Chapter 12

10.7K 285 16
                                    

Sophie's POV

Ang lakas ng ulan. Grabe! Di ako makalabas sa grocery store, hindi ko rin dala ang payong ko kaya andito lang ako sa loob at nakatingin sa mga taong dumadaan.

Ano ba yan, bakit ngayon pa. Napabuntong hininga na lang ako sa inis. Hayyy.. Kelan ba titigil ang ulan? Gusto ko ng makauwi at makahiga.

Isang pamilyar na sasakyan ang pumarada sa harap ng tindahan. Mabuti naman at dumating din.

"Babe." Rinig na rinig ko parin ang boses nito kahit maingay ang patak ng ulan. Nakapayong ito habang papalapit.

"Bakit ang tagal mo?" Hindi naman ako galit, naiinis lang ako dahil halos mag-iisang oras na akong naghihintay.

"Sorry, na traffic lang." Kinuha nito ang pinamili ko. "Lets go."

Magkasabay kaming naglakad sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan muna nya ako ng pinto bago ito nagtungo sa driver seat.

Kinuha ko ang payong at nilagay sa likuran.

"Babe magluto ka ng soup ngayon ah. Ang lamig kasi." Sabi nito pagkapasok.

"Oh sige."

"Thanks." Pinaandar na nito ang sasakyan.

Tipid lang akong ngumiti saka tumingin sa may bintana.

"Babe ok ka lang?" Hinawakan nito ang kamay ko.

Napalingon ako. "Hmmm? Oo naman. Bakit?"

"Wala lang." Ngumiti ito. "I just miss you." Hinalikan nito ang kamay ko.

"N-namiss rin kita." Umiwas ako ng tingin at umupo ng maayos. Magkahawak parin ang mga kamay namin.

---

Two months ago...

"Besh may itatanong ako sayo." Matamlay kong wika.

"Ano yun?"

"Anong mararamdaman mo kung malalaman mo na pinaglalaruan ka ng ibang tao?"

"Anong klaseng laro?" Humigop ito ng sabaw ng balot. Wala naman akong ganang kumain.

"Yung pinagpupustahan ka? Yung akala mo totoo sya sayo pero malalaman mo na lang sa iba na hindi pala."

"Hmmmm.. Syempre magagalit ako, alangan naman sumaya ako."

"Tapos? Ganun lang?"

"Hindi ganun lang. Malamang sa malamang maghihiganti ako. Tao kaya ako hindi bagay."

Hindi ako umimik.

"Hindi mo ba yan kakainin? Akin na lang." Kinuha nito ang balot sa kamay ko. "Teka besh sino ba yang pinag-uusapan natin?"

"K-kaklase ko." Pagsisinungaling ko.

"Naku sabihin mo dyan sa kaklase mo maghiganti sya."

Maghiganti? Tama ba ang maghiganti?

"Besh maiba pala tayo. Si Cassey ba nanliligaw parin sayo?"

"Malay ko dun." Umahon ulit ang galit sa dibdib ko. Nanliligaw? O trip lang?

"Kung ako sayo sasagutin ko sya besh. Swerte mo kaya sa kanya."

Muntik na akong matawa. Swerte? Ako? Kung alam mo lang ang totoo.

"Kapag may nanligaw sa aking gaya nya besh naku sasagutin ko agad."

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon