Chapter 14

11.7K 311 12
                                    

Sophie's POV

Di na naman ako makatulog. Ilang gabi na akong napupuyat dahil sa kakaisip. Anong gagawin ko? Hindi ko na kasi alam kung anong nangyayari sa akin. Akala ko madali lang ang plano ko, akala ko kaya kong umiwas sa mga halik at yakap nito. Pero hindi, lalo lang akong nahuhulog sa kanya sa bawat araw na magkasama kami. Gulong-gulo na talaga ang utak ko. Nakokonsensya ako kapag sinasabi nito na mahal nya ako. Gusto kong maniwala pero hindi ko magawa. Sumisiksik parin sa utak ko ang sinabi ni Reymond. Paano kung makuha na nya ang gusto nya sa akin? Iiwan kaya nya ako? O baka mawala na lang ito na parang bula.

Ayokong magsisi sa huli. Ayokong masaktan. Ngayon palang natatakot na ako.

Straight parin ba ako? Hayy.. Hindi ko na talaga alam. Kung pwede ko lang iuntog ang sarili ko sa pader ginawa ko na.

"Nakakainis!" Nasabunot ko ang sariling buhok. Dumapa na lang ako at pumikit. Namimiss ko na sya kahit kanina lang kami magkasama.

Tumunog ang cellphone ko. Si Cassey, agad kong sinagot.

"Hmmm bakit?"

"Buksan mo'ko."

"Ha? Asan ka ba?" Bumangon ako.

"Sa labas. Dali babe ang lamig."

Pinatay ko ang cellphone at nagmamadaling tinungo ang pinto. "Ba't nandito ka? Gabing gabi na."

Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob, sinara ko naman agad ang pinto. Umuwi muna si ante ng probinsya kaya ako lang mag-isa dito sa bahay.

"Nag-aalala kasi ako. Ikaw lang mag-isa dito baka ano pang mangyari sayo."

"Ok lang naman ako. Sanay naman akong mag-isa kapag wala si ante."

"Kahit na." Umupo ito. Napansin ko naman ang dala nitong maliit na bag.

"Ano yan? Ba't may dala kang bag?"

Hinawakan nito ang kamay ko. "Come babe. Ang lamig-lamig." Pinaupo nya ako sa hita nito. Yumakap ito ng mahigpit, sobrang higpit.

"Bakit ka nga may dalang bag?" Hindi ko pinansin ang paglalambing nito. Ganito sya palagi kaya paano ko gagawin ang plano kong maghiganti? Gusto ko talagang umiwas, gusto ko itong pigilan pero di ko magawa.

"Wala yan. Naisip ko kasi na baka, baka lang naman pwede akong matulog dito?" Ngumiti ito.

Tatayo sana ako pero mas lalo lang humigpit ang yakap nito. "Hindi pwede."

"Sige na naman. Di ba magkatabi naman tayong natulog nun sa probinsya nyo?"

"Iba yun kasi wala akong choice."

"Grabe naman babe. Papauwiin mo pa ako? Umuulan na kaya."

"Hindi ko naman kasi sinabi na pumunta ka dito."

"Please babe? Maawa ka naman sa akin oh. Kahit dito na lang ako sa labas."

Ngayon ko lang naalala wala pala akong suot na bra. "Teka nga, may kukunin lang ako sa kwarto." Pilit kong tinatanggal ang kamay nitong nakapulupot pero mas lalo lang tumigas ang pagkakayakap sa beywang ko.

"Cassey isa. May kukunin lang ako."

"Wag mo ng kunin." Ngumisi ito.

"Dalawa." Dama kong nag-iinit na ang mukha ko.

"Wag na nga. Mas ok kung wala kang suot ---"

Mabilis kong tinakpan ang bibig nito. Napansin rin nya? Nakakahiya. Kapag naalala ko ang ginawa nyang paghawak sa dibdib ko lalo akong nalilito sa sarili ko. Bakit di ko man lang ito sinaway?

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Where stories live. Discover now