Chapter 34

10K 297 41
                                    

Sophie's POV



"Taray, laki ng ngiti mo besh, kanina pa yan ah. May ganap ba?" Tukso ni Katrina sa akin. Nakaupo lang kami dito sa labas ng bahay.

"Wala naman besh." Nakangiti parin ako. Wala lang, masaya lang ako bakit ba. Nakakakilig lang kasi si Cassey eh. Ewan ko ba, inlove lang siguro talaga ako sa kanya kaya ganito ako. Plus, may nangyari pa sa amin kanina.

"Wala daw. Halos nga kumandong kana sa jowa mo kanina. Malapit nga akong di mapansin dito noh. Kung hindi pa ako dumaldal ng dumaldal baka nagmukha akong estatwa dito."

Kinurot ko ang pisnge nito. "Support kana lang besh pwede."

"Naku, naku. Hinay-hinay lang besh."

Pabiro akong umirap. "Anong magagawa ko? Masaya lang naman ako kaya di ko mapigilang maging sweet sa kanya."

"Sweet ba yun? Mukha namang landian yun besh."

"Bahala kana nga. Basta masaya ako ngayon."

"I know right. Lalo na ngayon na umalis na ang hadlang sa pag-iibigan nyo. Winner ka besh, ikaw na talaga."

Natatawa akong naiiling. Hay naku..

"Ano bang kinuha ng jowa mo bakit ang tagal?"

"Cellphone nya." Oo nga, kanina pa yun ah. Bakit ang tagal naman yatang bumalik, maggagabi na.

"Tawagan mo, tapos magpadala ka ng makakain."

Kinuha ko ang cp ko at dinial ang number ni Cassey.

Ha? Unattended?

Paulit-ulit kong tinawagan ang number nito pero ganun parin. Hmmm..

"Di macontact besh."

"Malas naman. Gutom na'ko."

Tumayo ako. "Bumili ka na lang muna ng barbeque." Inabot ko sa kanya ang 100.

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Uuwi na muna ako. Baka ano ng nangyari dun. Wag kang mag-alala babalik rin kami mamaya."

"Oh sige. Basta bumalik kayo ha."

"Oo. Sabay na tayo sa labasan." Nilock ko muna ang pinto ng bahay.

Pagkalabas namin sa may skinita pumara agad ako ng taxi. Salamat naman may naligaw dito. Habang nasa taxi ako panay dial parin ako sa number ni Cassey. Ano bang nangyari dun? Kung lowbat sya dapat nag-charge sya agad. Hayy..

35 minutes bago ako nakarating sa condominium dahil sa traffic. Malapit ng mag alas sais.

Tinakbo ko naman agad ang elevator dahil malapit na itong sumara. Buti na lang may kasabay ako sa loob. Pinindot ko ang number 12.

Nagkatinginan kami ng lalake na kasabayan ko. Medyo nakakailang dahil bigla itong ngumiti. Nag-iwas ako ng tingin, ewan ko pero nahiya ako.

Ai salamat nakarating din ako sa wakas. Mabilis akong lumabas pagkabukas ng elevator.

Agad kong pinindot ang password ng unit. Pumasok ako sa loob, tahimik naman at parang walang tao. Akala ko ba umuwi sya?

"Cass?" Sinara ko ang pinto. Hmmm.. Asan kaya yun?

Napakunot noo naman ako pagkagawi ko sa sala. Lumapit ako sa sofa, may dalawang baso ng alak. Alam kong alak yun dahil sa amoy nito. Ang isa wala ng laman habang ang isa naman meron pa.

Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumalikod ako at tinungo ang kwarto namin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

"Cass --" Humigpit ang hawak ko sa door knob. Natigilan ako na parang hindi ko alam kung ano ang gagawin sa nakikita ngayon.

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Where stories live. Discover now