26. According to...

166K 4.9K 954
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak matapos naming magkasagutan ni Maria. My feelings for Ares Consunji was out at kahit ayoko at kahit hindi ko sinasadya ay nasaktan ko na ang pinakamatalik kong kaibigan. Hindi ko na alam kung anong sinabi o nasabi ko sa kanya. Hindi ko na nga alam na nasaktan ko na siya ng pisikal dahil noong makita kong pinunit niya ang sulat ni Apollo Consunji ay nagdilim ang paningin ko. Pwede niya akong saktan, sigawan o sampalin pero sana hindi niya pinilas ang sulat ng Mama ni Ares kasi hindi na maibabalik iyon. Pinunasan ko ang mga luha ko habang tinitignan ang sulat na binuo kong muli sa pamamagitan ng scotch tape. Naroon pa rin ang thought ng sulat na iyon pero pakiramdam ko kaunting galaw lang ay bibigay ulit ito. Iyak lang ako nang iyak. Hindi ko na nga alam kung anong iniiyak ko - ang pag-aaway namin ni Maria o ang pagkasira ng sulat ng Nanay ni Ares. 

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Iniisip ko si Maria - kung paano kami naging magkaibigan. Kung ilang away na ang pinagdaanan at na-survive namin. Kung ilang beses na kaming muntik magkahiwalay but we always find each other - I love Maria and I was wrongI love her more than Ares. Ares - he could be my one great love - but Maria - the love we have for each other is bigger than anything else in this world and If I have hurt her because of what I have told her earlier - I was really sorry. Ayokong mawala sa akin si Maria. I cannot leave without her. 

Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog nang gabing iyon o kung anong oras ako nakatulog. Nagising na lang ako nang marinig ko ang isang tinig na umaawit sa kabilang silid. Agad akong tumayo. Noon ko lang na-realize na hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. I was still wearing my uniform. Medyo maasim na nga ang amoy ko pero wala akong pakialam. Naririnig kong kumakanta si Maria. Dapart kaming mag-usap. Lumabas ako ng silid at hindi ako nagkamali. Nakita ko nga si Maria na nagbibihis sa kwarto niya. Kumatok ako. She looked at me. Tumaas ang kilay niya. 

"Buhay ka pa?" She was sarcastic. Pinilit kong ngumiti. Palagi naman siyang ganito kapag nag-aaway kami. I tried acting normal. 

"Sa-saan ka na-natulog k-kagabi? Hinintay kita..." Malambing na wika ko. She smiled. Tumaas talaga ang dulo ng bibig niya. 

"Sa unit ni Ares. We made love Bathseeba. He told me that he was in love with me. Ano ka ngayon?" Nakangising sabi niya. Hindi ako kumibo. Tama ang hinala ko noon, bibigay si Ares. Alam ko naman na mahal niya si Maria Mercedes. I can see that she was really happy now and I coul feel genuine happiness. I smiled back. Oo, masakit - sobrang sakit dahil mahal ko naman talaga si Ares. Pero si Maria ang pinili niya. Wala naman akong karapatan makipagkompitensya dahil siya naman talaga ang nagmamamahal ng totoo sa kanya. Tama si Maria - siya ang nagmamahal at magmamahal kay Ares. Siya ang nagtiis ng siyam na taon. Nasa kanya ang lahat ng karapatan. I took a deep breath.

"Good for you, Maria. Finally. You're happy." Sabi ko. I smiled at her. 

"I deserve happiness, Bathseeba." Mariing wika niya. Tumango ako. Oo, tama din iyon. 

"You really deserve to be happy." Huminga ako nang napakalalim. "Sana mapatawad mo ako sa mga sinabi ko kagabi. Iy-iyong n-nasabi ko. Na-nagalit la-lang kasi ako..." nagyuko ako ng ulo. 

"Wala akong pakialam. Basta akin si Ares. Layuan mo siya o magsasaulian tayo ng kandila." Mariing wika niya. She was putting her red lipstick. Ngumiti ako. 

"Oo. Sorry, Maria..." I said in a low voice. Tumalikod ako. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko siyang nagsalita. 

"Mahal kita, Bathseeba. Pero mahal ko si Ares at akin siya." 

"Hindi ko naman siya inaagaw sa'yo, Maria. Mula pa noon hanggang ngayon kahit na mahal ko siya - kahit na nahulog ako sa kanya - sa'yo siya at hindi kailanman naging akin. Magkakape ka ba?" I asked smiling. Umiling siya. Lumabas ako ng silid. Habang pababa ng hagdan ay narinig kong may kumatok sa pinto. Nang buksan ko iyon ay nakita ko si Oli. May dala siyang isang long stemed white rose. Habang nakatitig ako sa mga mata niya ay naramdaman ko ang urge na bigla siyang yakapin para iyakan sa balikat. Iyon mismo ang ginawa ko. Naniniwala ako na kapag umiyak ako ngayon, mawawala ang sakit, sasaya na ako ng tuluyan. I was crying very hard on his shoulders. I was biting my lip. Paulit-ulit kong sinasabi na masakit, na mukha akong tanga - na ito ang pinakamasakit sa lahat. Alam kong hindi ako naiintindihan ni Oli pero wala naman akong magagawa. Kailangan ko lang ng someone. 

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon