Chapter 1

19.5K 382 17
                                    

Cassey POV

"I'm so bored." Himutok ko habang nakahiga sa damuhan.

"Gusto mo ba mag enjoy?" Parang wala sa sariling sabi ng katabi ko. His name is Reymond del Monde kaklase ko sa isang subject. He's like a guy bestfriend to me.

Napatingin ako sa kanya. "I don't do drugs dude."

Bigla naman itong natawa. "Hindi yan ang ibig kong sabihin. I mean lets make a challenge, sabi mo bored ka."

Napaupo ako. "Like how?"

"Magpustahan tayo."

Napangiti ako. "Gusto ko yan."

"Good. Epupusta ko ang big bike ko."

"Game, ako naman yung kotse ko ngayon. So anong pagpupustahan natin?"

"Hindi ano kundi sino?"

Napakunot noo ako. Oh oh, parang ayoko ng iniisip nito.

"Don't tell me chix yan?"

Tinaas baba nito ang kilay which means I'm right. "Mismo!"

Napailing ako. "It doesn't sound good. Alam mong may girlfriend ako dito Rey. Gusto mo bang patayin niya ako? I'm cheating on her tapos dadagdagan mo pa?"

"Someone's scared." Pang iinis pa nito habang nakangisi.

"Hindi ako natatakot kaya lang ---"

"Kung hindi ka natatakot you will accept the challenge. Parehas lang naman tayong may girlfriend dito Cass."

"Yeah right! Pero ---"

"Come on, wala ng pero. We will enjoy this I promise."

"Fine, pero atin lang to. Ayokong malaman to ng iba."

"Sure." Ang laki ng ngiti. Mas bored pa yata to sakin. "Here's the deal, you and I will court her within 1 week. Kung sino ang unang sasagutin sya ang panalo."

"1 week? Easy to get ba to?"

"Hindi ko alam pero mukhang hindi naman. Yun kaya ang challenge dun dude."

"Ok.So sino to?"

"Pumunta tayo ng library." Tumayo ito.

"Library? Anong gagawin natin dun?"

"Basta. Dun ko nakita yung babae, bago sya dito kaya alam kong wala pa syang mga kaibigan."

Hindi na ako sumagot at sumunod na lang sa kanya.

Tahimik kaming pumasok sa loob ng library. Actually ito ang unang beses kong pumunta dito.

Nakatayo lang ako sa tabi ni Reymond habang may hinahanap naman ito.

"Ayun!" Bulaslas nito habang pasimpleng tinuturo ang isang babae.

Nakayuko ito kaya hindi ko masyadong makita ang mukha.

"Lalapitan ko di ko makita." Bulong ko.

"Sige pero wag mo munang popormahan. Bukas pa tayo magsisimula."

"Yeah yeah." Tinapik ko muna ang balikat nito bago tinungo ang mesa kung saan nagbabasa yung babae.

Pasimple akong umupo sa bakanteng upuan sa harap nito.

"Eheerrmm." Kunwari tikhim ko para tumingin ito sa akin.

Di nga ako nagkamali dahil na agaw ko ang pansin nito. Nag angat ito ng mukha. Holy shit...Ang ganda!

"Ikaw na naman?" Mahina ngunit madiin nitong saad.

"Huh?" Wala sa sarili kong sagot habang nakatingin sa mukha nito.

Mayabang x Palengkera (gxg) ♡CassPhie♡Where stories live. Discover now