Special Chapter

21 2 0
                                    

REPLACE DREAMING BY DOING
Fan girl's confession

BUSY ako kakaayos ng sarili ko sa harap ng salamin ng bigla nalang nag ring ang phone ko.

♪♪ I was thinking about you
Thinking about me
Thinking about us
What we gonna be?

Open my eyes
It was only just a dream ♪♪

Dali-dali ko namang tinakbo ang cellphone ko na nasa bedside table at agad sinagot ang tawag ng hindi na pinansin kung sino ang caller.

"Yeoboseyo?" masayang sagot ko sa kabilang linya.

"HOY BABAE KA!!!" malakas na sigaw sa kabilang linya kaya medyo nilayo ko sa tenga ko yung phone.
"Ba't ba ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinintay dito labas ng gate niyo. Bilisan mo!" reklamo niya na akala mo nakalamon ng speaker sa lakas ng boses na pasigaw.

"Tss. De! De! Coming!" walang ganang sagot ko at agad na inend ang call.

Kinuha ko na agad ang bag ko pati ang paper bag na nilagyan ko ng iba pang importanteng gamit na dadalhin ko at patakbong lumabas ng kwarto ko.

Naabotan ko naman sina Mama at Papa sa dining table na halatang mag-uumpisa palang sa pagkain.

"Jeem halika na. Sabay-sabay na tayong mag breakfast." sambit ni Papa ng makita niya ako.

"Uhm–  sa school nalang po ako mag br-breakfast. Nandyan na po sundo ko." nakangiting sagot ko sa kanila.

"Sundo? Sinong sundo? Yung sinasabi mo bang boyfriend mo?" pang-aasar ni Mama sakin.

"Ma! Stop it! Pinapasakit niyo na naman puso ko eh. I already told you it was just a dream. Idol ko lang po yun." reklamo ko naman.

Its been over a year simula nung nangyari ang aksidente at ang panaginip kung yun. After ilang weeks, ng maka recover na ako, I told them everything. Panay kasi ang tanong nila
kung sinong boyfriend daw ba ang tinutukoy ko nung nasa hospital ako.
Naawa at natawa naman sila sa sinabi ko.

"That was an epic dream!" komento pa nila.

Indeed! And I think that was the most impossible dream. Million times more impossible than becoming a degree holder, which I think few years ago would be the most difficult dream for me.

"Okay kumain ka na lang. Sandali lang naman. Makakapaghintay yan sila." sambit naman ni Papa.

"Err. Pa, you have no idea how much their patience sucks! They hate waiting. I need to go." sabi ko sabay mano at nag wave na sakanila.

"At oo nga pala, ngayon na po ang picture taking namin." pahabol na sigaw ko sabay kindat sa kanila bago paman ako maka labas ng pinto.

Ng buksan ko ang gate, bumungad agad sa akin ang irita at bagot na bagot na hitsura ni Chao.

"Gosh! Your so slow Jeem a––"

"AS ALWAYS!" singit ko sa sasabihin niya.

Hays. Halos araw-araw ko na naririnig yang linyang yan kaya saulong-saulo ko na.

Nakita ko naman kung pano niya ako inirapan sabay bukas ng pinto sa driver seat dahil siya ang mag dr-drive.

Agad naman akong sumakay sa front seat. Pag tingin ko sa back seat nakita ko naman na nagsi-pagtaasan ng kilay ang iba pang bruha.

"Mianhe" (sorry) pa cute kung sabi sabay ngiti sa kanilang pero inirapan lang nila ako.

"HOY ANG OA NG MGA TO!" reklamo ko sa kanila. "Parang 3minutes lang na nalate sa usapan bagot-bagotan na agad ang eksena? Ikinabawas ba yun ng mga ganda niyo? Hah?" dagdag na reklamo ko at ako naman ang umirap sa kanila.

That Author is my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon