29. Parang awa mo na

188K 4.5K 895
                                    

Kulang ang sabihing natutulala ako kapag naaalala kong ang pinaggagawa ni Ares sa akin noong isang gabi. Hindi ko gusto ang ginawa niya sa akin. Natakot talaga ako noon. Akala ko ay may mangyayari sa amin but I was lucky enough that he had restarined himself from doing that. I cried all night that night. Hindi ako nakatulog. Iniisip ko si Mercedes. Gusto ko si Ares - mahal ko siya pero gusto ko siyang mahalin sa oras na maayos na kami ni Mercedes at maayos na sila. Hindi ko naman ipaglalaban ang pag-ibig ko para sa kanya. I know so well that Mercedes and Ares belong to each other arms. I'd rather be sad forever than be happy kaysa naman kamuhian ako habambuhay ni Maria. Naiiyak ako. Mas matindi pa itong heartache na nararamdaman ko kaysa sa pagpapakasal ni Matthew sa Candida na iyon na mukhang aso. I sighed. Naalala kong pumyag nga pala akong maging maid of honor sa kasal na iyon. At ngayong naiisip ko na ngayon ang araw ng kasla nila and I have to wear that hot pink hideous gown they wear asking me to wear - nanlalambot ang mga tuhod ko. 

Kasalanan lahat ito ni Ares Consunji. Kung hindi niya ginugulo ang buong mundo ko matino pa sana ako ngayon at hindi napa-praning sa kakaisip kung paano ko isusuot ang hot pink na gown na iyon. Sinong nasa katinuan ang makakapg-isip na mag-motif ng hot pink sa kasal niya? Bakit kamuykha niya ba si Barbie? Ang kapal ng mukha ng babaeng iyon.  AKo pa talaga. Hindi talaga magaling bumasa si Matthew ng damdamin ng iba.

Wala akong nagawa kundi isuot ang damit na iyon. Ano pa nga ba? May isang salita ako. Ako na lang din ang nag-ayos sa sarili ko. I wore my special contacts - special dahil tuwing may okasyon ko lang iyon isinusuot. I let my hair fall. Naglagay lang ako ng kaunting make - ujp at lipstick para naman hindi ako mukhang manang sa susuotin ko. The dress looks really hideous. Kung pwede lang na 'wag nang isinuot ay ginawa ko na nakakadiri kasi talaga pero walang magagawa. I finally had the courage to wear that. Habang pababa ako ng hagdan ay bigla na lang nagtatahol si Chichi. Akala niya siguro nakakakita siya ng naglalakad na cotton candy. Binuhat ko siya tapos ay sinama ko siya palabas ng apartment. Iniwan ko muna ulit siya sa land lady ko dahil hindi ko naman siya pwedeng iwan na lang basta. Nagbilin na lang ako na kukuhanin ko siya mamaya. 

Paglabas ko ng building ay naramdaman kong pinagtitinginan ako ng lahat. Sino ba naman ang di titingin sa akin? Kasura ng gown na suot ko. Ni ayaw nga akong parahan ng taxi ---- dahil siguro talaga sa damit ko. Finally nakasakay na rin ako ng taxi. I was feeling agitated. Habang nakaupo doon ay naalala ko si Maria. Miss.na miss ko na kasi siya. Lagi ko siyang nime-message sa viber pero nasi-seenzoned lang ako. Alam ko.naman na siguro ay hindi pa siya.ready pero hindi ko naman kayang maghintay. Hindi ako mapakmali. Palagi akong nag-aalala para sa kanya. Iniisip ko kung inaalagaan ba siya ni Jaguar. Kung kumakain ba siya sa oras at kung sino ang naiiyakan niya ng problem niya sa.akin. I sighed. Lahat ng ito ay dahil kay Ares Consunji. Kung hindi ko naman siya minahal ay hindi mangyayari sa amin ni Maria ang bagay na ito. Hindi niya ako iiwan basta at hindi siya aalis nang masama ang loob sa akin. Naiinis ako sa kanya. Kaya nga nitong mga nakaraang araw ay tinodo ko ang pag-iwas sa kanya. Iyong tipong kahit nasa paligid siya ay hindi ko siya tinitingnan. I was treating him like air pero kahit ano yatang gawin ko ay hindi ko siya maipapalayo sa akin. Para na siyang anino ko na hindi ako iniiwan. Sunod lang siya nang sunod. Mabuti nga ay wala siya ngayon. Hindi ko naman siya kailangan sa pupuntahan ko. I hate him but at the same time I love him. I hate the fact that I love him.

Narating ko na ang simbahan. Muntik nang masunog ang mga mata ko nang makita ko ang mga brides maid ni Candida na naka hot pink dress din. Buti na lang at hindi ako sa kanila nagpamake up kundi para din akong kumain ng lechon.

Pinapila na kami ng wedding coordinator. Kahit siya ay naka hot pink din. Nakakainit ng ulo ang motif ng kasal ni Candida. Sinong matinong tao ang magiisip ng ganoon? Nakipila na rin ako sa mga abay. Kung nakikita lang ako ni Maria ngayon sigurado akong pagtatawanan niya ako. Mukha akong tanga sa suot ko at hindi talaga ako natutuwa. Siniguro talaga ni Candida na siya ang pinakamaganda sa lahat ngayong araw ng kasal niya. It is amusing kasi sigurado akong ginawa niya iyon dahil insecure siya sa hitsura ng mga abay niya. Nagsimula na ang wedding march. Naglakad na din ako. I could see Matthew standing at the end of the altar. Naiiyak ang gago. Kung iisipin ko ngayon ay hindi na ako bittet sa nangyari sa aming dalawa. I'm happy for him. Kahit paano ay naintindihan ko iyong katotohanan na kapag umibig ang tao walang pinipili kung sino o ano basta mahal mo mahal mo at maaaring mahal niya nga si Candida. Parang ako kay Ares. Kahit na anong pigil ko ay wala akong nagawa. Minahal ko siya sa kabila ng katotohanan na mahal siya ng pinakamatalik kong kaibigan. Mahal ko siya. Tapos ang usapan. Mahal ko siya pero wala akong balak na ipaglaban siya. Kuntento na ako doon sa mahal ko siya. Kahit hindi na nga niya ako mahal basta mahalin niya si Maria.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon