Chapter 41

9.9K 287 36
                                    

Sophie's POV

"Besh winner." Sigaw ni Katrina ng makapasok sa loob ng salon. Hindi pa kami magbubukas. Dinala ko lang sya dito para makita nya ang pwesto at makapag linis na rin kami.

Hinila ko ang kamay ni Cassey papasok. Inaantok pa kasi ito at ayaw pa sanang bumangon kaya lang pinilit ko lang talaga para samahan ako.

"Oh di ba sabi ko na sayo besh. Dito malalabas mo na ang tinatago mong talento." Masayang kong wika.

"Babe, tulog muna ako dito." Humiga ito sa sofa.

"Sige." Hinayaan ko na lang muna ito.

Tinabihan ko si Katrina.

"Anong nangyari sa jowa mo? Mukhang puyat na puyat yata?"

"Ewan ko dyan." Inayos ko ang lalagyan ng mga pang kulay ng buhok.

"Naku besh. Alam ko na. Siguro pinuyat mo noh?"

"Ano ka dyan. Ako talaga ang pumuyat? Di ba pwedeng sya yung hindi nagpaawat."

Natawa ito. Alam kong gets nya ang sinabi ko. Iisa lang kasi ang takbo ng utak namin. "Sabi ko na nga ba. May ebidensya ka kasi ulit besh."

"Ha? Anong ebidensya?"

"Yan oh." Tinuro nya ang leeg ko. "Namumula-mula pa."

Agad akong tumingin sa salamin. Pucha! Bakit hindi ko to napansin kanina habang nagbibihis.

Napatingin ako kay Cassey, nakakainis talaga. Grrr.. Sabi ko ng wag akong lalagyan ng kiss mark eh.

"Nakailan kayo kagabi besh?"

Binato ko sya ng suklay. "Sira! Tumigil ka nga."

"Naku, naku.. Chikinini pa more."

"Baliw! Pag hindi ka tumigil hindi kita elilibre."

"Sabi ko nga seryos na tayo. Paki abot nga nun besh." Kinuha ko ang basahan at hinagis sa kanya.

Hayy naku.

Cassey talaga, makukurot kita mamaya.

Ang himbing pa naman ng tulog, halatang pagod.

Sino ba naman ang hindi mapapagod, kahit madaling araw ayaw paring tumigil. Buti nga ako hindi talaga nagpadala sa antok. Napuyat rin naman ako pero hindi naman pwedeng pabayaan ko lang si Katrina dito ngayon.

"Besh, hindi ba tayo kukuha ng ibang makakasama dito?"

"Ahmm.. Kukuha. Pero hindi ko pa nasasabi kay Cassey."

"Mas ok kasing may kasama tayo dito di ba? Sigurado naman akong hindi papayag ang jowa mo na araw-araw ka dito. Dalawa lang ok na besh. Malay mo pumatok tayo di hindi na tayo mahihirapan."

"Oo nga besh, naisip ko na rin yan. Hindi ko pa lang nasasabi kay Cassey kasi hindi pa tayo nagsisimula."

"Sabagay. Pero basta kapag kukuha kayo dapat yung mapagkakatiwalaan. Mahirap na ang panahon ngayon di ba."

"True."

Tama naman. Hindi lang magaling dapat mapagkakatiwalaan rin ang makakasama namin dito.

Pinagpatuloy namin ang paglilinis.

"Hi, good morning."

Bigla naman kaming napahinto ni Katrina at napalingon sa bumukas na pinto. Pamilyar ang boses ng lalaki.

"Ai sir hindi pa po kami open." Magalang na wika ni Katrina.

Nagulat naman ako ng makita kung sino. "Oh Dylan?"

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Onde as histórias ganham vida. Descobre agora