8. Marunong

185K 4K 250
                                    

“Inalam niya ang birthday mo?”

Natatawa na naman sa akin si Ate Alberta. Tulad kasi nang nakaraang araw ay ikinukwento ko sa kanya ang mga pangyayari sa apartment – sa madaling salita – ikinukwento ko sa kanya si Ares Fucking Consunji. Sinabi ko na inalam ng pangit na iyon ang birthday ko at hindi ko iyon matanggap. Hindi naman ako dapat ang ginaganoon niya. He should’ve wasted his time to Maria – knowing her more that knowing me. Kahit pa birthday ko iyon – hindi naman ako naging masaya na nalaman niya ang birthday ko. I sighed.

“Hindi ko nga maintindihan, Ate.” Wika ko pa na may pagtataka sa tinig. “Alam mo iyong na-frustrate ako dahil imbes na sabihin niyang October 17, 1986, sinabi niyang November 04? Hindi ko alam kung anong trip niya. Bakit niya ako pinagaaksyahan ng panahon?”

Humarap si Ate Alberta sa akin. She was smiling. “Ano bang gusto mong mangyari kay Ares at sa kaibigan mo?”

Napaisip ako. Pinaglaruan ko ang ballpen sa mga kamay ko. Kahit ako ay tinatanong ko sa sarili ko kung ano nga ba ang gusto kong mangyari sa kanila ni Maria. Alam kong mahal siya ni Mercedes at kahit na hindi ako boto para kay Ares sa kanya ay gusto kong maging masaya siya. Kabobohan siguro pero gusto kong makitang masaya si Maria sa piling ng lalaking mahal niya at sa tingin ko mahal talaga niya si Ares ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit. Ano nga ba ang nakita niya? Puro kasamaan ng ugali ang nakikita ko sa lalaking iyon. Anong nakita ni Maria sa kanya? I sighed. Sabagay hindi lang naman masama ang ugali niya – malungkot lang talaga siya at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naiintindihan ko siya. Siguro nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong umaasa akong babalikan ako ni Matthew. Iyon kasi si Ares. Umaasa siyang babalikan siya ni Mercedes habang ako ipinagdadasal ko na sana sa oras na bumalik si Maria, mas mahal na niya ang sarili niya kaysa kay Ares Fucking Consunji.

“Gusto ko…” I sighed again. “Gusto kong makilala niya si Maria, Ate. Hindi iyong Maria Mercedes na ginagamit niya lang dahil malungkot siya o kung anuman. Gusto kong makita niya si Maria Mercedes bilang babaeng mamahalin niya at irerespeto habambuhay. I want him to love Maria, Ate.”

Ate Alberta just looked at me. She was smiling like she knows something that I don’t.

“Hindi niya kasi kilala si Maria. They just… fuck… and it’s depressing. I want Maria happy at kahit nakakairita isipin, kung si Ares ang makakapagpasaya sa kanya, tatanggapin ko na lang.”

“Gusto mong makilala ni Ares si Maria?” Ulit ni Ate Alberta. I nodded. “Kung iyan ang gusto mo, ipakilala mo ang kaibigan mo sa lalaking iyon. Ikaw mismo ang magpakilala sa kanya kay Mercedes.”

Natahimik ako. Madali lang naman iyon. Naisip ko na iyon noon pero ang problema ko naman – kapag ipinakilala ko si Mercedes kay Ares – it would mean na kailangan ko siyang pakisamahan. Ayoko nga siyang maging kaibigan – pakisamahan pa kaya. I sighed again.

“Bathseeba, may mga nanghihingi ng mga ISBN, harapin mo muna.” Wika ni Kuya Charles. Nginitian ko lang siya at saka tumayo na. Sa buong araw na iyon ay ang iniisip ko lang ay kung paano ko ipapakilala si Maria kay Ares. Tama naman si Ate Alberta. Siguro nga kailangan kong pakilala si Maria kay Ares. Ang sinasabi niya kasi ay iyong hindi niya makita si Maria bilang babaeng mamahalin niya – gusto kong makilala niya si Maria bilang babaeng possible – hindi – bilang ang babaeng dapat niyang mahalin – but how?

I sighed. Inayos ko ang mga librong bagong dating sa library. Inililista ko ang mga number niyon sa registry pero ang nasa isip ko pa rin ay si Ares at Mercedes. Hindi ko tanggap ang lalaking iyon but because of Maria, I am willing to accept him. I sighed again.

Natapos ang araw nang si Maria lang ang iniisip ko. Gagawin ko ba o hindi – kapag hindi ko ginawa, mag-e-exert ba siya ng effort sa pag-alam ng kahit na ano tungkol kay Maria? Ang sagot sa lahat ng tanong ko ay hindi. Napalabi ako. Kailangan ko siguro talagang gawin ito para sa kanya.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon