Chapter 45

10.9K 319 91
                                    

Cassey's POV

"Pssst." Agaw ko sa antensyon ni Dylan. Papasok na sana ito sa salon.

"Oh Cass." Ngumiti ito agad pagkakita sa akin.

"What are you doing here?" Kunot noo kong tanong.

"Ah wala. Pumunta lang ako dito para ibigay tong pizza na pinabili ni Katrina. Nagtext kasi sya na nagugutom na daw sila ni Sophie." Pinakita nya pa ang dala na pizza.

"Ah ganun ba?" Hindi parin magaan ang loob ko sa pagpunta-punta nya dito. Kaya lang si Sophie sinasabi namang hayaan na lang para rin daw ma-inspire si Katrina. Tssk. Ewan ko lang.

"Yeah."

"Sige pasok kana."

"Ok." Pumasok ito sa loob at sumunod naman ako.

"Hi guys." Masiglang bati ni Dylan pagkapasok. Napalingon naman ang dalawang babae sa gawi namin.

"Ai salamat naman dumating kana baby." Patakbong lumapit si Katrina kay Dylan at kinuha ang dala nitong pizza.

Isang linggo na matapos ang opening ng salon. So far so good naman, walang naging problema kahit paminsan-minsan lang kami nakakapunta ni Sophie dito.

Nilapitan ko naman ang girlfriend ko. Nakangiti ito habang nakatingin kina Katrina. Hinapit ko ang bewang nito at niyakap. "I miss you." Bulong ko sa tenga nito.

Napangiti ito at mahinang kinurot ang tagiliran ko. "Tatlong oras ka lang nawala, miss agad?"

"Hmm. Of course. Feeling ko nga isang taon na babe."

Yumakap ang dalawa nitong kamay sa leeg ko. "Talaga?"

"Oo." Tumingin ako sa kanyang labi. "Babe?"

"Hmmmm?"

"Ba't ang pula parin ng labi mo kahit hindi ka naman naka-lipstick?"

Agad namang pinagdikit ni Sophie ang labi na parang nahihiya. "Ewan. Inborn yata." Ngumisi ito.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko. "Patikim nga." Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at agad itong hinalikan sa labi.

Gumanti naman ito. She slightly open her mouth.

"Eherrrrmmmm. Besh, pizza muna kaya tayo bago yan." Rinig kong wika ni Katrina.

Pareho kaming napatigil ni Sophie. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napangiti.

"Mamaya na lang ulit babe." Magkahawak kamay kaming umupo sa sofa. Umupo na rin sina Katrina at Dylan.

"Hmm ang sarap nito baby." Sarap na sarap na wika ni Katrina habang kumakain.

Ngumiti lang din si Dylan. Hindi ko alam kung anong trip ni Katrina sa pagtawag ng baby kay Dylan. Wala rin namang nakukwento si Sophie tungkol sa kanila.

Kumuha si Sophie ng isang hiwa. "Ahh." Subo nito sa bibig ko.

"Ayoko babe. Busog pa'ko." Umiiling kong tanggi.

"Saan ka naman kumain?"

"Kanina sa bahay. Pinakain kasi ako ni mommy ng bake nyang cookies."

"Ha? Ba't hindi mo'ko dinalhan?" Umirap ito bago kumagat ng pizza.

"Pupunta naman tayo mamaya kaya di na kita dinalhan. Tsaka babe sabi nya dun na rin daw tayo magdinner mamaya."

"Talaga? Sige." Kibit balikat nitong sabi.

Sumandal ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko para maglaro. Hinayaan ko lang si Sophie na kumain.

"Baby wala bang panulak." Malambing na wika ni Katrina kay Dylan.

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon