22. Lost and found

167K 4.9K 717
                                    

I was sitting on a swing in the middle of the park. Tahimik lang akong nagmamasaid doon. Sa tabi ko ay naroon si Ares Consunji - tulad ko ay nakaupo rin siya sa swing na iyon. He wasn't smiling. He was just looking at the ground as if thinking so deep. Malungkot siya - hindi naman maitatanggi iyon.  Noong iwan din ako ni Daddy para sumama sa ibang babae ay halos kamuhian ko ang mundo but I have Cedes with so hindi naman naging ganoon kasakit iyon.  I bit my lower lip.

"A-ares..." Tinawag ko siya. Bumaling naman siya sa akin. His eyes were cold and lonely. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko sa kanya pero alam kong kailangan kong magsalita. Kailangan kong sabihin sa kanya ang isang bagay at humiling na sana - isang iyon sa makagaan ng loob niya.

"What?" He snapped. Napanguso ako.

"Ang sungit mo naman!" Humalukipkip ako. May ikekwento ako sa'yo." Sabi ko na lang. Hindi naman siya kumibo o kung ano pa man, parang naghihintay lang siya sa akin kaya naisip kong magkwento na. "Noong fourteen ako, lumipat kami dito ng Mama ko sa Metro kasi nambabae si Daddy."

"So?" Mataray na tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Nakakabakla na itong Consunji na ito. Huminga na lang ako nang napakalalim para hindi ako mabwisit nang wagas sa kanya.

"Nasaktan ako. Mahal ko kasi si Daddy at naniniwala ako na mahal niya din kami ni Mama pero iniwan niya kami." I took a deep breath. I don't tall about this with  other people, Ayaw na ayaw kong pinag-uusapan ang kawalan ko. Hindi ko kahit kailan ginusto na mangyari ito sa akin - ang mawalan ng pamilya pero nandito ako, ikinukwento ko sa kanya ang mga pangyayari sa buhay ko - kahit gaano kasakit.

"So?" He asked again. Malapit na akong ma-high blood. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Iniisip ko na kaya siya ganito ay dahil kawawala lang ng mama niya. He doesn't want to show how vulnerable he is. Medyo naiintindihan ko siya.

"Umiyak ako." Wika ko sa kanya. Hindi siya nakakibo ngayon. He stayed still. "Noong umiyak ako, mukha akong tanga. Tulo uhog, tulo luha pero noong umiyak ako, gumaan ang pakiramdam ko. Na-realize ko na ganoon ang buhay - that no matter how much we tried holding on, may mga bagay na gugustuhing kumawala sa atin. Na ang buhay ay pahiram lang, na darating ang panahon na aalis at aalis ang mahal natin sa buhay. It is the course of life, Ares and crying will let you heal."

Biglang tumayo si Ares. Hindi niya ako nilingon. He walked away. Huminga na lang ng malalim. Alam kong nasasaktan siya sa ngayon. I know how it's like losing someone and what he's doing is his defense pero sooner or later - he needs to let it all out. Para siyang time bomb ngayon na naghihintay lang sumabog. Naiwan ako sa park. Hindi ko naman siya sinundan - hindi ko naman kasi alam kung paano siya iko-comfort. Ang alam ko lang ay kailangan niyang umiyak.

I spent the remaining hours walking around the park and trying to figure out the letter his mother gave me.  Dala ko iyon kahit saan ako magpunta. Naupo ako sa may break water at saka binasa na naman iyon. Saulo ko na ang bawat letra at ang bawat salita  sa sulat na iyon. Hindi iilang beses kong iniyakan ang sulat na iyon. I could feel her love towards his son and I really want Ares to be happy. Alam kong si Maria ang taong tinutukoy sa sulat na iyon.  Huminga ako nang malalim. Hindi ko na lolokohin ang sarili ko, hindi ko naman talaga alam kung para kanino ang sulat - iyon din ang rason kung bakit hindi ko maibigay-bigay kay Maria ang sulat. Paano kung para talaga iyon sa akin? Ang ikipinagtataka ko lang ay kung bakit ganoon ang caption: Para sa babaeng magmamahal sa bunso ko.

Magmamahal.

Paano nasabi ng nanay ni Ares na ako ang magmamahal sa anak niya? Isang beses pa lang kaming nagkita at alam ko matapos nang gabing iyon ay itinama naman ni Ares. Paano niya nasabi na ako ang magmamahal? Kung ako nga sigurado ako na wala akong narraamdaman para sa lalaking iyon.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon