Chapter 13

537 22 0
                                    

Cliff Tyron's POV

Tahimik lang kaming naglalakad ni Hope patungo sa hindi ko alam kung saan. 

Ang sabi nya samahan ko sya pero ako naman nauuna. 

Psh.  Parang tanga. 

Tumigil ako ng lalad para sana paunahin sya pero kumunot ang noo ko nang maramdaman kong tumigil din sya sa likod ko.

Para tuloy syang buntot ko -.-

Inis ko syang nilingon. 

"Where are we going?" inis kong tanong. 

Ewan ko pero lagi nalang akong badtrip pagnakikita ko sya.

Must be because of that huh. 

Tsk. 

"Ah.. Uhm... P-Pwedeng secret muna? " tanong nya. 

Tsk.  May pasecret secret pang nalalaman. 

"Then lead the way.  Hindi yung para kitang buntot" inis kong sabi. 

Ngumiti naman sya at nauna na sakin. 

Hindi ba sya naiinis sakin?  I always know that my words are harsh lalo na pag sya ang kausap ko.  Ang mas nakakainis ay parang natutuwa pa sya kasi kinausap ko sya kahit na naiinis ako lagi kaya mas lalong nakakabanas. 

I really can't tolerate her presence. Ang awkward lang lalo na dahil alam halos ng buong school na may gusto sya sakin. 

Kaya kapag magkadikit kami,  nabibigyan na ng malisya. 

Totoo naman na hindi nya ako masyadong inaano.  Hindi sya tipo na laging dumidikit sakin pero lagi ko naman syang nakikita.  Kung nasaan ako nandoon sya.  Hindi sya lumalapit pero ramdam ko lagi yung mata nya sakin. 

Ang creepy lang. 

Para akong may stalker. 

Stalker na nga tapos gangster pa. 

Tsk.

Now I'm womdering kung bakit nga ba ako sumasama sa kanya. 

Pero anong magagawa ko? 

Kailangan ko ng kasama at sya lang ang nanjan na. 

Hindi ko naman pwedeng sabihin kayla Fier na ininjan ako ng angel ko.

Sa totoo lang masakit talaga.  Andami ko ng sinabi na reason kung bakit matagal sya.  Sabi ko baka natraffic kahit na wala namang masyadong sasakyan dito at napakalapit lang ng bahay nila.  Sabi ko din sa sarili ko baka nagpapaganda pa kasi ganon naman lahat ng babae,  except for Hope. Pero ilang oras na lahat lahat,  nakatulog na din si Hope sa kabilang bench at tulo laway na din, wala pa din ang angel ko.

So anong ibig sabihin non? 

Basted ako?

Masakit.  First time kong mainlove pero first time ko din mabasted. 

Hays.  Karma's really a bitch huh. 

I snapped out of my thoughts nang mapansin na medyo malayo na sakin si Hope.  Agad kong binilisan ang lakad ko para makahabol pero tumigil ako sa likod nya. 

Ngayon parang ako naman ang buntot. 

Tsk. 

Kaya naman mas binilisan ko para sana tumabi sa kanya pero nagulat ako nang bilisan nya din. 

Kumunot ang noo ko sa inis. 

Mas binilisan ko pa pero binilisan nya din.  Hanggang sa hindi ko namalayan na tumatakbo na pala kami.

-.-

"bakit ka ba tumatakbo?!" inis kong sigaw.

Ang sakit na ng baga ko dahil sa ilang minuto naming pagtakbo. 

Pero ang babaeng to kala mo nagjajogging lang dahil nagawa pang humarap sakin at patalikod na tumatakbo. 

"Kasi nanghahabol ka bigla! " sabi nya. 

Inis akong napatawa. 

So ako pa pala may kasalanan?  Eh tatabi lang naman ako. 

"Ugh!  Bahala ka jan!" bulyaw ko pero nagulat ako nang bigla akong matapilok.

"Shit/Cliff!" ako/sya.

I closed my eyes and redied myself for the pain pero nagulat ako nang walang dumating kahit na ramdam kong bumagsak ako. 

Then I heard a groan and realized that I was enveloped in someones hug. 

Mabilis akong umupo. 

Napaupo din si Hope. 

Why...

Why did she do that? 

Tatanongin ko na sana sya kung okay lang sya nang bigla nyang hawakan ang magkabilang pisngi ko at tinignan ako sa mata.

Dug dug.  Dug dug.  Dug dug.

Puso ko,  umayos ka.  Kumalma ka. 

"Ayos ka lang? Wala ka bang sugat?  May masakit ba sayo? " tanong nya. 

Hindi ako nakasagot agad dahil sa emosyong nakikita ko sa mga mata nya. 

It was filled with worry and nervousness, fear pero mas nagulat ako nang makita namamasa masa ito. 

Why? 

Why is she about to cry? Why is she worrying?  Why? 

Then I remembered na sya yung sumalo nung impact ng pagtumba namin. 

I snapped out of my thoughts at tinabig ang mga kamay nya. 

"Why did you do that?! " asik ko. 

Tumayo na ako at pasimple kong tinignan kung may gasgas sya o sugat.

I tsked nang mapansin na wala naman. 

"Stand up" inis kong sabi. 

Tumayo naman sya pero napansin ko ang simpleng pagngiwi nya.

Tss. 

"Next time don't do something like that.  I never asked you to take the damage for me"

She bit her lips at saka tumango. 

I sighed.

"Tara na" sabi ko at hinawakan ang bewang nya para alalayan. 

She stiffened kaya naman nagsalita agad ako. 

"walang malisya to.  Kailangan lang kitang alalayan kasi mas mahihiraan lang ako pag tumumba ka jan" sabi ko.

"Okay" sabi nya. 

I sighed. 

"So where are we going? " tanong ko.

"Turn right dun sa may kanto" sabi nya. 

Sinunod ko naman at nagulat ako sa nakita. 

Perya? 

Seriously? 

I looked at her and she smiled. 

"I always wanted to go here"

TBC

A gangster's loveWhere stories live. Discover now