Chapter 12

585 19 0
                                    

Serena Hope's POV

"Hoy"

Napamuglat ako sa gulat. 

May bigla ba namang sumipa sakin at syempre,  dahil nga sa reflexes ko ay mabilis kong hinila yung tao papunta sa akin at saka sya tinuhod. 

I heard a groan kaya naman napangisi ako. 

Pero nawala agad ang ngisi ko nang makita kung sino ang tinuhuran ko.

"Cliff!" I exclaimed. 

Mabilis akong tumabi sa kanya at inalalayan syang umupo sa may bench. 

Sinamaan nya ako ng tingin nang magsettle down sya sa bench. 

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Naman,  Ren! Bawas points ka na naman sa kanya eh tsk. 

"Sorry" sabi ko. 

Pag dating talaga sa kanya mabilis lang bitawan ang salitang yon.

Aigoo.  The big bad gangster's a softie to her beloved. 

"Tss.  Ikuhanan moko ng ice pack" asik nya. 

Agad naman akong tumango at pumunta sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng ice.

Agad ko itong niwrap sa bimpo ko.

Napangiwi nalang ako. 

Kasi alam ko na masakit talaga yung pagkakatuhod ko.

Syempre alam ko kung gano kalakas na pwersa yung ginamit ko. 

Buti nalang hindi sya pinanawan ng ulirat.  That means he's not that weak. 

Pero masakit talaga yon. 

"Manang anong oras na po?" tanong ko sa nagbebenta. 

"Alas syete na neng. Ang sweet sweet nyo ng boyfriend mo.  Hindi kayo magkatabi pero para pa rin kayong nagdedate hihi" kinikilig na turan nya.

Napangiwi ako. 

Hindi nga kami magkatabi panong date?  Weird ni manang. 

Pero yes namaaaan,  pangalawang tao na na nagsabing magjowa kami hihi. 

Ngumiti nalang ako at saka mabilis na bumalik sa may bench. 

Iniabot ko agad kay Cliff yung icepack. 

Kinuha naman nya iyon sa akin at inaapply sa lower part nya. 

Napaiwas ako ng tingin. 

Nyeta,  ang awkward -.-

Pero walang mangyayari kung mananahimik lang ako. I need to do something. 

"Uhm.. D-dumating ba yung date mo?" tanong ko. 

Kahit na alam ko namang wala talagang dadating. 

Naguiguilty tuloy ako. Psh. 

Maguiguilty na nga lang ako sa ganitong bagay pa.  Samantalang mga illegal na gawain ng gang ko hindi man lang ako naguiguilty.  Hays. 

"Wala kang pake" sabi nya at mukhang bad mood pa rin sya. 

Napabuntong hininga ako. 

"Tara" sabi ko sabay hawak sa braso nya. 

He flinched kaya napatigil ako saglit pero mabilis din akong nakabawi.

I tightened my grip at saka sya hinila patayo. 

I will never give up now.  Ilang taon na, kaya bakit pa ako titigil ngayon?  Tsk.

"San tayo pupunta? " asik nya. 

A gangster's loveWhere stories live. Discover now