Chapter 43

9.5K 289 28
                                    

Cassey's POV


Pagkaalis ni Sophie agad ko namang hinarap si mommy.

"You really want to ruin my life mom?" Sigaw ko.

"She left you now. Kung mahal ka talaga ng babaeng yun hindi sya aalis at basta-basta kana lang iiwan dito."

"Umalis sya dahil sa inyo hindi dahil hindi na nya ako mahal." Shit!

"Ano bang nakita mo sa babaeng yun Cassandra? Napaka-bata nyo pa para magpakasal. Masyado na nyang nalason ang utak mo. Hindi ka naman ganyan dati."

Mapait akong ngumiti. "Yeah you're right. Hindi ako ganito dati, hindi ako ganito kung mag-isip dati. Wala akong pakialam sa mga taong nakapalibot sa akin. Wala akong pakialam kung makasakit man ako ng tao. Wala akong pakialam kung mag waldas ng pera. Pero simula ng makilala ko sya, she immediately taught me how to value life. She's the one who taught me how to care, how to respect, how to deal with people. Sya yung taong nagturo sa akin kung paano magpahalaga. Na kahit kelan hindi nyo tinuro sa akin!" Hindi ko na napigil ang emosyon ko.

Hindi sumagot si mommy. She just remain silent and stare to my eyes.

"Sa kanya ko lang naramdaman yung pagmamahal na puno ng sensiredad. Kahit ganito ako tinanggap nya ako mom. You know how stubborn I am. Alam mong kahit kayo hindi ko sinusunod. Pero sya nagawa nya akong baguhin. Nagsikap akong magbago para hindi sya mawala sa akin. Para hindi nya ako iwan." Nagyuko ako ng ulo. Namamasa na ang mata ko. "Ayoko ng bumalik sa dati. Ayoko ng maging malungkot ulit mom. Please, I don't want to lose her. Mababaliw ako."

Di ko napigil ang luha ko. Tumalikod ako para hindi nya makita ang pag-iyak ko.

"C-cassandra." Naramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko. "I'm just worried. You're my daughter and I know what's the best for you."

Pinunasan ko ang mata ko.

"You're worried for your money mom. Hindi mo'ko iniisip yun ang totoo."

"No, it's not true. Mahal kita at gusto ko lang naman --"

"You love me?" Hinarap ko ulit ito. "Kelan pa? Bakit hindi ko yun maramdaman? Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ko pinapakilala sa mga kaibigan mo? Bakit laging si Clarissa ang parati mong sinasama sa mga party? Bakit feeling ko kinakahiya mo ko dahil sa kasarian ko? Bakit mom? Bakit ngayon mo lang sinabi yan? Dahil ba masaya na ako ngayon? Dahil ba kontento na ako ngayon?"

I can't help it. Gusto kong malaman nya na nasasaktan ako.

"Anak hindi kita kinakahiya kahit kelan. Gusto kitang maging masaya. Wala akong ibang gusto sa inyong dalawa ng kapatid mo kundi ang mapabuti. Please understand me." She hold my hand. "Ayoko lang na abusuhin kayo ng ibang tao. Lalo ka na Cassandra, ikaw ang papalit sa ama mo. Kelangan mong pumili ng babaeng matalino at kaya kang gabayan sa lahat ng bagay. Hindi yung babaeng abusada at pera mo lang ang gusto."

"Then Sophie is the right woman for me. Give her a chance mom. Kung mahal mo talaga ako sana naman kahit ngayon lang makinig ka sa akin. I love her so much."

Bumuntong hininga ito. "Cassandra, I like someone else for you. She --"

Binitiwan ko ang kamay nito. "Si Sophie lang ang gusto ko wala ng iba." Matigas kong wika. "If we will just continue to argue this, mabuti pa umalis na lang kayo. Buo na ang desisyon ko mom. Supportado naman ni dad ang gusto kong pagpapakasal sa kanya kaya tama na. Ayoko ng makinig sa inyo."

Umupo ako. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin.

"I will talk to your dad." Tumalikod ito at parang nanghihinang tinungo ang pinto.

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Where stories live. Discover now