Chapter I : His Secret Girlfriend

57 6 3
                                    


" kyahhhh! Kuya single or taken?"
- Single

" Kuya may Girlfriend ka na?"
- wala

" May chance ba na mag ka gusto ka sa isa sa mga readers mo?"
- why not?

" Kuyaaaaa!!!! How to be yours? T-T "
- Be mine!

Gigil na gigil ako habang binabasa ang mga tweets na nire-retweet niya sa Twitter niya.

Nandito kami ngayon sa bahay nila habang ako nakaupo sa sofa at siya naman naka higa sa lap ko  habang nirereplyan yung mga tweet ng 'FANS' niya.

Nakakahiya naman sa gwapo at matalino kung Boyfriend diba? Tss.

Libo-libo na yung fans niya. Wala na siyang time sa'kin kaka update ng story niya at kaka reply sa mga tanong ng mga fans niya lalo na ng mga fangirls niya!

Naiinisssss na akooooooo!!!!!!

"Baby...." malambing na tawag ko sa kanya.

Pero hindi niya man lang ako pinansin. Patuloy pa rin siya sa pag pindot-pindot ng cellphone niya.

"Baby...." tawag ko ulit sa kanya.
Pero dineadma niya ulit ako.

Hayy!! Lakas maka badtrip nitong lalaking to. Pag ako talaga naubusan ng pasensya kakalbuhin ko to para mawala na lahat ng fangirls niya.

"Nakakainis na siya!" sigaw ko sa isip ko.

Naiiyak na talaga ako! T.T
Feeling ko tutulo na yung luha ko.
Huehue T-T

Ahh... Alam ko na. Mag da-drama nalang ako.

"Baby..." tawag ko sa kanya sabay yugyug sa balikat niya. " Masakit tiyan ko. Gutom na ata ako." pag da-drama ko.

"Kumuha ka nalang ng pagkain dun sa ref." sagot niya na hindi man lang ako nililingon.

"Baby ayoko ng malamig. Masakit nga yung tiyan ko diba? Mainit na pagkain yung gusto ko. Baby... Luto mo 'ko please.... " sabi ko habang naka puppy eyes with matching pout pa. Hays! Kahit ngayon man lang mag work ka.

"Hingi ka kay mama. Nagluluto na yun. Kung ayaw mo magpa deliver ka nalang. Maraming flyers diyan pili ka lang." sabi niya sabay taboy ng mukha ko na nilapit ko sa mukha niya.

"Wag ka munang makulit! Malapit na to." dagdag niya pa.

So, mas u-unahin niya pa yung mga fans niya kesa sa girlfriend niya? Pa'no kung mamatay ako sa gutom. May fangirls ba siya na kasing ganda ko?

Walaaaaaaaaa!!!!!!!!

Naiinis na ako ng sobra sa kanya. Gustong-gusto ko na siyang picturan habang nakahiga sa lap ko tas i-tag siya sa tweet para malaman ng buong universe na TAKEN NA SIYA at HINDI NA SIYA PWEDENG LANDIIN PA!

Yan! Dapat CAPSLOCK para ramdam ang intense!

Ano kayang mafe-feel ng mga fangirls niya?

Dakilang paasa rin tong syota kung to ehh! Tsk. Tsk.

"Baby naman ehhh... Ayoko nun. Ikaw na magluto." pamimilit ko sa kanya.

"Tatapusin ko lang to! Kunti nalang."

Tatapusin! Tatapusin! Tatapusin!

Kunti! Kunti! Kunti!

Bwessiitt na words yan! Kelan ba matatapos yan?

Tsaka yang kunti na yan! Sino ba yan? Pag yan nakita ko kakalbuhin ko yannn!!!!

Padabog akong tumayo sa sofa nila at hinayaang mauntog yung ulo niya.

That Author is my BoyfriendWhere stories live. Discover now