Chapter IV : Throwback 2 (Choice)

35 3 0
                                    


Reason why they keep their relationship private.



*******

Matapos naming kumain ng haponan pumunta agad kami sa may veranda ng kwarto niya. Umupo siya agad sa isang single couch.

"Baby halika." tawag niya sakin sabay turo sa lap niya.

Lumapit naman ako. Hindi paman ako nakakalapit ng mabuti sa kanya inabot niya na agad ang kamay ko tsaka ako hinila palapit sa kanya.

Ugh! Ang harsh ah!

Patalikod niya akong pinaupo in between his lap.

Napatingin naman ako sa malayo.

Nakita ko ang iba't ibang kulay ng kumikinang na mga bituin.

♪♪ There's a song that's inside of my soul
Its the one that I've tried to write over and over and over again

I'm awake in the infinite cold
But you sing to me over and over and over again.

So I lay my head back down
And I lift my hands and pray
To be only yours I prayers
To be only yours I know now

Your my only hope ♪♪

Sigh.

Ang sarap lang sa pakiramdam.
Feeling ko tuloy ako si Jamie Sullivan at siya naman si Landon Carter yung bida sa A walk to remember. Hays.

Bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit habang nakapatong sa kaliwang balikat ko yung jaw niya.

"Baby..." malambing na tawag niya sakin.

Dati kinikilabotan ako na parang nandidiri tuwing nakakarinig ako ng ganyang endearment, pero nung siya na ang tumawag sakin ng 'Baby' God!

Erase the word goosebumps, corny and everything dahil tuwing sa bibig niya lumalabas ang word na 'yan, feeling ko tinatawag ako ng anghel. Sounds exaggerated but he really sounds so angelic. Ang sarap sa feeling.

"Hmmm?" sagot ko sa kanya na medyo hinilig konti ng patagilid yung ulo ko at sinandal sa katawan niya yung likod ko.

"I love you." bulong niya sa tenga ko.

Sumagi naman ng konti yung labi niya sa tenga ko na naging dahilan para kilabotan ako.

Gosh! This guy is unbelievable. Hindi niya ba alam na iba ang nagiging epekto niya sakin tuwing sumasagi yung balat niya sa balat ko?

Mas hinigpitan niya ang pagkaka yakap sakin. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

I swear this is one of the best feeling you'll ever feel.

Yung tipong niyayakap ka ng taong mahal mo ng sobrang higpit. Wherein, you can feel love, sincerity, peace and assurance, all at the same time.

Parang ang sarap itigil ang oras at wag nalang matapos ang ganong moment.

"Baby, ano nga pala yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya ng maalala ko yung sinabi niya kanina.

"Ahh. Oo nga pala. Ganito kase yun. Uhmm..."

"Bilis na! Sabihin mo na kase." Pangungulit ko sa kanya sabay patagilid na naumupo sa lap niya.

This time nakikita ko na 'yong mukha niya. Mukha niya na 'di ako nagsasawang titigan. Aww. Hihi

"Ano kase. Diba dati nasabi ko sayong trip ko magsulat ng story." Tumango naman ako habang inaalala 'yon.

"Nakapag sulat na ako." seryosong tugon niya.

That Author is my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon