11. Over dinner

173K 4.2K 905
                                    

Hindi ko alam ang mga naganap. Para bang ang bilis ng mga pangyayari. Una, nasa mall ako kasama si Ares, tapos naglalaro kami ng kung ano-ano, ngayon naman kasama ko na ang nanay niya sa loob ng magarang sasakyan. Ako lang at si Apollo Consunji ang nasa loob ng kotse. Si Ares kasi ay sa kotse ng ate niya sumakay.

Nakakailang ang paraan ng pagtingin ng nanay ni Ares sa akin. Nakangiti siya at para bang pinag-aaralan niya ang buong pagkatao ko sa tinging iyon. Bakas sa hitsura niya na galing sila sa maalwang buhay. Ares' mom looked so graceful and beautiful - the way she moved para bang napaka prim and proper niya.

"Saan mo nakilala ang bunso ko?" Biglang tanong niya. Napatitig ako sa maganda niyang mukha. She was still smiling.

"Kaibigan ko po kasi ang totoong girlfriend niya." Direktang sabi ko.Nakita kong tumaas ang kilay niya.Marahil ay bunga iyon ng pagtataka. " Si Mercedes po ang totoo niyang girlfriend."

"Sorry, hija pero hinalikan ka ni Ares. Ikaw ang girlfriend niya."

"Naku! Guni-guni lang ni Ares iyon! Mawalang galang na po pero sira ulo po kasi ang anak ninyo!"

Ako naman ang natigilan. Dapat yata ay hindi ko sinabi sa kanya ang bagay na iyon. Natural magagalit siya sa akin. Anak niya.iyong sinabihan ko ng sira ulo. Napakagat labi ako. Saglit pa akong natigilan nang marinig ko ang pagtawa niya. Eksatong iyon ay huminto ng sasakyan at agad namang bumukas ang pinto. Nang makababa kami ay tumambad sa akin ang isang napakalaking mansyon. Ang laki talaga! Kasya yata sa bahay na iyon ang apartment ko.

"Ma!" Natigil ako sa kakalingon nang maramdaman ko ang kamay ni Ares sa balikat ko. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko ba siya. Ano bang problema niya at kanina pa siya hawak nang hawak. Bahagya ko siyang siniko. Kung pwede lang sanang ingudngod ang lalaking ito kanina ko pa nagawa.

"Ma, uuwi ko na si Bathseeba."

"Silly you! Nandito na tayo. Nandyan ang papa mo. Ipakilala mo na ang girlfriend mo." Kinilabutan talaga ako sa mga sinasabi ng nanay ni Ares. Girlfriend daw. Nakakasuka!

Naunang pumasok ang Nanay ni Ares sa loob. Naiwan ako doon. Lumayo ako sa kanya.

"Nakakarami ka na ah! Kanina ka pa hipo nang hipo! Idedemanda kita ng sexual harrasment!"

Akmang sasagot si Ares nang magsalita mula sa likuran niya ang isang babae. Ito yata ang ate niya.

"How dare you talk to my brother like that! Ares, saan mo ba nakuha ang babaeng ito? She's..." She rolled her eyes. "I don't even know how to describe her."

Naningkit ang mga mata ko. Kung makapagsalita ang babaeng ito akala niya siya na ang pinakamaganda sa lahat.

"Kung ikaw si Ares fucking Consunji anong second name ng ate mo Hera The Bitch Consunji?!"

Thr bitch looked appalled. Lumapit siya sa akin pero napigilan siya ni.Ares.

"Ang kapal ng mukha mo! Ares ilayo mo sa akin iyan! Masasaktan iyan!"

"Hera just get inside. Please!" Inirapan muna ako ng babaeng iyon bago siya tuluyang umalis. Sinundan ko ng tingin si Hera nang mawala na siya ay saka ko binalingan si Fucking. Inilabas ko ang dila ko.

"Paano ninyo naging nanay iyong si Apollo? Mabait siya tapos kayo ng kapatid mo ugaling anak ni Satanas!"

"Kung ano-anong sinasabi mo. Iuuwi na kita!" Hindi naman na ako tumutol pero minamalas yata talaga kami dahil muling lumabas ang nanay ni Ares. Nahuli niya kaming paalis.

"Ma... ano...it's not what you think." Mahinang wika niya.

"Ano pa bang ginagawa ninyo? Nandyan na ang papa mo at si Hermes kakain na tayo."

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon