Chapter V : His Fangirl

42 3 2
                                    

AN. Hindi nato throwback. Current na to. Yung moment na secret yung relationship nila. Wala lang baka maguluhan kayo. Hihi ^-^



******


Nasa room ako ngayon naka upo at busy kaka scroll sa newsfeeds ko habang kausap si Tam. Isa sa pinaka close ko sa school aside sa baby ko.

"Oy, Im (pronounce as im hindi aym) diba malapit na first fan meet ng boyfriend mo? Next day na yun diba? Pupunta ka ba?" bulong niya sakin.


Yes. Alam niya na Boyfriend ko ang bagong sikat na Author na kinababaliwan ng maraming wattpaders. Best friend ko kase siya diba? Kaya malamang alam niya.

Pero siya lang ang nakaka alam aside sa mga barkada ng baby ko dahil siya lang ang kaisa-isang friend ko sa department namin. Ang friendly ko diba?

"Uhm maybe? I'm not sure. Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganyan. Tsaka allergy ako sa crowd. Ayoko sa maraming tao." sagot ko habang naka tingin parin sa phone ko.

Pero sa totoo lang pupunta talaga ako. Kelangan kung bantayan ang mga umaaligid sa boyfriend ko no?
Tsaka alam kung mag tatampo yun.

"Ano ka ba, dapat nandun ka. Show him your support. Girlfriend ka. Act like one." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Aba! Nakapag salita ang very supportive na girlfriend.

" Wow! Kung maka act like one ka akala mo naman ang supportive mong girlfriend eh noh? Eh hindi mo nga pinanuod championship ng boyfriend mo sa Table tennis. Kung gusto mo edi ikaw nalang pumunta." singhal ko sa kanya.

"Ehh. Ayoko nga. Hindi ako fan ng boyfriend mo. Tsaka iba naman kase yun. Boring yung laro na yun ehh. Ibahin mo yun."  Palusot niya.

" Ibahin mo kamo ako! Mas prefer ko yung boring kesa sa crowded. Tsaka ano namang gagawin ko dun? Bibili ng libro? Mag papa fan sign? Magpapa picture? Eh pwede ko naman hingin lahat yan sa bahay nila."

"Tse! Yabang nito. Pag 'yan hindi mo inalagaan ng mabuti naku! Sinasabi ko sayo. Wag ka pakampanti. Maraming aagaw diyan." pagbabanta niya sakin.

"Tch. Hindi yun magpapaagaw no. Trust me. Parang mantsa yun sa uniform mo, kapit na kapit." natatawang bulong ko sa kanya.

"Oo na! Oo na! Ikaw na maganda. Pero wag ka. Binalaan na kita. Wag mo 'ko masisi-sisi."

"Tumigil ka na nga diyan. Kung ano-ano na namang iniisip mo ehh." sita ko sa kanya.

Tumahimik naman siya. Nag patuloy lang ako sa pag scroll up and down sa newsfeeds ko habang siya naman ay busy rin kakapindot-pindot ng cellphone niya.

"Oyy. Nabasa niyo na yung Hell University?"

" Taga dito daw yung Author. Sa'n kaya yun nag-aaral. Swerte naman ng mga kaklase niya."

"Alam niyo bang kaedad lang natin siya."

" Yaahh!! Ang gwapo kaya ni Kuya KIB. Asawa ko na siyaa!!!!"

Rinig kung tilian ng mga kaklase ko habang papasok sa room namin.

For real? Nag babasa sila ng wattpad? Sa lagay namin may time pa silang mag wattpad? 3rd year college na kami for heaven's sake.

"See? I told you. Dumadami na karibal mo." bulong naman ni Tam sakin.

"Shut up Tam." sita ko sa kanya.

Ayokong mag-isip ng kung ano-ano. Fan lang sila. Girlfriend ako. Hindi ko kailangang ma triggered sa kanila.

Tsaka mas maganda parin ako sa kanila. Bwahahaha

That Author is my BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon