Chapter 30

12.8K 354 106
                                    

Sophie's POV



Second semester na rin. Ang bilis ng araw. Wala akong pasok ngayong umaga kaya naisip ko munang maglinis ng bahay. Nasa school naman si Cassey, pinilit ko talaga syang pumasok kahit ayaw nya. Sigurado akong hindi rin ako makakapaglinis kung andito sya.

Napatigil ako ng may biglang kumatok. Binitiwan ko muna ang flower vase at tinungo ang pinto para buksan.

Ngumiti ako. "Yes Po?" Isang magandang babae ang nasa harap ko. Mga nasa 40 plus na siguro ang edad nito.

Hindi ito sumagot at nilampasan ako. Nagtataka ko itong sinundan ng tingin. Hindi ko maintindihan pero parang kinakabahan ako.

Sinara ko ang pinto.

"Where's my daughter?" Walang kangiti-ngiti nitong wika. Daughter?

Teka, ina sya ni Cassey? Bakit ko ba hindi tiningnan ang picture ng ina nya noon para nakilala ko agad. Namura ko ang sarili, kainis.

"N-nasa school po." Kinakabahan kong wika. "Upo po kayo maam." Kinuha ko naman ang basahan sa maliit na mesa.

"No thanks." Tumingin ito sa paligid bago bumaling sa akin. "Are you the cleaner?"

"Ha.. H-hindi po."

"Kung ganun sino ka?" Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

Napahigpit ang hawak ko sa basahan. "G-girlfriend --"

"Wait, isa ka ba sa babae nya?" Putol nito sa sasabihin ko. "Oh my god. You're probably the girl that Reymond was talking about. Ikaw ang taga squatter na pinatulan nya?"

Nagyuko ako ng ulo. Taga squatter? Nagulat man ako sa sinabi nito pero binalewala ko na lang.

"S-sophie po ang --"

"I knew it. Now I know why Cassey's keeping you. Mukhang marunong kang mag-alaga at mang-uto." Hindi man lang ako pinatapos.

Tumagos sa puso ko ang huli nyang sinabi. Mang-uto? Kahit kelan hindi ko inuto si Cassey.

"M-maam hindi ko po --"

"I don't wanna hear your explanation. You know why I went here? Ayoko sanang bumalik sa pilipinas pero kelangan kong umaksyon. Dalawang kaibigan nya ang nagsumbong sa akin, my husband wants to pull out his investment to our friends company. Ngayon lang to nangyari at alam ko na kung bakit." Nang-iinsulto itong tumawa ng mahina. "You're poisoning my daughter's mind. You knew how rich she is right?"

"Maam hindi ko po alam ang sinasabi nyo." Mahina kong wika.

"They're right, mukhang nabilog mo ang ulo ng anak ko."

Hindi naman ako madaling masaktan sa mga salita lang pero iba to. Masakit pala kapag ina na nya ang nagpapamukha sa akin na pera lang ang habol ko sa pakikipagrelasyon kay Cassey.

"Magkano ba ang gusto mo para layuan ang anak ko? 10, 20 million?"

Nilapag nito ang shoulder bag at may kinuha na ballpen at check.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Hindi ko po kelangan ng pera. Mahal ko po ang anak nyo." Malumanay parin ang pagkakasabi ko.

Ngumiti ito na parang hindi naniniwala. "Kung ang anak ko napaniwala mo, pwes ibahin mo ako. Lets be honest, kung wala namang pera ang anak ko hindi ka naman papatol sa gaya nya di ba?"

Gaya nya?

"Just say your worth at babayaran kita."

Nakuyom ko ang isang kamay. "Maam gaya po ng sabi ko mahal ko po si Cassey. Yun po ang totoo."

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon