5. Oh... Flat!

180K 4K 376
                                    

I woke up the next morning still feeling a bit irritated because the demon who calls himself Ares Consunji – took Chichi away. Buti na lang hindi pa tumatawag si Mercedes dahil hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nawawala si Chichi – na nawala si Chichi dahil kinuha siya ng anak ni Santanas.

Lumabas ako ng silid ko. Nakakalungkot din mag-isa. Ang tahimik ng buhay. Maghapon na nganga tahimik ang buhay ko sa library, pag-uwi pa rin sa bahay, tahimik pa rin. Si Chichi na nga lang ang kasama ko, kinuha pa rin niya. Kagabi bago matulog, kinaiisip-isip ko kung anong ginagawa ng lalaking iyon kay Chichi – iniisip ko nga na ni-rape na niya si Chichi pero wala, hindi naman siguro siya ganoon kadesperado para gawin iyon. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ko ba pinagsasayangan ng enerhiya ang lalaking iyon. Pwede naman niyang gawin ang kahit na anong gusto niyang gawin kay Chichi – basta sa oras na umuwi si Mercedes ay ibabalik niya si Chichi nang buong-buo – walang labis at walang kulang.

Habang iniisip ko ang ginawa ng animal na iyon ay nakaupo ako sag lid ng kama ko. Disoriented pa ako habang nakatingin sa wall clock sa aking silid nang maintindihan ko kung anong oras na ay saka lang ako napatayo at napatakbo sa bathroom para maligo. – seven – fifteen na! Kaunti na lang, male-late na ako! Kahit kailan ay hindi pa ako nahuli sa pagpasok sa trabaho.

Pumasok na ako sa bathroom at doon nagseremonyas na ako. Hindi ako pwedeng magmatagal maligo. Kaunting kuskos, kaunting sabon – tinapos ako ang pagsa-shower at saka itinaas ang kamay ko para kunin ang tuwalya ko pero natigilan ako nang maalala ko na dahil nga pala sa pagmamadali ay naiwan ko iyon sa kama. Napabuntong hininga ako. I am naked. Nahihiya akong lumabas. Wala pang nakakakita sa akin nang ubad kundi se Mercedes palang. Nangyari iyon nang minsang sinamahan ko siyang magpa- Brazilian wax siya. Maghihintay lang naman ako dapat sa waiting area habang nagbabasa nang hatakin niya ako at piloting ipasok sa loob, pinahiga niya ako nang pilit t hinubaran para ma-experience ko ang ginagawang treatment sa kanya pero letsugas na ibinabad sa suka ng sampung araw! Masakit!

Literal na napasigaw ako nang: Napakasakit, Kuya Eddie!

 

Si Cedes naman ay tawa nang tawa. Huminga ako nang malalim. Kung hindi ako lalabas ngayon male-late talaga ako. Sabagay, wala naman kasing tao sa bahay, si Chichi na nga lang ang kasama ko – nawala pa. Kinuha pa ng walang hiyang demonyong animal na kanang kamay ni Santanas!

Lumabas ako ng banyo. Kinakabahan ako. Paano kung nandito bigla si Maria? Baka matawa siya sa akin. Hindi naman kasi kasing-ganda ng katawan ni Maria Mercedes ang katawan ko. Mercedes’ vital statistics are perfect 38-24-36, ako wala. Flat chested. Harap – likod, nakatalikod pa din.

I was tiptoeing. Natatawa ako. Bakit ba ako nahihiya, wala namang tao sa bahay. Natapat ako sa kwarto ni Mercedces. Napahinto ako. I missed her. I missed the sound of her voice every morning while she was trying to sing. Hindi kasi marunong kumanta si Maria Mercedes – maganda lang siya. I also miss the sound of her blower. Nakakatuwa kasing isipin that she’s getting ready for a day at work. I alse miss her heated argument with her clients. I miss her being an alpha female – but every time she’s with Ares Consunji – nawawala ang tapang niya.  I miss the old her.

Nakita ko ang sarili kong nakatulala sa harapan ng pintuan ni Maria. Hindi ko na nga namalayan nang bumukas iyon. Nagtaka ako sa pagbukas ng pinto pero hindi ako gumalaw. Iniisip ko kasi na hangin lang pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Chichi. Tinahulan niya ako. Napaawang ang labi ko sa pagtataka. My eyes were at the floor – staring at Chichi – that was when I saw a pair of feet. Kaninong mga paa iyon? Bumalik nab a si Maria? Pero bakit pang lalaki ang mga iyon.

Paang lalaki…

Paa ng lalaki…

Paa…

Lalaki…

My eyes widened!

Bakit may lalaki sa bahay ko?!

“Wow! What a morning show. Hello, Bathseeba.” The man greeted me. I know that voice. I looked up – slowly – I looked up and when I finally met his eyes – those deep brown eyes – I realized what I look like.

“Fuck!” I hissed.

“Hello, babies…” He said while looking at my breasts. “Oh… flat.”

“Ang kapal ng mukha mo!” Sigaw ko sabay takbo.  Pumasok ako sa loob ng silid ko. I double locked the doors para safe. Nang tumingin ako sa salamin ay kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ko. How could this be? Bakit nandito ang lalaking iyon? Anong ginagawa niya dito? Bakit nasa kwarto siya ni Maria Mercedes?

Nakita niya ang lahat sa akin!

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na lumuluha. I feel so violated. Wala pa namang nagyayari, but the thought of him seeing me naked feels so degrading. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I bit my lower lip. Matindi pa ako sa na-rape. Pangako ko kasi sa sarili ko na ang taong makakakita ng katawan ko ay ang lalaking mapapangasawa ko. I sighed. I wiped my tears – katulad ng palaging sinasabi ni Maria sa akin, I have to be strong. Strong women lived longer. Strong women are powerful and beautiful. I am strong. I sighed again. Tumayo ako at nagbihis, matapos kong ayusin ang aking sarili ay muli akong lumabas ng silid ko. Bumaba ako ng hagdan – natagpuan ko si Ares Consunji na nakaupo sa dining chair – Chichi is on his lap. He was caressing Chichi’s back while reading the news paper. I could feel my face getting red. Inis na inis na lumapit ako sa kanya at saka hinablot mula sa kamay niya ang dyaryong kanyang binabasa.

He looked at me. “Oh! You’re wearing clothes now!” He grinned at me. Sa inis ko ay hinampas ko sa mukha niya ang dyaryong hawak niya.

“Nuno ka ng kasamaan! Anong ginagawa mosa bahay ko? Anong ginagawa mo sa buhay ko? Ang pangit mo!”

“Kung pangit ako, bakit namumula ka?” He said. Nanlaki ang mga mata ko. Ang yabang ng lalaking ito. Anong akala niya, affected ako sa presence niya? He saw me naked. Hindi ibiga sabihin noon – teka? Ano nga bang ibig sabihin noon?

“I’ve seen you naked, Bathseeba.”

“So?” Tumaas ang kilay ko. “That doesn’t mean anything. Ni hindi mo nga ako nahawakan!” Sigaw ko sa kanya. Bigla siyang tumayo. He stepped towards me, napaatras ako. I could hear my heartbeat beating so fast. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Ano bang nangyayari sa akin.

“Bakit, Bathseeba? Do you want me to touch you?” He whispered. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang braso niya na nakapalupot sa baywang ko. I gasped hard. Bigla ko siyang naitulak pero hindi naman siya umalis. Nagpapasag ako at iyon ang dahilan kung bakit nabagsak kaming dalawa sa sahig,

He was on top of me. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. I could smell his fresh breath – it smelled like mint and cool wind. Nakakaliyo – napapapikit ko pero pinigil ko ang sarili ko. Bakit ako pipikit sa ilalim ng lalaking malaki ang bird at mahalay?

“Rape!!!” Sigaw ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. He stood up – mabilis pa sa alas kwatro na tumayo siya at lumayo sa akin. Ni hindi niya ako tinulungan. I stood up.

“Bakit ka ba nandito?” Inis na inis na tanong ko. He looked at me.

“I’m looking for, Mercedes.” He said to me. “Hindi kita titigilan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung nasaan siya. Kung hindi mo sasabihin, I’ll stay here. Sa madaling salita, dito na ako titira.”

Umikot ang paningin ko. Para akong hihimatayin. 

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon