13. Speech

163K 4.2K 731
                                    

Hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa engagement party sana ng supposed to be fiance ko. Habang nakaupo ako sa silya na nakalaan para sa akin ay tinitingnan ko si Matthew at si Candida na mukhang masayang-masaya sa piling ng isa't isa. Hindi ko iyon matanggap. Paanong magiging masaya si Matthew kay.Candida samantalang mukhang.manananggal ito? Daig niya pa si Corazon --- ang unang aswang --- at least si Corazon kapag naayusan gumaganda samantalang itong si Candida habang tumatagal lalo mong nanaisin hambalusin ng walis tambo.

The couple looked good together. Bagay na bagay sila--- si Candida ang manananggal at si Matthew ang buntot page. Together they make a good couple. I smirked. Huminga ako nang napakalalim. Bakit pa ako nagpunta dito kung naiinis lang ako.

Inilibot ko na lamang ang mga mata ko sa paligid ko. Nakita ko si Isto na may kausap na babae. Sigurado ako na kinakalantari na naman ng magaling kong pinsan ang babaeng iyon. Si Oli naman ay nakaupo lang sa table nila at matamang nakikinig sa program at si Ares --- hindi ko alam. Bahala siya sa buhay niya. Nilapitan ko si Oli. He was wearing a black tux. Tinapik ko ang balikat niya at saka ngumiti.

"Tara, Oli. Sayaw tayo." Agad naman siyang tumayo para kunin ang kamay ko. Nagpunta kami sa gitna ng dance floor at inaliw ang sarili sa pagsasayaw.

Matagal ko nang kilala si Oli. Five years old pa lang ata ako kalaro ko na sila. Naalala ko pa nga noong minsang umuulan na naligo kaming apat kasama ang kaibigan nilang si Sonido ay nagpakitaan sila ng mga.alagang ibon. Limang taon na ako noon sila nila Isto ay walong taon.

"Iyong Consunji... ano mo iyon Batseng?" Walang ano-anong tanong niya. Hindi na ako nagtaka kung bakit siya interesado. Lagi naman nila akong tinatanong noon sa mga.nakakasama kong lalaki. Si Matthew lang ang hindi ko naikwento sa kanila.

"Boyfriend siya ng best friend ko..." Nakangiting wika ko. Hawak ni Oli ang mga kamay ko. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Tiningnan niya ako ng mataman at saka muling nagsalita.

"Anong pangalan ng kaibigan mo?"  He seemed so interested. Tumikhim muna ako bago ako nagsalita.

"Maria Mercedes." Para bang nahigit ni Oli ang kanyang hininga. Tila ba hindi na siya makapaniwala sa narinig. I just looked at him. I was waiting for his next move.

"Boyfriend ng best friend mo pero palagi mong kasama? Alam mo ba ang ginagawa mo, Batseng? You might fall for him or he might fall for you! Masasaktan ang best friend mo!" Halos gigil na wika niya. Kumunot ang noo ko. Why does he sound do concern? Hindi naman niya kilala si Ares at hindi rin niya kilala si Maria. Why is he acting like this? Lumayo sa akin si Oli at saka umalis. Naiwan akong naguguluhan. Anong nangyayari?

I was still in the middle of the dance floor --- paalis na sana ako nang biglang magsalita ang host ng event.

"And now let us hear the message of the groom's best friend --- Bathseeba  Madlang - tao."

Napanganga ako. Tumingin ako sa direksyon ni Matthew na nakatitig sa akin. Gusto kong sumigaw. Binibiro niya ba ako? Alam naman na niya siguro ang nararamdaman ko para sa kanya tapos hihingan niya ako ng mensahe? Ano ito? Joke? Anong gusto niyang mangyari? Ulanin ko sila ng mura? I didn't know what to do. Pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ang lahat ng tao at hinihintay ang susunod kong gagawin.

I feel alone.

Wala akong nagawa kundi ang umakyat sa stage. Pakiramdam ko ay para akong nasa ilalim ng microscope. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Dalawang salita lang ang naiisip ko.

Fuck you!

Pero kapag sinabi ko iyon, bitter ako. I was on the stage. Ibinigay sa akin ng host ang mic at saka iniwanan ako. Kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam talaga kung anong sasabihin ko. Ano nga ba? Bakit nga ulit ako nandito? Lumingon ako at doon nakita ko ang bandang tumutugtog kanina pa. Nangangatog ang tuhod ko.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon