Chapter XX : Proposal

21 3 0
                                    


Nang makasakay na ako agad niya naman itong sinarado at umikot siya papuntang driver seat.

Isang minuto din kaming walang imikan hanggang sa hininto niya na ang sasakyan. Pag tingin ko wala kami sa harapan ng bahay.

Hindi ko alam kung anong lugar to basta ang alam ko lang masyadong tahimik dito.

" I'm sorry. It's not what your thinking."

Napapikit nalang ako sa sinabi niya.

Hanggang sorry nalang ba kami lage?
Nakakapagod narin ehh.

Halos isang buwang walang paramdam, tapos makikita kung may kasama siyang iba, tapos sorry lang?

Isang sorry lang ba ang katapat ng lahat ng 'yon?

Hindi nalang ako umimik.

"Friend ko lang siya. Umattend siya sa isang event dito pagkatapos humingi siya ng favor na i-ikot ko raw siya dahil hindi niya kabisado dito kaya kami mag kasama. Ihahatid ko na sana siya sa sakayan pero gutom na raw siya kaya kami dumaan dun at kumain." paliwanag niya.

Nakinig lang ako pero hindi parin ako nag salita.

Ano namang sasabihin ko?
Ehh, hindi ko nga alam kung kami pa ba o hindi na.

"Baby sorry.." sabi niya sabay yakap sa akin.

Baby. Gosh! How I miss that word. Matagal ko na yang hindi narinig. Pero wala akong naramdaman ng sabihin niya yun ehh. Hindi na tulad ng dati.

"Let's stop this already." sambit ko at bigla naman siyang kumalas sa pagkakayakap sakin.

"What? Why? Baby I'm ready. I'm back. Bumalik na ako. Binabalikan na kita." sabi niya habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi ko.

" Bakit? Kung hindi ba kita nakita na may kasamang iba kanina, kakausapin mo ako ngayon?" tanong ko sa kanya.

"H-hindi." Utal niyang sagot.

"See? Isang buwan! Isang buwan kang hindi nagparamdam. Isang buwang wala kahit ni isang text o miss call. Bakit? Anong klaseng problema ba yan at kelangan mo ng isang buwang space? Hah?"

"Hindi! Hindi kita ka-kausapin ngayon
dahil plano kung I-surprise ka bukas. At yung isang buwan? Damn! Isang buwan pa lang yun pero susuko kana?
Ganyan lang ba kababaw ang pagmamahal mo at kaya mo na agad akong isuko sa loob ng isang buwan?"

Medyo natauhan naman ako sa sinabi niya.

Tama isang buwan lang yun. Handa na ba talaga akong isuko yung ilang taong pinag samahan namin dahil lang sa hinihingi niyang space?

"Ilang araw palang simula nung nanghingi ako sa iyo ng space, pero gustong-gusto ko na iyong bawiin. Miss na miss na kita at sa tingin ko hindi ko kaya pero tiniis ko. Sobrang busy ko sa school at alam kung ikaw rin. Nagkaroon pa ako ng ibang problema at ayokong madamay ka kaya mas pinili kung mag cool off muna tayo para makapag focus ka muna sa pag-aaral mo habang inaayos ko naman ang sarili at ang problema ko. " pagpapatuloy niya pa.

Hindi ako umimik at nakinig lang ako sa paliwanag niya.

Medyo nakonsensya tuloy ako. Nagsakripisyo siya para sa ikabubuti naming dalawa pero hindi ko man lang naisip yun. Nag focus ako sa sakit na nararamdaman ko at hindi ko man lang inisip yung nararamdaman niya.

Sabagay tama naman siya. Hindi madaling itapon lahat ng pinag samahan namin. Sobrang dami na naming masasaya, nakakakilig at kung ano-ano pang memories. At mahirap
yun itapon ng basta-basta nalang.

"Ilang buwan nalang.." pagpapatuloy niya pa.

"Mag O-OJT na ako. Kaya naisip kung paabutin ng isang buwan para sanayin ang sarili natin na magkalayo. Hindi pa natin naranasan yung LDR kaya naisip kung mas mabuti kung ngayon palang masanay na tayo."

That Author is my BoyfriendWhere stories live. Discover now