Chapter 4

10.3K 303 8
                                    

Sophie's POV




"Besh, yung manliligaw mo andyan na naman." Salubong ng bestfriend kong si Katrina sa may kanto. Hindi pa nga ako nakakarating sa bahay sinalubong agad ako ng masamang balita. Hahaiii

Bakit ba ang malas ng araw ko ngayon. Una sinira ni Cassey ang mga damit, pangalawa panay ang pangungulit nya sa akin tapos pangatlo ito naman. Kelan ba ako makakapag-pahinga.

"Besh naman sana sinabi mo na umuwi ako sa probinsya. Alam mo bang tinakasan ko si Cassey ngayon tapos di ko pa nasamahan si Ante sa ukay-ukayan. Patay ako nito mamaya eh." Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Besh alam mong hindi ako sinungaling noh. Tsaka ayokong mag english-english kaya hinayaan ko na lang." Tatawa-tawa pa. Nakakainis.

"Dyan ka na nga." Dahil sa inis ko iniwan ko na lang sya.

Malapit na ako sa bahay namin. Yun nga totoo ang sinabi ng best friend ko, andito nga si Arthur ang Australian na manliligaw ko,nasa 40s na yata ang edad nito. Siya na lang ang nag-iisa kong manliligaw na kano, lahat binasted ko na pati na rin si Arthur pero panay parin ang balik nito kahit sinabi ko ng ayaw ko sa kanya. Ayoko naman talaga sa kanila tsaka alam ko naman ang habol nila, pare-pareho lang silang lahat.

"Hi." Bati agad nito ng makalapit ako.

"What are you doing here?" Walang gana kong tanong. Binuksan ko ang pinto namin.

Sumunod rin ito sa loob kahit di ko pinapapasok.

"I'm here to see you. I miss you so much."

Yuck! "I'm so tired, can you just go home. I want to rest."

"I'm sorry. I just want to see you for the last time."

Napatingin ako sa kanya. Talaga? Buti naman kung ganun!

"Really? Well ok. Take care." Tipid akong ngumiti. Mabait naman ito pero hindi ko talaga alam bakit iba ang pakiramdam ko sa kanya.

"Thank you. Uhm Sophie can you make me a favor before I leave tomorrow?"

"What favor?"

"Can you come with me to get my gift for your aunt? It's the washing machine and the tv. That's what she wanted for her birthday next week right? I couldn't attend for the celebration so please come with me and bring it. You know, so you can hide it somewhere."

Napaka generous naman. Oo nga gustong gusto ni ante magkaroon ng ganun pero di nga kami makabili dahil kulang sa kita at may mga gastusin pa.

"You don't need to do that -----"

"Don't worry It's my present for your aunt. I just want to thank her for her hospitality."

"But --"

"Please? Just this time."

Kahit papaano na touch ako sa ginawa nya. Masisiyahan talaga si ante pag natanggap nya ang regalo. Di ko muna iisipin ang pride ko sa ngayon total huli na to. Para rin naman to kay ante di ba.

"Ok. Just give me a minute. I'll just change my clothes."

"Sure."

Iniwan ko sya sa may sala. Nagsuot lang ako ng komportable, pants at T-shirt lang. Baka mamaya ako pa ang magbuhat nun pauwi.

"Lets go?" Sabi ko pagkalabas ng kwarto.

"Ok." Umuna itong lumabas. Nilock ko naman ang pinto, mamaya pa siguro si ante makakauwi.

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Where stories live. Discover now