Chapter XI : Family Gathering

18 3 0
                                    

"Baby.." panimula niya ng makasakay na kami.

Walking distance lang naman yung bahay namin papunta sa school. Mga 10-15 mins lang depende sa lakad mo.

Sinusundo niya lang ako pag pinapapunta niya ako sa kanila para magkaroon kami ng lone time together, O date.

Wait? May date ba kami?
Waahh!! Naka uniform pa naman ako! Masyado pa namang formal yung uniform namin. Tuloy mukha na kaming nag tatrabaho sa mga company.

"Ipagpapaalam kita kina Tita ah."
dagdag niya.

"Okay!" alangan namang hindi okay diba?

Pero.. "Baby" tawag ko sa kanya.

"Galit ka ba sakin?" tanong ko.
Tinutukoy ko yung nangyari kahapon.

Kumunot naman ang noo niya na parang hindi nakuha yung ibig sabihin ko.

"I mean.. yung sa event mo. Baby sorry na! Si Tam naman kase eh kun——"

"Ahh.. y-yun ba?" sabi niya habang parang natatawa.

Wait? Tinatawanan ba niya ako?

"Baby seryoso ako. Nakakahiya kaya yu—"

"Tch. Ba't ka nag so-sorry?" natatawang
tanong niya.

"Eh kase naman eh. Nakakahiya yung agaw eksenang ginawa namin dun. Nagalit ka ba dahil dun?"

Tinaasan naman niya ako ng dalawang makakapal niyang kilay.

Shit! Ayan na naman tayo sa kilay on fleck nayan ehh!

"Seriously? Ba't naman ako magagalit? Tsaka. Its no big deal. Napasigaw ka lang naman, may nagsabunutan pa nga nung patapos na ang event eh." sabi niya sabay tawa.

"Weehh? Really? Di ka galit? Pinky swear?"
pangungulit ko sa kanya.

"And what made you think that I'm mad at you? Huh?" pag E-english niya.

Baby wag mo ko ine-english please.

Bwahaha wala pa naman akong dalang panyo pang punas pag nag nose bleed ako!

Kahiya naman kung yung Toilet paper yung ilabas ko sa bag ko.

Kase naman sa canteen kanina naubusan  ng tissue paper sa mini pack, yung pang toilet lang yung available kaya ayun lumakad akong may dala-dalang isang makapal na roll ng tissue. Pinagtitinginan tuloy ako.

Bwesit na sipon talaga eh. Pahamak! Pinahiya ako! T.T

"Hey! I'm asking you." tanong niya ulit.

"A-ahh. Kase hmm.. Ikaw ehh." sabay hampas ng mahina sa braso niya.

Eww! Ang flirt nung style ng pagkakahampas ko. Nag mukha tuloy akong pabebe.

"Stop it. I'm driving!" sheytt! English na naman. Baby naman eh.

"Ikaw kase ehh. Di ka manlang nag text kagabi tsaka kanina, tapos offline ka pa. Kala ko tuloy galit ka." kunyari nagtatampo yung tono ko.

" aww' sorry baby. Yung cellphone ko kase naiwan sa venue buti nalang isa sa mga staff yung naka pulot. Kaya nga ako absent eh, binalikan ko pa kanina."

Aww' so nag emote lang pala ako sa wala! Haha napaka worthless naman ng pagkakaroon ko ng eyebugs.Sheyt!

Magtatanong pa sana ako kung ano pang nangyari sa event niya kahapon kaso bigla na siyang huminto, nasa bahay na pala kami.

Bumaba na kami at of course pinag buksan niya naman ako. Aww' my baby.

Pumasok kami at pinagpaalam niya ako kina Mama. At syempre ang supportive kung mother pumayag agad.

That Author is my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon