Chapter XVI : Sorry

16 3 0
                                    

Lutang lang ako the whole day.

Buti nalang puro discussions lang at yung iba naman binigyan kami ng time para matapos namin ang mga projects namin.

Malapit na matapos ang first semester, isang sem nalang ga-graduate na kami. Hopefully.

Pero mukhang mas do-doble pa ang busyness namin next sem. Marami-rami pa kaming ma e-encounter na problems kaya dapat ngayon palang focus na kami.

Pero pa'no ako makaka focus kung ganitong hindi maayos ang love life ko?

Minsan na ko-konsensya na ako. Mas tinutuonan ko pa ng pansin ang love life ko kesa sa studies ko.

Ayoko naman ma disappoint ang mga magulang ko. Ang laki ng sinugal at pinaghirapan nila matapos ko lang tong degree na to.

Syempre mas priority ko dapat ang pag-aaral. Total ilang buwan nalang naman at matatapos ko na rin 'to.

Bigla naman akong natauhan sa naisip ko.

Does it mean, I'm already willing to let him go?

To sacrifice my love life in order to
focus on my studies?

"Okay. See you when I see you. Class dismiss!" rinig kung sabi ng lec namin kaya natauhan ako.

"Hays! Kung ano-anong iniisip ehh." sabi ko sa sarili habang mahinang pinitik ang ulo ko.

"Aba! Aba! Mukhang okay na tayo ahh. Kinakausap mo na ulit ang sarili mo oh." sambit ni Tam habang naka ngiti sabay sundot sa tagiliran ko.

"Array. Ano ka ba. Mauna na ako." sagot ko sabay wave sa kanya.

"Grabe. Hindi mo man lang ba isi-share sakin kung bakit parang pasan-pasan mo ang earth no'ng mga nag daang araw." Sigaw niya dahil palabas na ako ng room.

"Next time!" yun lang ang nasabi ko at dumiritso na pababa. Buti nalang nasa 2nd floor lang yung room namin dahil kung nagkataong sa 6th floor pa, nako! Baka hindi ako umabot ng 1st year second sem eh nag transfer na agad ako.

Sumabay lang ako sa ibang nag lalakad sa hallway papuntang parking.

Pag dating ko dun wala pa siya.

Kita ko naman yung ilang boxes na pinatong ng mga babae sa labas ng sasakyan niya. Gifts yun for sure.

Nagtago naman sila sa may wall habang pasilip-silip.

Hay! May kung among kalokohan tuloy ang sumagi sa isip ko.

Kunin ko kaya yung mga regalo nila?

Kunyari hindi ko alam na nagtatago sila? Bwahahha

Wag nalang. Baka mamaya kalbuhin ako ng mga yan.

Ilang sandali pa nakita ko na siyang naglalakad papunta sa pwesto ko at seryoso lang yung mukha niya. Mukhang maga pa yung mata.

Umiyak ba 'to?

Nako! Malaman-laman ko lang na may nag papaiyak sa baby ko, nako! Hindi talaga ako mag da-dalawang isip na kalbuhin kung sino man 'yon.

Pasimple ko nalang tiningnan ulit yung mga babeng high schooler na nagtatago at napa smirk ako.

Oopz. Wala akong evil plan. Sa ganitong sitwasyon wala akong oras para sa mga kalukuhan no!

"Kanina ka pa ba?" biglang tanong niya kaya medyo napa-igtad ako sa gulat.

Kase naman, Malay ko bang ang bilis niya mag lakad.

Sa bagay sa haba ba naman ng paa niya yung tatlong steps ko pwede niya gawing isa. Hays! Why so unfair life!

"Ahh no. Kararating ko lang din." sagot ko at hindi na naman siya nag salita.

Medyo kinabahan tuloy ako.
Sanay ako sa pagiging warm, makulit at sweet niya. Lalong-lalo na yung pagiging childish niya tuwing ako yung kasama niya.

Feeling ko tuloy nag-iba na siya. Hindi ako sanay na mga cold gestures niya.

Pinagbuksan niya ako pagkatapos ay tiningnan niya muna ang mga nakapatong na regalo at kinuha ito isa-isa tsaka nilagay sa compartment ng sasakyan niya.

Hay! Ang swerte niya. Dati ako lang ang nagbibigay sa kanya ng mga regalo, ngayon ang dami na. Grabe. Nakakalungkot pero okay na rin yun. Wala naman akong magagawa.

Bago paman niya napa andar ang sasakyan, napatingin ako sa side kung sa'n nagtatago yung mga nag bigay ng regalo sa kanya, at nakita ko kung pa'no nanlaki ang mga mata at nalaglag ang mga panga nila habang naka tingin sa amin.

Shocks! Oo mga pala. Wala sila ng alam tungkol sa amin.

Hinayaan ko na lang 'yon at tinuon nalang ang pansin sa loob ng sasakyan.

Gosh! How I miss this. The scent, the comfort I feel every time I'm sitting there beside him and of course, Him!

Hindi ko alam pero parang ang awkward ng atmosphere! Gosh! For how many years we've been together ngayon ko lang naramdaman ulit tong awkwardness nato.

Feeling ko tuloy bumabalik kami sa ligawan chapter. Yung tipong sobrang awkward niyo pa sa isa't-isa.

Yung tipong hindi niyo alam kung sinong unang mag sasalita tapos pag nagkausap na mag tatanong pa ng topic. Bwahaha.. Na miss ko tuloy yung mga moment na yun.

Ilang minuto palang ang byahe namin huminto na agad kami sa isang park.

Pinark niya muna sa isang space ang sasakyan niya tsaka sabay kaming naglakad papunta sa may bench sa dulo na nasa ilalim ng malaking puno at napapalibutan ng iba't ibang kulay ng bulaklak.

Gosh! Na miss ko na naman ulit to. Matagal-tagal narin Simula ng magawa namin 'to.

Yung tipong naka holding hands kami while walking habang naka uniform pa. Bwahaha ^,^

At least college na kami diba? Kesa naman sa mga bulilit pa na nag da-date.

Pag dating namin dun umupo agad kami.

Silence...


Silence....


Silence.....

Ugh! Screw silence!

Ang tahimik na nga nang paligid, pati ba naman kami makiki adopt pa sa katahimikan ng surroundings?

Feeling ko tuloy nasa isang memorial park kami. Shocks!
Peaceful nga, creepy naman.

"Ehemm.." panimula ko.

You have no idea how I love silence, and peaceful surrounding when I'm alone. Pero kase may kasama ako eh. At siya pa! Ugh! So Awkward.

"Uhm Ano nga pal–––" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya na lang akong niyakap.





"SORRY..."


That Author is my BoyfriendWhere stories live. Discover now