng sasaktan pero wala paring humihinto.

"Hays! Ano ba yan! Saglit lang bes ah. Huehue. Wag ka na ngang umiyak diyan.."

Patuloy lang ako sa pag hikbi ng biglang may huminto na kotse sa tapat namin.

Pag tingin ko nakita ko siyang bumaba. Medyo tumagilid ako at pinunasan ang luha ko.

Nakita ko namang bumaba ang babaeng kasama niya kanina. Tumingin to sa 'kin pero inikot ko lang ang paningin ko.

Kinausap niya naman si Tam at tumango lang ito.

Gosh! Ano to? Face to face?

Yung tipong harap-harapan siyang mamimili kung sino sa aming dalawa?

Nabigla ako ng maglakad na palayo si Tam kasama yung babae at kami nalang dalawa ang naiwan.

Teka ano to?
Ba't umalis yung kasama niya?

"Hatid na kita." sambit niya sabay bukas ng sasakyan.

Hindi ako umimik at hindi rin ako natinag sa kinatatayuan ko.

Narinig ko naman siyang napa buntong hininga.

"Hoy ano ba! Wag niyong iharang sasakyan niyo diyan. Hindi yan parking!" sigaw nung isang guard ng mall.

"Saglit lang po Sir." sagot niya at agad niya naman ako hinila papasok sa loob.








That Author is my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon