Chapter 47

9.6K 271 39
                                    

Sophie's POV






"Umupo ka muna." Wika ni Dylan pagkapasok namin sa bahay nila. Nilibot ko naman ang paningin sa loob. Ang tahimik naman dito.

"Ahmm. Wala ba kayong ibang kasama dito? Kayo lang ng parents mo?" Umupo ako sa mahabang sofa.

"Ah oo. Medyo ayaw kasi ni mommy ng ibang tao dito sa bahay. Kapag weekends lang may pumupunta dito para maglinis."

Napakunot ang noo ko. "Talaga?"

"Yeah. Uhm dito ka lang kukuha muna ako ng maiinom mo."

"Ok." Tumango ako. Tumalikod naman si Dylan.

Hindi ko alam pero bigla na lang tumayo ang balahibo ko sa braso ng iwan nya akong mag-isa sa sala. Shit! Ba't bigla akong kinilabutan.

Pinilig ko na lang ang ulo ko para mawala ang nararamdaman ko.

Makalipas ang mga tatlong minuto bumalik ulit ito.

"Sophie uminom ka muna." Nilapag nito ang isang baso ng orange juice.

"Salamat." Kinuha ko ang baso. "Di ba may kukunin ka?" Dahan-dahan kong ininom ang juice. Hmmm.. Nakaka-refresh naman ang lamig.

Umupo ito sa katapat kong upuan. "Oo pero mamaya na pagkatapos mong uminom." Ngumiti ito. "By the way kumusta pala kayo ng mama ni Cassey? Nakwento kasi ni Katrina na medyo hindi daw kayo ok."

Nangangalahati na ako sa juice kaya binaba ko na. Ayoko na, medyo nasobrahan yata sa tamis.

"Ok na kami. Medyo nung una lang hindi kami nagkasundo. Pero ngayon ok na lahat."

"Kung ganun tuloy na tuloy na ang kasal nyo?" Sumeryoso ang boses nito.

"Hmm.. Oo."

Bigla naman itong tumayo at tumabi sa akin. Napaatras ako, nangyari sa kanya?

"Bakit?" Nagtataka kong wika. Nakatitig lang kasi ito sa mukha ko.

"I love you Sophie." Mas lumapit pa ito.

Napalunok ako. Ano daw?

"H-ha? Ano?" Halos pabulong kong wika.

Namilog ang mata ko ng bigla na lang nitong hinigit ang batok ko at hinalikan ng madiin ang labi ko.

Pucha---

Automatikong gumalaw ang kamay ko para itulak ito ng malakas. Nagtagumpay naman akong makawala.

Tumayo ako at lumayo sa kanya. Hindi ko sya maintindihan pero isa lang ang dapat kong gawin ngayon. Ang umalis.

"Sorry. I just really like you --"

"Alis na ko." Tatalikod na sana ako pero hinawakan naman nito ng mahigpit ang kamay ko.

"No. Hindi ako papayag."

Matigas kong binawi ang kamay ko pero ayaw nitong pakawalan. "Bitiwan mo ako Dylan. Ano ba!"

"Please stay. Pagbigyan mo na'kong makasama ka." Hinawakan pa nito ang isa ko pang kamay.

Rumagasa ang takot sa dibdib ko. Ramdam kong seryoso ito sa sinabi.

"Hindi kita maintindihan --"

"Matagal na kitang gusto Sophie. Nung una ka palang dumating sa school gusto na kita. Ako ang unang nakakita sayo, ako dapat ang unang nanligaw sayo at hindi si Cassey."

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Where stories live. Discover now