Chapter X : Fetch By Him

21 3 0
                                    

* 1 unread message

Dali-dali kong tinap ang notif para tingnan kung kanino ito galing.

Pero bumagsak lang ang balikat ko ng makita ang pangalan ng sender..


From : CLBE Pres

Ugh! Mukhang magkaka Tototphobia na ata ako nito. Yun bang Fear of Totot (pag nag totot yung phone) bwahahha

May existing word ba na ganun?
K. Never mind!

Inopen ko nalang ang message kahit labag sa loob ko dahil galing sa President ng Department namin baka importante.



From : CLBE Pres

Lahat ng babae may reserba! Never yan nag mahal ng isa .

* CoLd Morning:-)

#elgnisUlit

-skL
-GiEm/GM



What the h––? Napa what the heck! nalang ako habang binabasa yung GM niya.

Yung president namin sa College of Legal and Business Education nag GM ng hugot? Yung totoo?
End of the world na ba?

Hindi ako makapaniwala habang binabasa yung laman ng text niya.

God! Crush ko pa naman sana siya dahil masyadong dedicated sa pag-aaral, matalino, gwapo, active sa school talented na't lahat-lahat pero humugot sa GM?

Waahhh!! Ayoko na! Turn off na po talaga ako! Huehue -_-

Pero kase hindi pa talaga ako maka recover  na may pa hashtag single is me pang nalalaman na naka alternate spelling si Pres. Hindi ko tuloy mapigilang matawa!

Kadalasan kase sa text nun..

" To all CLBE students we will ba having a Blahh. Blah. Blah..." Tapos ngayon biglang Huhugot sa GM?

Hayy! Ba't ba kase ang sama kung nilalang! Tao lang naman ang Pres namin kaya napa hugot diba?

Huehue -.-

Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Kaya dapat asikasuhin ko na yung love life ko! Hindi pwede tong ganitong nagkaka labuan na!

Kelangan ko ng magpasanib ng fighting spirit kay Maxpein, Summer Leondale at Shia Sheridan. Charott!


Pinuntahan ko si Tam at kinaladkad siya papuntang labas ng room.

"Oy, I'm ano ba? Sa'n mo 'ko dadalhin? Ingat naman sa kamay ko baka humiwalay na sa katawan ko!" reklamo niya.

"Wag ka ng mag reklamo diyan! Samahan mo na lang ako sa Department ng baby ko kelangan ko siyang kausapin isa pa ikaw naman may kasalanan ehh!" haha at siya pa talaga sinisi ko.

Tibay ko diba? Bwahahaha

"Ano bang gagawin natin dun? Hindi pa ba kayo nagkaka-usap?" walang ganang tanong niya.

"Hindi pa nga kaya pupuntahan ko na siya para mag usap na kami." sagot ko.

At ang reaksyon niya? Ayon mukhang sinaniban ni The Flash! Ang bilis naka lingon at nakapag sabi ng,

"What?? HindipakayonaguuusaphshshAaA%&$°£°hsdmvsgss—"

"Tss. Pwede paki ayos? Pronounce it clear-ly! Lu-cid-ly!" pang aasar ko sa kanya!

"Sa-bi-ko-hin-di-pa-ba-ka-yo-nag-ka-ka-u-sap?" sagot niya sabay irap.

Hay! Sarap tusukin ng eyeballs eh.

"Tss. Kaya nga kakausapin ngayon diba?"

"Ikaw ah napapadalas na din yang pag tss² mo ahh. Sa'n mo nakuha yan? Huh? kay Baby Drake Palma ba? Kay Maxpein? O kay...  sino pa nga yung ibang mahilig mag 'tss'?"mahinang bulong niya habang naka tingin sa taas, kunyari nag iisip.

That Author is my BoyfriendWhere stories live. Discover now