Chapter XXIII : Back to Reality

24 2 0
                                    


AN : Woohh! Last Chapter is up! Expect the unexpected!

___________________________________

"Anak gumising ka na."

narinig ko na naman ulit ang isang pamilyar na boses.

"Oh my god! Gumalaw yung daliri niya."

"Tumawag kayo ng doctor! Sabihin niyo gising na ang anak ko."
rinig kung sigaw ng mga familiar na boses.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at tanging nakakasilaw lang na liwanag at kulay puting ceiling ang tanging nakikita ko.

God! Patay na ba ako?

Pero ano yung narinig ko?

Hanggang sa unti-unti na akong naka aninag ng mga hugis tao.

"Oh my god! Sa wakas gising ka na."

"Pinag-alala mo kami ng masyado anak."

"Okay naba ang paki ramdam mo? May masakit ba?
sunod-sunod na tanong nila.

Bigla namang may lumapit sakin na lalaking nakaputing gown. He's a doctor obviously.

"Kumusta na pakiramdam mo?" tanong ng doctor. Tumango lang ako
kahit hindi niya naman tinatanong kung okay lang ako.

May chineck muna siya at pag katapos ay umalis na agad dahil okay na daw ako.

Agad naman nag silapitan sa tabi ko ang mga tao sa kwarto.

Nakita ko naman silang lahat na naka tingin sakin.

Mama, Papa, Auntie, at mga pinsan ko.
Hindi ko alam pero parang may kulang, may hinahanap ako sa kanila na hindi ko makita.

"Si k-- Kib. N-nasan siya?" tanong ko.

Nalito naman silang lahat sa sinabi ko.

"Sino anak? Sinong Kib ang hinahanap mo?" malumanay na tanong ni mama.

"Mama si Kib? Yung boyfriend ko? Nasan siya?" medyo naguluhan naman siya.

Bakit wala siya dito? Fresh pa sa isip ko yung time na tumakbo siya palapit sakin. Pero ba't wala siya dito?

"Anak sinong boyfriend ang sinasabi mo? Wala ka namang pinakilalang boyfriend samin ah." sagot ni mama na halatang nalilito.

"Yung nag dala sakin dito? Sinong nag dala sakin dito?" tanong ko na halatang nalilito narin.

"Hindi namin kilala. May nag report lang na may aksidente sa kalsada kaya kayo nadala sa hospital. Bakit anak may problem ba?"

"Anong kami? Hindi ba't mag isa lang akong nasagasaan?" gulat naman nila akong tiningnan.

"Anak ano bang nagyayari sayo? Wala ka naman sigurong amnesia diba? Ba't ka nag kakaganyan?" Nag a-alalang sambit ni mama na halatang namo-mroblema dahil sa pinapakita ko.

"Tawagin mo muna si Doc. Paki sabi may ipapa check lang." utos naman ni papa sa isang pinsan ko.

"Anak okay ka lang ba? Sino ako?" tanong ni papa.

"Tch. Pa!" Sita ko sa kanya dahil feeling ko pinaglalaruan niya ako.

Tsaka anong amnesia pinag sasabi nila?

"Anak wag ka ngang magbiro nang ganyan. Anong nasagasaan ba ang pinag sasabi mo? Hindi ka naman nasagasaan ahh."

At dahil dun mas lalo akong nalito sa sinabi ni mama? Anong hindi nasagasaan?

Peke nalang yung pinulot ko ang papel sa gitna ng kalsada at pagtingin ko may humaharorot na sasakyan papunta sa side ko at bigla akong tumilapon?

"Hays ano ba to!" bulong ko at bigla naman sumakit ang ulo ko.


That Author is my BoyfriendWhere stories live. Discover now