2. Second names

213K 4.5K 891
                                    

“Bathseeba, hinahanap ka noong Matthew Fernandez daw.”

Napaawang ang labi ko nang marinig ko ang pangalan ng Matthew Fernandez na sinasabi ng kasamahan ko sa trabaho. Inilagay ko ang librong hawak ko sa shelf at saka inayos ang sarili ko. I was wearing our prescribed uniform ng Library. Iniayos ko din ang salamin kong napaling na at pilit kong sinusuklay ang buhok ko sa pamamagitan ng mga daliri ko. Anong ginagawa ni Matthew sa lugar na ito? Bakit kailangan niya pa akong puntahan? Wala naman na kaming pag-uusapan.

Lumabas ako sa waiting area at ganoon na lang ang panghihinayang ko nang makita ko siyang kasama si Candida – ang babaeng ipinalit niya sa akin – hindi pala ipinalit wala nga pala kaming relasyon. Huminga na lang ako nang malalim at saka pinuntahan ang kinauupuan nila. Nakita agad ako ni Candida. Agad siyang tumayo at saka kumaway sa akin. I just smiled. Nakapalda ako, binagalan ko ang lakad ko dahil ayoko talagang makita at makausap sila.

“Batshe!” Bati sa akin ni Matthew. Pilit ang ngiti ko. Nakipag-beso ako sa kanya pati na rink ay Candida.

“Anong atin?” Tanong ko habang papaupo. Nakita kong hinawakan ni Candida ang kamay ni Matthew at saka tumingin sa akin. They were smiling so wide – so sobrang wide – nakakasilaw na iyong mga ngipin nilang sigurado akong ni-tooth brush gamit ang Happee toothpaste. Mga cheap! Hindi man lang COLGATE ang gamit. I rolled my eyes.

“Hihingi sana kami ng pabor sa’yo ng aking cupcake.” Sabi ni Matthew.

Tumagilid ako saglit at itinakip ang kamay ko sa aking bibig. Nasusuka ako.

“”Batshe, okay ka lang?” Tanong pa ni Matthew.

“Sorry, nasusuka ako. Ang sweet ninyo kasi! I wanna puke rainbows!”

Nagulat ako nang biglang tumawa nang napakalakas si Candida with matching hampas pa sa hita ko. I made a face.

“Ay, wow, close tayo?” Naiinis na tanong ko.

“Ikaw naman, mapapangasawa ako ng best friend mo kaya close na tayo!” proud pang sabi niya. Napailing na lang ako.

“Anong pabor ba iyan?” Tanong ko na lang para maiba ang usapan. Hinihintay kong sabihin nila ang pabor na hinihingi nila at saka ko iisipin kung madali ba o hindi iyon, kung kaya ko bang ibigay o hindi iyon.

“Hindi kasi makakauwi ang kapatid ni Candida sa kasal naming kaya sana iniisip naming dalawa na ikaw na lang ang maging maid of honor.”

Nanlaki ang mga mata ko. Matapos niyang gawin sa akin ang mga ginawa niya noon, hihilingin niya na maging maid of honor ako sa kasal nila? Sana sinabi na lang niya na saksakin ko ang sarili ko, warakin ko ang dibdib ko at ibabad sa chlorine ang puso ko para mamatay na ako. Pumikit ako at nagbilang ng sampung angry bird at nang matapos iyon ay dumilat ako at saka ngumiti.

“Pag- iisipan ko ha.” Tumayo na ako at saka tumalikod. Bumalik ako sa trabaho ko habang naiisip ko si Matthew. Bakit ganoon? Bakit ang saya-saya niya habang kasama niya si Candida – ang babang kailangan ng napakaraming pahinga? Naisip ko pa lang ang eye bags ni Candida, nahihiya na ako sa sarili ko. Sabagay, baka proud siya sa eye bags niya, pinagpuyatan kasi niya iyon. Huminga ako ng malalim, naalala ko si Lola Anita – ang nanay ni Mama, noong bata ako, sinasabi niya palagi na bulag ang pag-ibig at sa kaso ni Matthew – oo, bulag nga ang pag-ibig. Hindi lang bulag, nakakasira pa ng ulo. Sa gwapong iyon ni Matthew, nauwi siya sa ganoon lang.

“Mag-e-early out ako.” Sabi ko sa assistant librarian ko. Mas matanda sa akin ng labin-limang taon si Ate Alberta. Tumanda na siya sa piling ng mga libro at alikabok sa bahay-akalatang iyon. Kaisa na si Ate Alberta sa mga BIR sa National Library – BIR mean – Babaeng Iniwanan na ng Regla pero hindi pa rin nakapag-asawa. No boyfriend since birth ang peg ni Ate Alberta at dahil halos lahat ng kasama ko dito ay BIR na, tinatakot na rin nila ako.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon