Chapter 3

11.8K 296 12
                                    

Cassey's POV

Nasusuka ako!

"Anong nangyari sayo?" Tanong ng katabi ko. Sa wakas na solo ko na rin si Sophie kaya lang napagasto pa ako ng 100 thousand para lang tumahimik si Mr. Cruz. Pera lang naman talaga ang katapat nila.

"Wala." Plastik akong ngumiti. Hindi ko alam kung ilang beses akong lumunok para pigilan ang bibig ko.

"Oh anong sasabihin mo? Bilisan mo dahil kelangan ko pang samahan si ante mamili ng damit sa ukay-ukay. Gumagabi na oh. "

Nasusuka talaga ako dahil sa kinain kanina. Shit! Ano bang klaseng pagkain yun. "Ahmmm pwede bang samahan mo muna ako sa convenience store? Bibili lang ako ng coke."

"Ha? Bakit dun pa? Ako na lang ang bibili dyan sa tindahan." Lumabas ito ng kotse.

Hinayaan ko na lang ito. Kinuha ko naman ang phone ko. Ang daming text galing sa mga girlfriend ko. Hmm.

Agad kong tinago ang cellphone ko pagkabalik ni Sophie.

"Oh." Inabot nya sa akin ang isang plastik.

"Ano yan?"

"Coke."

"Eh bakit nasa plastik?"

"Ngayon ka lang ba nakakita nito?"

Nagtataka ko itong kinuha.

"Sipsipin mo yang straw." Utos nito.

Nagaalangan ko naman itong kinuha.

Gusto ko sanang magreklamo pero hindi ko na lang ginawa. May kelangan pa ako sa kanya at dapat mapa oo ko sya.

Inubos ko ang softdrinks na hindi man lang humihinga. Wew! Kahit papaano ok na ang pakiramdam ko.

"Thanks." Inabot ko sa kanya ang plastik.

Inis naman ang mukha nitong tinanggap ang empty plastik. "Oh ano na? Hindi mo pa ba sasabihin ang sadya mo?"

I smiled. "Chill, sasabihin ko na nga eh." Parang kinabahan yata ako bigla ah. Tssk no way! "Yun na nga sana magpapatulong ako sayo di ba -----"

"Ano ngang klaseng tulong?"

"Ahmmm.. Gusto ko kasing ano eh, gusto ko sanang magpanggap ka na girlfriend ko."

Bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"Teka, ano?"

"Narinig mo naman ang sinabi ko kaya wag mo ng ipaulit. Sige na please?"

"Hanip ka rin noh? Ganun lang yun? Hindi ba pwedeng ipaintindi mo sa akin kung ano man yang trip mo."

"Yun na nga sinabi ko na. Gusto ko na magpanggap ka na girlfriend ko."

Natawa naman ito. "Naka singhot ka ba?"

"I'm serious I really need your help." Pinaawa ko ang boses ko.

"Alam mo mabait akong tao pero kapag pinagtitripan ako, naku makikita mo talaga ang hinahanap mo. Kung wala kang magawa sa buhay pwede wag ako ang pagbuntungan mo."

"Hey, hindi mo ba ako narinig? Seryoso ako sa sinabi ko. Hindi naman kita hahanapin kung hindi ko talaga kelangan."

"Oo nga pala nakapagtataka naman, hindi pa nga tayo magkakilala ng lubusan pero bakit sa akin ka lumalapit?"

Think Cassey. Hindi ka pwedeng maboko. I know I'm genius, hitting two birds in one stone ako nito kapag napapayag ko sya. Mananalo ako sa pustahan ng walang kahirap hirap.

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon