Chapter 44

10.1K 283 56
                                    

Sophie's POV





Bago kami pumunta sa bahay ng parents ni Cassey dumaan muna ako sa bahay namin para kunin ang naiwan kong bag kagabi.

Nagpaiwan naman si Cassey sa kotse.

"Hoi besh." Gising ko kay Katrina. Natutulog ito sa sahig habang nakayakap sa unan.

"Kanina ko pa yan ginigising ayaw talaga." Napalingon ako kay ante. Nasa mesa ito kumakain. "Bakit ba kasi dito pa yan uminom?"

"Magkasama po kami kagabi kaya lang sinundo ako ni Cassey. Hindi ko naman alam na ganito pala ang nangyari." Inalog-alog ko ang balikat ni Katrina. Ang hirap pa naman gisingin nito kapag lasing.

"Nagulat nga ako pagkakita ko sa kanya kagabi. Muntik na akong tumawag ng mga kapitbahay."

Naisipan kong kumuha ng tubig. Pipitik-pitikan ko lang naman ang mukha baka sakaling magising.

"Besh. Gising na."

"Hmmm.." Basa na ang mukha nito. "Umuulan na. Pasok na tayo." Nakapikit nitong wika.

Hay nananaginip pa yata.

"Gumising kana nga dyan." Pilit ko itong binangon. Grabe, bakit ba kasi inubos namin ang isang bote.

"Hmmm.." Umungol ito na parang ayaw talagang bumangon.

Ang bigat ng katawan.

"Pabayaan mo na yan. Magigising rin yan kapag nagutom." Sabi ni ante.

Napaismid ako at binitiwan ang kamay ni Katrina.

"Sige. Tirhan nyo na lang ng pagkain to. Baka biglang magising at maghanap ng makakain."

"Oh sige."

Kinuha ko ang bag sa upuan. "Aalis na ako ante."

Tumango ito. "Mag-iingat ka."

"Opo."

Tiningnan ko muna si Katrina bago tuluyang lumabas.

Pagkarating ko sa loob ng sasakyan agad itong pinaandar ni Cassey.

"Cass, sa kanila ba tayo kakain ng tanghalian?" Tiningnan ko ito.

"Hindi ko pa alam. Let just see if everything goes well." Nakatutok lang ang mga mata nito sa daan.

"Ok." Yun lang at hindi na ako nagsalita pa. Sa totoo lang kinakabahan talaga ako. Nagdadalawang isip ako kanina kung sasama ba ako o hindi.

Ano kayang pag-uusapan nila? Bakit kasama pa ako? Masama pa naman ang huling pagkikita namin ng nanay nya kagabi.

Hay naku bahala na.

Makalipas ang ilang minuto pumasok kami sa isang exclusive subdivision. Namangha ako sa mga dinaanan naming bahay. Parang mansion sa laki at gara.

Huminto kami sa isang napaka-laking gate. Bumusina naman si Cassey para buksan kami.

"Andito na tayo babe."

"Dito ang bahay nyo?"

"Yeah."

Dahan-dahang bumukas ang gate.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayan na papasok na kami sa loob.

Napahawak tuloy ako sa kamay nito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. "Cass, umuwi na lang kaya ako."

"Ha? Bakit?" Pinarada nito ang kotse sa gilid ng napakalaking espasyo.

"Eh kasi.. Ahmm..--"

Hinawakan nito ang mukha ko. "Babe kung kinakabahan ka, don't worry andito ako sa tabi mo. I'm sure we will just talk about business." Ngumiti ito.

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon