21. Magmamahal sa kanya

159K 4K 881
                                    

"Para sa babaeng magmamahal sa bunso ko..."

Ilang beses konhg tinitigan ang sulat na kanina ay nakuha ko sa library. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sulat na iyon. Kung tama ang sinabi ni Ate Alberta - Apollo daw ang pangalan ng nagbigay noon - iyon talaga ang Mama ni Ares. Iyon talaga ang Mama niya. Siya lang naman yata ang babaeng Apollo sa mundo at wala nang iba. 

Nakaupo ako sa kama ko habang nasa gitna ang sobreng puti. Hindi ko binubuksan iyon kahit na gusto kong malaman kung ano ang nakapaloob dahil naniniwala naman ako na hindi iyon para sa akin. Ano nga kaya ang laman noon, bakit sa akin binigay? Hindi ko naman mahal si Ares - lalong wala akong balak mahalin siya dahil na rin sa katotohanan na mahal siya ni Maria. The should end up together because they are so much alike. 

Napatingin ako sa pintuan ng silid ko nang makita kong bahagyang bumukas iyon. Pumasok si Chichi. Napangiti ako. Halos isang linggo ko rin siyang hindi nakita. Nang gabing biglaan kaming umalis ni Ares ay agad kong ni-text ang may-ari ng building ng apartment para kunin si Chichi at alagaan. Mahlig naman siya sa hayop kaya walang problema para sa kanya. She took care of Chichi, kagabi ako din ang nanguha sa kanya. Sumampa siya sa kama ko at nahiga sa binti ko. She's so cute. I carressed her back, tinititigan ko pa rin ang sulat na iyon. 

Bubuksan ko ba o hindi? Paano ko bubuksan nang hindi mahahalata? Naniniwala ako na hindi talaga para sa akin ang sulat na iyon. 

"Am I going to read it, Chichi?" I asked her. Nagagaya na ako kay Ares na palaging kinakausap si Chichi. Chichi barked. Para bang inuutusan niya akong buksan nga iyon. Natawa naman ako. Kinuha ko ang sulat. Naisip kong baka kailangan ko ring basahin iyon para naman malaman ko kung para kanino nga iyon - kung para kay Maria, ibibigay ko sa kanya, pero kung para sa ibang tao - hindi ko na ipapakita sa kanya. Habang binubuksan ko ang sulat ay napapaisip ako. Ano na kaya ang ginagawa nila Maria ngayon? Ang sabi niya ay kakausapin niya si Ares. Sabi niya, she'll take the risk and be with him. Naisip ko na baka tama siya - maybe Maria really needed the chance to be with Ares para mawala ang mga what if's at what could've been sa utak niya - na kung susuko man siya ngayon hindi niya sasabihin na hindi niya ginawa ang lahat para lang makasama si Ares. Naisip ko rin na baka ito na ang maging daan para magising siya sa reyalidad ng pagmamahal niya kay Ares. 

Nanginginig ang mga kamay ko na binuksan ang sobre. Naipikit ko pa ang isa kong mata habang ginagawa iyon. Kung hindi lang tumahol si Chichi ay hindi ako mapapadilat. "Oo na, bubuksan ko na po! Aso ka lang ha! Tao ako!" 

Binalingan ko ang sulat na hawak ko. Isa lang ang napansin ko sa penmanship ng nanay ni Ares - ang ganda. Huminga ako ng malalim bago ko binasa ang sulat. 

Para sa babaeng magmamahal sa bunso ko, 

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. I just had a feeling this morning after waking up that this might be the last day of my life. Nakakatawa nga - alam ko naman na hindi pa pero hindi ko mapigilan. Gusto ko lang ibilin ang bunso ko sa'yo. 

You see, I have three kids and Ares is my youngest - I love all of them dearly but my love for Ares is different. Sa tatlo siya ang pinaka-vulnerable. Gusto ko na bilang magmamahal sa kanya ay alagaan mo siya. He can be hard headed at times, he can be selfish, he can be a brat but rest assured that behind all those rotten attributes of my son, he is a good person. 

Sa araw na mabasa mo ito, hija, gusto kong hawakan mo ang kamay ng bunso ko at titigan siya sa kanyang mga mata. I want you to tell him that he is not alone  - that crying over a loss of a love one is okay - it is the most natural thing to do. I want you to hold his hand and never let it go until he can finally smile again. Love him like how I love his father. Be there for him. Be with him. 

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon